Inaayos ko ang mga damit ko at nilalagay sa malaking bag nang pumasok si Redson sa kwarto. “Zamora…” sambit niya nang makita ang ginagawa ko. “Sigurado ka na ba talaga?” aniya at nanatili lang nakatayo sa pintuan. “Oo, saan ko hahagilapin iyong kinuha ko sa kanya para hindi niya ako ipakulong?” Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa kama. “Ano kaya kung tanggapin mo nalang ‘yong pinapatrabaho sayo ng Tierra? Tapos kuhanan mo ng paunang bayad,” wika niya sa mahinang tono. Tumigil ako sa pagtutupi. Naikwento ko rin kasi sa kanya ang paglapit sa akin ng babaeng iyon na galing sa Tierra. “Naisip ko na rin ‘yon. Pero baka mas lalo lang akong malubog. Paano kung hindi ko mapagtagumpayan ang pinapagawa nila sa akin? Baka hindi sapat sa mahigit dalawang milyon ang maibibigay ko sa kanila.” Ba

