bc

OWEN: A Love Built On Lies

book_age18+
602
FOLLOW
7.0K
READ
fated
opposites attract
second chance
heir/heiress
drama
office/work place
disappearance
addiction
like
intro-logo
Blurb

"I... I can't control myself. My mind feels hazy, a-and my body i-isn’t listening to me. W-what the hell did you do to me? D-did you put something in my drink?"

Pag-ibig, panloloko, at isang masakit na katotohanan.

Owen Connelly, a 28 year old CIA agent na nagmahal at nabigo, dahil sa panloloko sa kanya ng dalawang babaeng dumaan sa kanyang buhay.

Owen’s fiancée made him believe he had cheated on her. Ngunit walang kaalam-alam si Owen na ang lahat ng nangyari sa kanila ni Hannah ay planado, plinano lahat ni Sidney na fiancée niya, upang takasan siya at sumama sa lalaking ipinalit nito sa kanya.

Si Hannah Kim Diaz, 25, ang babaeng ginamit ni Sidney para maisakatuparan ang kanyang plano.

Halina at subaybayan natin ang buhay pag-ibig ng isang Owen Connelly.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Utang na loob-
Hannah's POV "What? Buntis ka? Paanong nangyari na nabuntis ka samantalang dalawang buwan ng hindi bumabalik dito si Owen? Tell me the truth, Sidney... what really happened?" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Buntis ang aking kaibigan na si Sidney, pero two months ng hindi bumabalik dito sa US ang kanyang fiancée. Paanong nangyari na buntis siya ng five weeks kung nasa Pilipinas naman si Owen? Natatakot ako para sa kanya, isang matapang na CIA ang fiancée niya at hindi ito matatanggap ni Owen. Why would she betray her fiancée when he treated her so well? I can't help but feel hurt for Owen. "Keep your voice down! Someone might hear you! Do you ever think before you speak, Hannah?!" Sabi niya, ramdam ko ang pagkainis niya sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko. Tumingin sa paligid at isinara ang pintuan ng kanyang silid, at mababakas sa kanyang mga mata ang matinding pangamba. "Ano ka ba? Alam mo naman na nandiyan ang dad ko, hindi ba? Bakit hindi ka nag-iisip? Paano kung marinig ka nila?" Hindi ako nakakibo, pero humingi ako ng paumanhin. Gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang nangyari, pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. Nakikita ko sa mukha niya na hindi siya mapakali. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya dahil kilala naman niya si Owen at kung paano ito magalit. Whoever the father of the child she's carrying is... I'm sure it's not Owen. Pero paanong nangyari samantalang halos araw-araw kaming magkasama, pwera na lang sa gabi dahil magkahiwalay kami ng silid. "Kapag nalaman ito ni Owen, papatayin niya si Austin. Papatayin niya ang lalaking mahal ko at baka pati ako. Natatakot ako Hannah, hindi ko na alam ang gagawin ko." Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. Sinong Austin ang tinutukoy niya? At ano ang sinasabi niya na mahal niya ang Austin na 'yon? Ikakasal na sila ni Owen, tinanggap niya ang proposal nito two months ago nang huli itong magpunta dito, so bakit sinasabi niya na mahal niya ang lalaking nagngangalang Austin? Paano niya nakilala ang lalaking 'yon ng hindi ko namamalayan? "Hannah, hindi ba babalik ka na sa Pilipinas sa susunod na linggo? Two weeks na lang 'yon, hindi ba?" Kumunot ang noo ko, pero tumango ako. Bakit nararamdaman ko ay may pinaplano siya na hindi ko magugustuhan? Kinakabahan tuloy ako habang nakatitig ako sa kanya. Parang sa way pa lang ng pagtingin niya sa akin... bakit parang masisira ang buhay ko? "Halika dito, Hannah. Ikaw lang ang makakatulong sa akin para makawala ako kay Owen. Hindi ko na siya mahal Hannah, at si Austin na ang itinitibok ng puso ko. Pero ikaw Hannah... alam ko na mahal mo ang boyfriend ko. Alam ko at hindi mo ito maipagkakaila sa akin, alam ko na nuon pa man ay mahal mo na si Owen. Pero hindi ako galit, normal lang 'yon dahil sobrang gwapo naman talaga ng nobyo ko. Pero hindi ko na siya mahal kaya tulungan mo ako. Ayaw mo ba nuon? Mapapasa-iyo na ang lalaking itinitibok ng puso mo. Please Hannah, kailangan ko ng tulong mo. May plano ako at ikaw naman ang makikinabang ng lahat kaya please pakinggan mo ako." Nabigla ako. Napaatras ako ng hakbang at umiling-iling ako. Oo may pagtingin ako kay Owen nuon pa man, pero kaylanman ay hindi ako gumawa ng kahit na anong hakbang para mahalata ni Owen na may lihim akong pagtingin sa kanya. At hindi rin ako desperada para iparamdam ko na mahal ko si Owen. Sapat na sa akin na makita silang pareho na masaya sa isa't isa. Wala akong balak manira ng kahit na kaninong relasyon, at hindi ko naman pinangarap na agawin si Owen sa kanya. Minahal lang siya ng puso ko, pero hanggang duon lang 'yon at kaylanman ay hindi na dapat pang malaman ng kahit na sino ang tungkol sa damdamin ko. "Teka lang... bakit ako? Ayoko Sidney. Kung ano man 'yang plano mong 'yan, ayokong maging bahagi nito. Huwag ako ang gamitin mo, nakikiusap ako sa'yo." Naiiyak ako. Hindi ako makapaniwala na ako ang gagamitin niya. "Please. Kailangan ko ngayon ng tulong mo. Ngayon ako hihingi ng kapalit sa ginawa kong tulong para sa iyong ama. Kung hindi dahil sa akin ay nabubulok ito sa kulungan sa dami ng utang niya. Tinulungan din kitang makarating dito sa America para makapag-trabaho ka at masuportahan mo ang mga magulang mo. I'm so sorry kung gagamitin ko ang mga ito sa'yo ngayon, pero ito lang ang paraan na alam ko upang tulungan mo ako." Napapailing ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Sabi mo nuon, may utang na loob ka sa akin. Ito na 'yon, ang kabayaran na gusto ko. Gawin mo ito para sa akin Hannah. I’m your best friend, and you owe me... it's not just one favor, at hindi lang dalawa. You owe me everything, and you know it." Sabi niya. Tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Gagamitin niya ako upang matakasan niya ang kasalanang nagawa niya kay Owen. Hindi ako makapaniwala. Oo best friend ko siya, pero bakit niya ako gagamitin? "A-ano ba ang gusto mong gawin ko?" Tanong ko, nanginginig ang boses ko. Pinunassan ko ang mga luha ko at tinitigan ko ang mukha niya. Gusto kong mabasa niya sa mga mata ko na nasasaktan ako. Gusto kong makita niya na hindi ko gusto kung ano man ang kanyang plano. "Sasama ako sa'yo sa pag-uwi mo sa Pilipinas, pero hinding-hindi ito malalaman ni Owen. Ang gusto ko ay puntahan mo siya sa condo niya, kunwari ay may ipinabibigay akong pasalubong para sa kanya. Tapos ayain mo siyang uminom ng beer, at ilalagay mo ang gamot na ito sa inumin niya. Gumawa ka ng kahit na anong paraan upang mawaglit siya saglit sa kanyang inumin para maisagawa mo ang plano. Hindi niya ito malalasahan at matutunaw din agad ito sa inumin niya. Mawawala siya sa sarili niyang katinuan at mababaliw siya sa katawan mo kapag tumalab na ang gamot na ito sa kanya. Pampainit ito ng katawan at hindi 'yon titigil hangga't hindi ka niya naaangkin. Mababaliw ka sa kanya pag dating sa kama. Wild si Owen at sigurado ako na hahanap-hanapin mo kung paano siya makipag romansa. Please, gawin mo 'yan para sa akin." Nabigla ako sa narinig ko kaya bigla ulit akong umatras ng ilang hakbang. Gusto ko na kasing lumabas ng silid niya, ngunit para nang ipinako ang mga paa ko sa sahig. Best friend kaming dalawa, pero bakit niya sisirain ang buhay ko? "Ito ang plano ko... susulpot ako kinabukasan at mahuhuli ko kayong dalawa sa loob ng condo niya. Pagkatapos ay magpapanggap ako na biktima ng panloloko ninyo sa akin at magagalit ako sa inyo at mamumuhi. Kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi ko siya patatawarin kaya iyon na ang pagkakataon ko para sumama kay Austin. Please, I know na hindi mo ito ikatutuwa, pero ito lang ang alam kong paraan upang magkaroon ako ng dahilan na tapusin ang relasyon naming dalawa. Iyon na rin ang magiging dahilan para lumayo na kami ni Austin. Please Hannah, gawin mo ito para sa akin bilang kabayaran sa lahat ng naitulong ko sa pamilya mo at sa iyo." Napahagulgol ako. Sapo ko ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa best friend ko. Hindi lang ang buhay ni Owen ang sisirain at sasaktan niya, pati ako na matalik niyang kaibigan. Bakit naman ganoon? Bakit kailangan niyang gamitin ang utang na loob namin sa kanya para lamang magawa niya ang maitim niyang plano? "Pero Sidney, buhay ko ang magiging kapalit sa gusto mong mangyari. Ako ang papatayin ni Owen kapag ginawa ko ang plano mo. Alam nating pareho kung gaano ka kamahal ni Owen. Papatayin niya ako kung ako mismo ang magiging dahilan ng pag-iwan mo sa kanya, naiintindihan mo ba 'yon? Ilalagay mo ba ang buhay ko sa kapahamakan? Para na tayong magkapatid, huwag namang ganito." Umiiyak ako habang nakikiusap ako sa kanya na huwag niya itong gawin sa akin. Matalik kaming magkaibigan, magkababata at halos sabay na lumaki, pagkatapos ganito lang ba ang mangyayari sa amin? Gagamitin niya ako para sa sarili niyang kapakanan kahit na mapahamak ako? "Hindi ka niya sasaktan, maniwala ka sa akin dahil best friend tayo. Alam niyang magagalit ako sa kanya kaya wala siyang gagawin sa'yo na ikapapahamak mo. Magtiwala ka, at malay mo makuha mo ang puso niya at mapaibig mo siya kapalit ko. Siguraduhin mo rin na mabubuntis ka upang maibaling niya sa'yo ang pagmamahal na inuukol niya para sa akin, at tuluyan na rin akong makawala sa kanya. Please, kapalit ito ng mga itinulong ko sa pamilya mo. Kapag hindi mo ito ginawa, magpapakamatay ako sa harapan mo Hannah. Promise gagawin ko talaga para makunsensya ka." Humagulgol na ako ng humagulgol. Ang sakit sa puso na marinig ang lahat ng ito mula sa kanya. Ang tunay na kaibigan ay hindi ipapahamak ang kaibigan para lamang sa sarili nilang kapakanan, pero iyon ang ginagawa ngayon ni Sidney sa akin at tinatakot pa niya ako na magpapakamatay siya sa harapan ko. Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ito? Pinunasan ko ang mga luha ko, tumayo ako at tumango sa kanya bilang pangsang-ayon ko. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Hindi ko na siya nilingon pa, masyadong masakit ang lahat ng ito para sa akin. Tinawag niya ang pangalan ko, pero dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kanya ay hindi ko siya nilingon. "Hannah, mamahalin ka ni Owen, hindi ka niya sasaktan. Ang lahat ng plano natin, hindi niya dapat malaman. Ititikom mo ang bibig mo at dadalhin mo hanggang sa hukay mo ang sikreto nating 'yan kung ayaw mong patayin ako ni Owen, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Papatayin ako ni Owen, at kunsensya mo 'yan kapag nangyari 'yan. Ikaw ang sisihin ng buong pamilya ko at ng lahat ng mga taong malapit sa akin." Para akong walang narinig, patuloy lamang akong naglakad hanggang sa makalabas na ako ng silid niya. Pagkarating ko ng silid ko, napaupo ako sa sahig at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Tama siya, malaki ang utang na loob namin sa kanya, pero hindi ko inakala na ito ang magiging kapalit ng lahat ng tinulong niya sa amin. Mahirap man ang buhay na kinagisnan ko, pero hindi naman ako manggagamit ng kapwa ko. Ako si Hannah Kim Diaz, at nandito ako sa bansang America dahil kinuha ako ng best friend kong si Sidney upang gawin niyang personal alalay. Malaki ang utang na loob namin sa kanya, pero ngayon ay sinisingil na niya ako, at ang kapalit ng lahat ng tulong niya nuon sa amin... maaaring ang buhay ko. Totoo ang sinabi ni Sidney kanina sa akin. Matagal ko ng mahal si Owen, pero alam ko rin na kahit kaylan ay hindi ako mamahalin ni Owen... dahil si Sidney lang ang buhay niya, at kapag nawala sa kanya si Sidney na ako ang dahilan... Baka mapatay niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa oras na maisagawa ko na ang gusto ni Sidney. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Mapapatawad kaya ako ni Owen sa kasalanang magagawa namin sa kanya? Ewan ko, natatakot ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook