Chapter 2: It Begins

1364 Words
Ally "Good morning class, I'm sorry I'm late..." Napahinto ako sa aking pag-iisip at nabaling ang aking tingin sa harap kung saan nandoon na ang aming class instructor. 'Di ko namalayan tapos na pa'lang mag-attendance ang class monitor namin. "I just had an urgent faculty meeting this morning, something bad news came up." parang wala sa sarili ang aming guro ngayon habang nag-sasalita. Tumahimik ang buong classroom pati sila Amalia na ang iingay kanina tumahimik na rin. Siguro naramdaman din nila na may hindi magandang balita ang aming guro. I can feel the tension inside our classroom. Tahimik, napakatahimik. Kaya pati ako ay kinakabahan din sa sasabihin ni Sir. Narinig ko ang buntong-hininga ng aming guro bago siya mag-salita ulit, "Desiree Uy was found dead early this morning at their backyard." Gulat. 'Yan ang nangingibabaw sa aming classroom ngayon. Pati ako ay nagulat din. Paano nangyari 'to? Kung kanina napupuno ng ingay sa tawanan at kanchawan ngayon napupuno na ng ingay sa mga bulong-bulongan. Lahat nagulat, lahat hindi makapaniwala. "Sir, ano pong nangyare kay Desiree?" tanong ng isa sa mga kaklase namin. Kung hindi ako nag-kakamali isa rin ito sa mga nambully kay Desiree noon. "Kasalukuyan pang ini-imbestigahan ng mga pulis, natagpuan 'yung katawan ni Desiree na tadtad ng saksak ang lahat ng parte ng katawan. Ang komento ng mga pulis nang makita nila ang bangkay ni Desiree tila may galit ang gumawa 'nun sa kanya at pati mukha niya ay hindi na mahitsura dahil puno rin ito ng saksak. Kung hindi sa school uniform at school ID na suot-suot pa ni Desiree mahirap talaga siyang makilala. " "Omy! Sinong may gawa sa kanya niyan?!" "Walang awa!" "Demonyo!" "I'm scaared" "Kawawang Desiree! Mabait at matalino pa naman 'yun!" Kanya-kanya na namang komento ng mga kaklase ko. Alam kong hindi ito ang tamang panahon na matatawa ako, pero natawa nalang ako sa aking isipan. Para kasing lahat concerned, lahat malungkot sa pag-kamatay ni Desiree, parang lahat naging kaibigan niya. Pero noong buhay pa naman si Desiree wala naman silang pakealam na may maraming nambubully sa kanya, ni isa walang tumulong sa kanya sa halip ay tinutolungan pa nilang tawanan at husgahan si Desiree. Kahit ako ay walang nagawa. "Please keep quiet, hindi pa riyan nag-tatapos ang hindi magandang balita." Agad namang tumahimik ang klase, nag-hihintay kung ano na naman itong masamang balita na sasabihin ni Sir. Ramdam ko ang kaba ng mga kaklase ko. Ano na naman kaya ito? "Alexia Jone Espina has gone missing, her parents came here at school and told us she didn't come home last night. Hindi pa 24 hours kaya hindi pa maka-aksyon ang mga pulis." "No way!" this time nangingibabaw na 'yung mga reaksyon nila Amalia at Feya. "No wonder why she didn't answer our calls last night." Feya "The police should do something right away! Bakit mag-hihintay pa ng 24 hours, it's like nag-hihintay lang din tayong mapapahamak si Alexia!" Amalia "Amalia is right! What if... what if... Alexia will be found dead just like Desiree?" madramang sabi ni Feya. This time gusto ko nang humagalpak sa tawa, parang kanina lang sinisiraan nila si Alexia ngayon they acted like concerned goody friends. "Please calm down! Dahil sa hindi inasahang pangyayari ngayon hindi muna tayo mag-klklase just pass your assignment and then you may go." Pag-katapos kong ipasa ang aking assignment ay lumabas na ako ng classroom pero bago pa'yun ay narinig kong nag-salita ulit ang teacher namin, "Ms. Lim and Ms. Duarte can we talk?" My theory says that they are one of the suspects of what happened to Desiree since sila naman talaga ang nangunguna sa pambubully nito, and probably may katanungan sila tungkol sa "kaibigan" nilang nawawala na si Alexia. Well sino pa ba ang ibang mananagot? Sila lang naman ang nag-simula ng lahat ng ito. -- Napagpasyahan namin ni Yllah na sa cafeteria kami magtatambay wala pang masyadong studyante dito dahil class hours pa naman ngayon. Kinuha ko nalang ang aking cellphone at agad pumunta sa contacts. Napangiti nalang ako nang mabasa ko ang pangalan na hinahanap ko, 'Roy My Love' tinext ko siya na nandito kami sa cafe. Siya si Roy Chris Santos ang aking boyfriend, 3 months pa'lang kami pero matagal na kaming magkaka-kilala at kaibigan. Dahil sa tagal naming pagkakaibigan ay tuluyan na kaming nahulog sa isa't isa. Mahal ko si Roy at kahit ano gagawin ko para sakanya. Napatingin ako kay Yllah na simula 'nong lumabas kami ng classroom ay napakatahimik at ang lalim ng iniisip. Nakakapanibago. "Yllah" tawag ko sa pangalan niya, pero parang hindi siya natinag sa kanyang pag-iisip. Nakatitig pa'rin ito sa kawalan at tila nalulunod sa kung ano man ang kanyang iniisip. "Aray!" Kinurot ko ang pisngi niya dahilan para mapasigaw siya, sabay dali-daling kuha ng salamin niya sa kanyang bag. Arte. "Grabe ka Ally! May mark pa ng koko mo! Ang sakit ah!" sabi niya habang tinitignan ang pisngi niya na kinurot ko sa salamin. "Sorry, nakalimutan kong mataas na pa'la mga koko ko hehe." sabi ko sabay pakita ko sa kanya sa koko kong matataas na talaga. "Ba't mo ako kinurot!" inis niyang tanong. Ang sungit na niya, siguro masakit talaga 'yung pag-kurot ko sa kanya. "Kanina pa kasi kita tinatawag, bakit ba ang lalim ng iniisip mo ngayon?" tanong ko na agad ikina-seryoso ng mukha ni Yllah bagay na ipinag-tataka ko. She looks intently to me. Weird. Parang kakaiba ang kinikilos ni Yllah simula nung lumabas kami ng classroom. Nakakapanibago. "Sa tingin mo, sino kaya ang pumatay kay Desiree? at what if hindi lang coincidence na nawala Alexia? What if patay na rin si Alexia ngayon at iisa lang ang may salarin 'dun." seryoso niyang sabi na nakatingin pa'rin sa akin. "Kakanood mo 'yan ng Netflix!" Biro ko na lamang dahil hindi ako comfortable sa kilos ngayon ni Yllah. "I think alam ko kung sino ang pumatay sa kanilang dalawa." seryoso niya pa'ring sabi sa akin without breaking her eye contact to me. Napakunot ang noo ko sabay sabing, "Sino?" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya mas lalong napakunot ang noo ko nang kunti nalang ang pagitan sa aming mga mukha. Naramdaman ko pa ang pag-hinga niya. "Ang pumapatay sa kanila ay walang iba kundi ang class monitor natin." matapos niya 'yung sabihin ay lumayo na siya sa akin at nakatutok pa'rin sa aking mga mata. Naningkit naman ang mga mata ko, "Are you serious Yllah? Of all people class monitor pa talaga ang pinagbibintangan mo? Wala naman siguro siyang kakayahan na pumatay she's just teenager like us dude!" pagpapaliwanag ko. Ano bang nakain nitong si Yllah at parang naging misteryoso siya? Wala naman siguro siyang alam sa nangyayare di'ba? "Not all things are all it seems." makahulugan niyang sagot. She has a point. But... This time 'yung mukha ko naman ang naging seryoso at bago ako mag-salita ay tumingin muna ako sa paligid upang masigurado ko na walang makakarinig sa amin. "Hindi mo ba iniisip na pwede rin namang sila Amalia at Feya? Come to think of it, sila lang naman ang may konektado kay Desiree at Alexia. First, si Desiree na binibully nila simula Junior highschool pa lamang. Then, itong si Alexia na palaging bina-backstab nila when she's not around. Sila Amalia talaga ang may motive eh." Pag-babahagi ko sa kanya ng opinyon ko. This time, 'yung mga mata na naman ni Yllah ang naniningkit. At unti-unti nang nawala 'yung seryoso niyang mukha. Naniniwala na rin ba siyang sila Amalia at Feya ang may pakana ng lahat? Napataas nalang ang isang kilay ko nang bigla siyang humagalpak sa tawa. Nawawala na 'yung seryoso niyang mukha at bumalik na sa dating makulit na Yllah. Did I say something funny? "You look serious Ally! I was just playing all along!" napatingin lang ako sa kanya. "Magaling ba ang acting skills ko?" tanong niya na patawa-tawa pa 'rin. "Baliw ka." at napabuntong-hininga nalang ako. May point naman 'yung sinasabi ko ah! "Hey Ally," Binigyan ko siya ng 'what-look' nang tinawag niya pangalan ko. Ano na naman kaya ang kalokohan nito. "Ngayon lang ako nakarinig ng opinyon mo tungkol sa pangyayare ngayon ha, never thought chismosa ka rin pa'la." aniya sabay hagikhik Baliw. Napairap nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD