Chapter 1: Gossips
Allyson's POV
"Alam mo na ba?"
"Ano?"
"May bago na namang kumakalat na issue sa campus natin."
"Ano nga, pa thrill pa eh!"
"Buntis si Seandy!"
"No way! That silent Seandy girl?"
"Yeah! No doubt, nasa ilalim lang talaga ang kulo! Yakss!"
"I knew it! May tinatago talagang landi 'yang babae na 'yan!"
Nag-lalakad ako ngayon sa hallway ng paaralan namin papunta sa aking classroom.
Habang naglalakad rinig na rinig ko ang samot' saring tsismis na galing sa mga studyante sa hallway. Napailing nalang ako, umagang-umaga mga walang kwenta na ang lumalabas sa mga bibig nila. Nature na ba talaga 'yan sa mga tao? Minsan napaisip nalang ako, ano kaya ang makukuha nila sa pag-tsitsismis sa mga taong wala namang konek sa buhay nila? Kaya hindi umuunlad ang Pinas eh!
"Allyson dahlin!" bumungad sa akin ang matalik kong kaibigan pag-kapasok na pag-kapasok ko sa aming classroom, kaya napangiti nalang ako.
"Yllah dahlin!" pag-gaya ko rin sa boses niya, saka kami lumakad papunta sa aming upuan at umupo na.
"May assignment ka?" pa-cute niyang tanong. She does this whenever she wants something from me. I frowned.
"Hindi ka na naman ba gumawa ng assignment mo?"
"Nakakatamad eh, pahiram nalang 'yung sa'yo plesh~" she said in a sing-song tone.
I just stare at her with my raised eyebrow.
"... sige na pleaseeee, bestfriend pleaseee!" pangungulit niya
Wala na akong nagawa kaya kinuha ko nalang ang assignment ko sa aking bag saka binigay sa kanya.
"Yay! Thankies!" aniya saka kinuha ang aking assignment, at dali-dali naman itong kinopya.
Napabuntong-hininga nalang ako, at humarap sa white board saka pinikit ang aking mga mata habang nag-hihintay sa aming instructor.
Ang tagal ng teacher namin, ang ingay-ingay na ng classroom. Probably nakipag-tsismisan pa 'yun sa ibang guro.
"Ally!"
Napamulat nalang ako nang tinawag ni Yllah 'yung pangalan ko, tinignan ko siya na nakahinto na sa kanyang pag-susulat.
"Oh?"
"Alam mo na ba?"
Napairap nalang ako, "Buntis si Seandy." sagot ko
"Omg! alam mo na?" gulat niyang sabi
Minsan ang sarap din nitong batukan 'tong babae na'to eh, nakipag-sabayan din sa mga walang kwentang tsismis.
"It's all over the campus." walang gana kong sagot.
"Oo nga eh, kawawa niya 'no? Kung ako 'yun siguro-------"
"Ano ba! Ang ingay niyong dalawa ah!" naputol 'yung sasabihin sana ni Yllah nang bigla kaming sinita ng isa sa mga kaklase namin na nasa likuran namin ni Yllah.
Ewan ko, pero hindi naman talaga masyadong malakas 'yung boses namin mas malakas pa nga 'yung sa kanila eh.
Liningon ko siya sabay sabing, "Sorry."
"Shut up!" bara niya sa akin.
I have no choice but to keep silent, wala akong kalaban-laban sa isang Amalia Lim kilala bilang siga dito sa campus namin.
Walang pinipili, kahit sino pinag-tritripan, kahit sino binu-bully.
"May araw rin 'yang mga bruhildang 'yan." narinig kong bulong ni Yllah. Pag-tutukoy niya kay Amalia at sa mga kasamahan pa ni Amilia na mga sunod-sunoran niya lamang. Wala nang ibang nagawa si Yllah at tinuloy nalang niya ang pag-kokopya sa aking assignment. Kaya ako rin ay tumahimik nalang. Habang sila Amilia at saka 'yung kasama niya ay patuloy sa pag-iingay at pag-tatawanan.
Hypocrisy at its finest!
"I'll check the attendance now, kindly keep quite for a moment." napatingin kami sa class monitor namin na nandoon na sa platform upang icheck na ang aming attendance.
Tumahimik na 'yung ibang kaklase ko pero sila Amalia at ibang kasamahan niya patuloy pa rin sa pag-iingay na parang walang naririnig. Hindi nalang din ito pinansin ng aming class monitor dahil sanay na rin siya sa mga ugali nito.
"Alaras, Rowena!"
"Present!"
"Barbaras, Charry!"
"Present!"
"Blasabas, Merlyn!"
"Present!"
"Cinco, Jessela!"
"Andito!"
"Duarte, Feya Rose!"
Napatingin 'yung ibang kaklase ko kay Feya na patuloy pa rin sa pag-iingay kasama nila Amilia at mga alipores nila.
"Duarte, Feya Rose " pag-uulit ng aming class monitor, this time mas malakas na ang kanyang boses na siyang nakaagaw ng atensyon nila Feya.
"Tanga ka ba? Hindi mo ba ako nakita dito?!" narinig kong bulyaw ni Feya sa aming class monitor. Hindi ko siya makita dahil nasa likuran lang siya ni Yllah na katabi ko lang. Wala rin naman akong planong lingunin siya baka kung ano pa ang kanyang maiisip.
"Booo!" pag-kakanchaw ni Amalia at may nakisali ring ibang kaklase namin.
"Elis, Hanna!" nag-patay malisya nalang ang aming class monitor at nag-patuloy sa pag-roroll call.
"Wala pa!"
"Espina, Alexia Jone!"
"Absent! Maybe she's with her sugar daddy!" agad na sagot ni Amalia kaya umingay na naman ang classroom sa kanchawan at tawanan.
"Ewww!"
"Kadiri! Alexia is so madumi!"
Kanya-kanyang komento naman ng mga kaklase ko.
"Mag-kaibigan ba talaga sila ni Alexia?" napatingin nalang ako kay Yllah na bumulong sa akin.
Mag-kaibigan basta mag-kasama.
Amalia, Feya at Alexia silang tatlo ang kilalang pinakabully sa paaralan na'to. Mag-kakaibigan silang tatlo at si Amalia ang leader-leaderan nila.
Funny thing here is, whenever they're with Alexia super close nilang tatlo at para talaga silang mag-bestfriend. Pero ang hindi alam ni Alexia ay bina-backstab na pa'la siya ng dalawa niyang tinuturing na kaibigan.
"Lim, Amalia" pag-papatuloy ng aming class monitor
"I just talked to you earlier, you don't have to mention my pretty name with your trashy mouth." pag-mamataray ni Amalia.
"Martinez, Jolina"
"Nandito ako!"
Again, Mika Ella ignored them and pretend that she didn't hear anything.
Bilib din talaga ako sa pasensya ng class monitor namin kahit marami na siyang natatanggap na pang-iinsulto galing nila Amalia wala pa rin siyang reaksyon, she doesn't even give a damn. Hindi pa rin siya huminto bilang isang class monitor namin.
Si Mika Ella ang isa sa baguhang estudyante rito. Mostly, katulad nila Amalia ay nag-aaral na rito sa Saint Marcus University simula Junior years hangang ngayon na Grade 11 na kami. Kaya kilalang-kilala ko na pag-uugali nila.
No doubt kung bakit si Mika Ella ang isa sa palagi nilang pinag-tritripan dahil maliban sa tahimik lang ito ay baguhan pa siya rito sa aming paaralan.
May maraming nag-sasabi na weird daw siya, manhid, alien at kung ano- ano pang panghuhusga at pang-lalait na sinasabi nila. Pero kung ako ang pag-sasalitain hanga ako sa kanyang katatagan.
"Maq, Trisha!"
"Yow!"
"Mortez, Allyson Abigail" agad kong tinaas ang aking kamay nang marinig kong tinawag ang aking pangalan sabay sabing, "Present"
"Olive, Diana"
"Absent, may excuse letter siya."
"Park, Rayen"
"Present!"
Napatingin kami sa bagong dating na si Rayen, obvious na nag-mamadali siya dahil hingal na hingal siya papunta sa kanyang upuan.
"Hi taba!" pangangasar ni Feya.
Hindi ito pinansin ni Rayen sa halip ay yumuko na lamang siya.
"Reyes, Yllah"
"Present~" masiglang sagot ng best friend ko.
"Tarra, Kimberly"
"Present!"
"Tuazon, Dianne"
"Present!"
"Uy, Desiree"
walang sumagot, sandaling katahimikan.
"Uy! baka patay na!" Amalia broke the silence with her harsh joke bagay na umingay na naman ang room namin ng tawanan.
Ano bang nakakatawa? May nakakatawa ba sa ideya ng kamatayan?
"Tahimik!" agad namang napahinto ang mga kaklase ko sa pagtawa nang mag-salita ng ma-awtoridad ang aming class monitor.
Napa 'woah' nalang ako sa aking isipan, ngayon ko lang siya nakitang sumuway sa aming kaklase. Pati mga kaklase ko nagulat sa kanya.
"Ang tapang na natin ngayon ah!" pasaring ni Amalia.
Hindi na ito pinansin ng class monitor namin at pinag-patuloy nalang niya ang pag-roroll call.
"Ilang araw nang absent si Desiree ah, bakit kaya?" narinig kong komento na naman ni Yllah.
"Baka napagod na sa pambu-bully ng mga studyante dito." sabi ko sabay tumingin sa bintana kung saan makikita ko ang quadrangle sa labas ng aming classroom.
"Siguro nga, kung ako 'yun mag-papakamatay nalang siguro ako." sagot ni Yllah
Desiree Uy. Maganda, mabait, at matalino. Ika-nga nasa kanya na ang lahat. Pero malas lang niya dahil sadyang may mga inggetera sa mundo.
May maraming sumisira sa kanya, gumawa ng kwento-kwento gaya ng nakikipag-talik daw siya sa aming guro upang makakuha ng malaking marka. Which is for me, bobo lang ang maniniwala rito. Dahil makikita naman talagang matalino siya. Siya palagi ang nangunguna sa pag-sagot sa aming oral recitation, siya ang panlaban namin tuwing may academic contest sa iba't ibang paaralan at hindi naman niya nabigo ang paaralan namin dahil palagi siyang may iuuwi na medalya simula pa lamang ng aming Junior Highschool years, at isa siyang consistent honor student.
Pero hindi ko inakalang maraming bobo sa paaralan na'to, siguro alam naman talaga nilang matalino si Desiree at alam nilang hindi totoo 'yung kwento na kumakalat tungkol sa kanya, in short alam naman na talaga nila ang totoo pero pilit lang nilang pinapaniwala ang sarili nila na totoo 'yung tsismis na kumakalat sa kanya. Bakit? Dahil sa inggit at sa kagustohang makita si Desiree sa miserableng buhay.
One of the worsts and known characteristics of the Fipinos, crab mentality.
Akala ko hangang diyan lang ang aabutin ni Desiree, pero sagad na talaga siguro ang kaingitan ng mga tao sa kanya. Umiingay na naman ang paaralan nang may kumakalat na video ni Desiree na lasing na lasing siya at nakahubo't h***d pa, makikita talaga sa video na wala siyang kalaban-laban na pinag-tritripan ng mga tao roon sa isang party. Maririnig mo 'yung tawanan at mga kanchawan ng mga tao roon. Nangunguna pa 'yung boses nila Amalia, Feya at Alexia. Pakiramdam ko nga sila Amalia ang kumukuha ng video at sila rin ang nag-pakalat ng 'yun.
'Dun nag-simula ang mala-impyernong buhay ni Desiree. Mas marami siyang natatanggap ng pang-lalait at pang-huhusga galing sa mga studyante rito. Noon maraming kumakaibigan at maraming humahanga sa kanya pero ngayon ay wala nang lumalapit sa kanya at tila pinandirian ng mga tao.
Pero ang masaklap hanggang ngayon wala pa ring nalalagot sa mga pang-yayari sa kanya. Tila nag-bingibingihan lang din ang paaralan sa insendente na iyon. Ano nga ba naman ang kalaban-laban ni Desiree sa isang anak mayayaman at makapangyarihan.
Hindi ko pa makakalimutan 'yung katagang binitawan ni Desiree bago siya hindi na pumasok ng ilang araw hangang ngayon,
"Humanda kayo, sisiguraduhin kong makakahiganti rin ako sa inyong lahat! Pag-babayaran niyo 'tong lahat!" sabi niya na may panlilisik sa mga mata dahil sa matinding galit.
Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya pumasok sa paaralan, mag-iisang linggo na rin.
Nasaan na kaya si Desiree ngayon?