NAGLALAKAD si Railey patungo sa parking area nang mapansin niyang may dalawang lalaki na bumaba mula sa kotse na malapit sa kinalalagyan ng kotse niya. Pamilyar sa kanya ang tindig ng mga ito. Bigla siyang kinabahan. Huminto siya at nilingon si Bettina na nasa likuran lang niya. "Miss Lantano!" tawag niya rito. Binilisan naman ng sekretarya niya ang paghakbang. "Yes, Sir," sagot nito nang makalapit sa kanya. "Mauna ka na sa Jelanie's Cuisine. May aasikasuhin lang muna ako sandali. Susunod din ako agad. In case na dumating si Mr. Montoya at wala pa ako ay tumawag ka agad sa akin." May early dinner meeting siya sa isa mga bagong investor ng AN. Gusto sana niyang isama si Vivienne pero hindi pa rin siya kinikibo nito. Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang marahas na pag-a

