Chapter 3: Traitor

2057 Words
Third Person's POV "Sinong may pakana ng lahat ng 'yun?!" Dumadagondong ang boses ng isang lider dahil sa kanyang galit. Nandito sila sa isang liblib na lugar kung saan may luma na bahay na nag-sisilbing hideout ng kanilang grupo at kung saan dito rin nila dinadala ang mga taong pinapatay nila. "Ako." kalmadong sagot naman ng kasamahan niya na siyang pumapatay sa kaklase nila. Prenteng nakaupo lang ito sa isang couch na parang hindi natablan ng galit ng kanilang leader. "Putangina mo!!! Hindi ka ba nag-iisip?! Halos tatlong taon tayong nagpa-plano nito pero bakit ka gumawa ng sarili mong desisyon?!" Galit paring sabi ng kanilang leader. "Dude! Chill! Alam kong wala sa ating death list 'yung babaeng 'yun. But I can't help coz I freakn' don't like that girl!" "So may plano ka bang sisirain lahat ng plano ko?!" "Promise! Just this once, right now I'm going to stick with our plan." "Sisiguraduhin mo lang, dahil oras na maging palpak itong plano ko ay ikaw talaga ang aking papatayin." Pagkatapos sabihin 'yun ng kanilang lider ay lumabas ito sa pasilyo. "May plano ka bang tra-traydorin kami?" Nang makalabas na ang kanilang lider ay agad naman nagsalita ang isa pa nilang kasamahan na lalaki. Napatingin naman sa kanya ang babaeng may ngisi sa mukha. "Baka ikaw ang may balak traydorin kami. Baliw na baliw 'yung babae sa'yo kaya hindi na siya masyadong makakapag-isip kung nandiyan ka. Bakit ba kasi sinasali ka pa." Pagtutukoy niya sa kanilang lider. "Hindi ko 'yan magagawa sa kanya. Mahal ko siya kaya ko rin nagawa 'to." "Siguraduhin mo lang." "Kumalat na sa buong campus na wala ka na." Pag-iiba ng lalaki sa kanilang topic. "Everything falls into place. Ito na ang simula ng aking pag-hihiganti sa kanilang lahat." sabi niya na nakangiti. ---- Ally (Kinaumagahan) "Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kay Desiree." "Oo nga at hanggang ngayon hindi pa nakita si Alexia." "Feeling ko patay na rin 'yun." "Gosh! Sino kayang may gawa 'nun? Siguro may galit 'yun sa kanila ni Desiree at Alexia." Umaga at nag-lalakad na ako papuntang classroom. May iba na namang pinag-uusapan ang mga studyante ngayon, may iba na naman silang pulutan ng istorya. "Sabihin na kaya natin kay Allyson, babe." napahinto ako nang may narinig akong familiar na boses, tumingin ako sa paligid at napahinto ako sa pag-hahanap nang may nakita akong dalawang tao sa aming music room, naka-slight open 'yung pintuan kaya palihim kong tinignan kung sino ang tao dito. Nakita ko sa loob ng music room ang babae't lalaki na magkatabing nakaupo sa upuan habang ang babae ay nakasandal pa sa balikat ng lalaki. Hindi nila ako makita dahil nakatalikod sila sa akin. Pero ako kitang-kita ko sila, kahit nakatalikod lang sila sa akin at hindi ko makita ang kanilang mga mukha ay kilalang-kilala ko na sila. Para akong natakasan ng aking kaluluwa sa aking nasaksihan ngayon. "Hindi pa ito ang tamang panahon babe. Hindi ka ba nababahala? Bestfriend mo si Ally masisira ang pag-kakaibigan niyo kung malaman na niya ang relasyon na'tin." sabi ni Roy habang umaakbay pa kay Yllah. "Bestfriend? Oh c'mon! Alam mo namang ginagamit ko lang si Ally para mapalapit sa'yo di'ba?" "Kakaiba ka talaga Yllah." "Well, too bad mali lang talaga ang pag-kakilala sa akin ni Ally, you know that I can do anything for you right?" pag-katapos 'yun sabihin ni Yllah ay nag-halikan sila. Hindi ko alam na makakaranas ako ng ganitong pag-tataksil akala ko sa pelikula ko lang ito makikita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sumisikip 'yung dibdib ko at hindi ako makahinga sa galit at sakit na naramdaman ko sa aking puso. Gusto ko silang sugudin, gusto ko silang pag-sasampalin. Pero nang-hihina ang katawan ko ngayon, kaya dali-dali nalang akong nag-tungo sa CR. Bago pa tumulo ang aking luha ay nag-hilamos agad ako. Tumingin ako sa salamin, ganito pa'la ang pakiramdam pag-trinaydor ka ng iyong kaibigan at boyfriend. Nagpa-flashback 'yung samahan namin ni Yllah simula Junior Highschool years, siya lang talaga ang natatangi kong kaibigan pero hindi ko alam na lahat pa'la 'yun ay kaplastikan. Akala ko makapag-tiwalaan ko siya. Huminga ako ng malalim. Roy. Mahal ko si Roy at ayaw kong mawala siya sa akin, gaya ng sabi ko kahit ano gagawin ko para kay Roy, kahit ano. Kahit pagpapangap na wala akong alam sa kanilang kataksilan ay kakayanin ko. Dahil nag-iisip pa lang akong wala na si Roy sa aking buhay hindi ko makayanan. Yllah isa kang traydor, kung kaya mong magpanggap mas kaya ko, para kay Roy. Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin, "Smile Ally, 'wag kang mag-papaapekto." sabi ko sa sarili ko at agad lumabas sa CR. --- "Ally my bestfriend!" napantig ang tenga ko nang boses ni Yllah agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa aming classroom, nakita ko siya sa kanyang pwesto na kumakaway pa at may malaking ngiti sa kanyang labi. Ang galing nga niyang magpanggap, all this time hindi pa'la niya ako trinatong kaibigan. Ginamit niya lang pa'la ako. Hayop! Gusto ko siyang sugudin ngayon at pag-sasampalin pero hindi pwede. Para kay Roy. Ngumiti naman ako ng pagkatamis- tamis at tumungo sa aking pwesto kung saan katabi ni Yllah. "Hi bestfriend." nakangiti kong sabi. "How's your morning Ally? I just have a wonderful morning today." gusto ko siyang sapakin sa mukha, naiirita ako sa kanyang ngiti parang nang-aasar talaga sa akin. "That's good." tanging sabi ko na lamang nang makaupo na ako sa aking upuan at humarap sa harapan, upang hindi ko makita ang pag-mumukha niya dahil mas lalo lang nag-iinit ang aking ulo. "Parang hindi ata maganda ang umaga mo ngayon Ally." komento niya Naririndi ako sa kanyang ka-plastikan. God knows kung gaano ako nag-titimpi ng aking galit ngayon. "I just saw something horrible early this morning." makahulugan at walang emosyon kong sabi sa kanya habang nakatutok sa white board. "Ha? Anong nangyare Ally?" napatingin nalang ako sa kanya nang hinawakan niya ang balikat ko na parang gusto niyang humarap ako sa kanya. Gusto kong baliin 'yung kamay niya ngayon na nakapatong sa aking balikat. Kita ko sa mata niya na parang nag-alala talaga siya. Nice act. "Joke!" sabi ko sabay suot ng aking pekeng ngiti at humarap ulit sa harapan. "Kung may problema ka sasabihin mo lang sa akin ha?" malumanay niyang sabi. Kung hindi ko siguro nasaksihan ang pangtra-traydor niya sa akin malamang na-touch na ako sa sinabi niya, nauto niya sana ulit ako. "Masakit lang ulo ko." pag-sisinungaling ko "Gusto mo ihatid kita sa clinic?" "Okay lang, mag-pahinga na muna siguro ako dito wala pa naman si sir." Sabi ko at pinatong ko ang aking braso sa arm chair saka ko pinatong ang aking ulo. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na ipinakalma ang aking sarili. Hangang ngayon kumukulo pa'rin 'yung dugo ko, feeling ko makapatay ako ng tao anytime. "Himala ata at late ang ating class monitor ngayon." rinig kong usap-usapan sa aking kaklase. Naubusan na yata sila ng topic tungkol kay Alexia at Desiree kaya napunta na naman ang topic sa aming class monitor. "Hindi na ata 'yun papasok ngayon." narinig kong sabi ni Kimberly "Baka naubusan ng tinta." biro naman ni Jolina "Hoy ang harsh mo! Baka naman naubusan lang ng attendance sheet." at tumawa sila sa banat ni Hanna. "Hahaha tangina niyo talaga!" hagalpak naman ni Trisha at narinig ko pang napahampas siya sa kanyang upuan. "Tama na 'yan! Baka bigla nalang susulpot si Mika Ella rito, marinig pa kayo niyan." sita sa kanila ni Merlyn "Sus! Paranoid ka lang eh!" Charry "Nag-sisimula ka na namang KJ Merlyn." sabi pa ni Dianna Nakakatawa talagang pakinggan ang mga usap-usapan ng aking mga kaklase, walang ka sense-sense, puro lang pang-baback stab sa ibang tao. "Amalia! Feya!" narinig kong tinawag ng kaklase ko na si Rowena ang pangalan nila Amalia. Malamang papasok sila ngayon sa classroom namin. "Wala pa bang balita kay Alexia?" agad namang tanong ni Bobby nang marinig kong nasa likod na sila Amalia at Feya sa akin kung saan sila nakaupo. "Why do you care?" masungit namang sabi ni Feya, halatang bad trip. "Totoo bang isa kayo sa ginawang suspect sa nangyari nila Alexia at Desiree?" sabat naman ni Christine. "Bullshit! Bakit ba kayo nangengealam?!" sigaw ni Amalia "What do you think of us, mamatay tao?!" sigaw 'din naman ni Feya. "Hindi nga ba?" wala sa sarili kong sabi habang nakayuko pa'rin ang aking ulo sa armchair. Fuck! Bakit ko sinabi 'yun!! Ramdam kong lahat nabigla sa aking pag-salita kahit hindi ko sila nakikita, ramdam ko ang mga mata nila nakatuon sa akin pati si Yllah narinig ko pang napasinghap siya sa gulat, hindi ko akalaing lumabas 'yun sa aking bibig dapat sa isipan ko lang 'yun. "Who said that?!" sigaw na naman ni Amalia Gusto kong manahimik at mag-patay malisya nalang. Pero tila may isipan ang aking katawan at bigla nalang akong tumayo saka humarap sa dalawa. Nakita kong masama na ang tingin nila sa akin. "Hindi nga ba Amalia? Feya?" ulit ko sa aking sinabi na may pag-didiin na ngayon. Seems I'm out of control. Ganoon siguro talaga pag galit ka, hindi mo na ma-control ang sarili mo. "What the f**k are you saying?!" galit na sambit ni Amalia, at nakatayo na rin silang dalawa na nakatutok ang mga mata nila sa akin tila nakitagisan. I gulped. "Ang galing niyo rin magpanggap 'no?" Sabi ko sabay tingin sa kanilang dalawa at binaling ko ang tingin kay Yllah na may pag-tataka sa kanyang mukha. Sinadya ko talagang tignan si Yllah upang pasaringan siya dahil hindi lang naman sila Amalia ang marunong magpanggap pati rin naman siya. I'm sure gulat na gulat 'din siya sa ginawa ko ngayon. Wala akong control ngayon dahil sa nasaksihan ko kaninang umaga, gustong-gusto ko talaga itong ibuhos itong nararamdaman ko ngayon kay Yllah pero hindi pwede, mas mabuti nalang 'din siguro kung sa kanila ni Amalia ko nalang ibuhos ito total naiirita 'rin naman ako sa kasigahan nila. Might as well lubos-lubosin ko na rin itong katapangan na naipon ko ngayon. "...wag na kayong magmaang-maangan, alam nating lahat na may alam kayo sa pangyayari ngayon sa kanila ni Alexia." "You b***h! Mag-ingat ka sa sinasabi mo ngayon! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!" sigaw ni Amalia sabay duro sa akin. "Bakit? Anong gagawin niyo? Ako ang isusunod niyo kina Desiree?" "Putangina mo!" Akmang sasampalin ako ni Feya nang bigla itong hinawakan ni Yllah ang wrist ni Feya bagay na napahinto ang kanyang kamay sa pag-sasampal sana sa akin. "Whoa!" Narinig ko pang nabigla ang mga kaklase namin sa ginawa ni Yllah pati rin naman ako. "Sige! Subukan mo! Baka kayo ang mauuna sa impyerno, matagal na talaga akong nag-titimpi sa inyo!" Nagulat ako sa ginawa ni Yllah dahil sa ginawa niyang pagtanggol sa akin. Takot siya kina Amalia pero ngayon tila wala siyang takot na hinaharap ngayon sila Amalia. "Get your filthy hand away from me!" nang-lilisik na sabi ni Feya, kaya malakas na binitawan ito ni Yllah. *clap, clap, clap* Napatingin ako kay Amalia na nag-slow clap, "Ang tapang niyo na ngayon ah, ano ang ipinagmalaki niyo this time?" Amalia "Did you know that you are already digging your own grave right now?" sabi naman ni Feya na parang hindi na mahitsura ang kanyang mukha dahil sa galit. Kaya napangiti nalang ako, "There you said it yourself, kayo talaga ang pumatay kay Desiree." "HOW MANY TIMES SHOULD I TELL YOU NA WALA KAMING ALAM SA TANGINANG DALAWANG 'YUN!" kung kanina malakas 'yung boses ni Amalia ngayon ay mas malakas na, umaalingawngaw pa ito sa aming classroom. Triggered. "Anong kaguluhan 'to?" lahat kami napatingin sa pintuan nang mag-salita ang aming teacher. "...all of you! Go back to your seat!" galit na sambit ni Sir at pumunta sa kanyang desk kaya kanya-kanya namang bumalik ang mga kaklase ko sa kanilang upuan kaya umupo na rin ako. "We are not yet done bitches." narinig kong sabi ni Amalia. Napatingin ako kay Yllah nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "Are you okay?" sabi niya na parang nag-alala talaga. Nakatingin lang ako sa kanya at tumango. Hindi ko akalaing ipinag-tangol niya ako kanina kina Amalia, alam kong takot siya sa kanila. As much as possible iniiwasan niya talaga ito. Tama nga 'yung sabi niya kanina, mali ang pag-kakakilala ko sa kanya. Yllah, sino ka ba talaga? -oOo-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD