Kabanata 25 Nakasandal sila pareho sa pader, nakatanaw sa papasikat na araw at ang unti-unting pagliwanag ng paligid. Agad namang nakatulog si Dante na para bang pagod na pagod at naghihilik pa. Parang walang nangyari nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang himbing ng tulog nito. Kahit yata magkasunog ay naghihilik pa rin ito. Sa kabilang banda, hindi naman makatulog sina Peter at Kinro dahil sa mga nangyari. Pakiramdam nila ay maraming masamang mangyayari kapag nalingat sila kahit saglit lang. Gusto nilang maging alisto sa lahat ng oras kaya hindi na muna sila natulog. Wala namang kaso ‘yon sa kanila dahil maaari nilang bawiin ang tulog kahit anong oras. Hindi dapat papansinin ni Peter ang mga tingin ni Kinro, ngunit nang hindi iyon natigil ay napabuntonghininga na lang siya. “Sabih

