Simula nang narinig ko ang balitang yon mula kina Santiago at kay Vegas. Palagi na lang akong sumasama sa kanila.
Hindi ko talaga nagustuhan ang narinig ko, though hindi naman yon totoo pero the fact na sirang-sira na ang pangalan ko sa mata ng nakakarami, nakakadisappoint. Wala naman kaming ginawang masama.
Kweninto ko nga yon kay De Lara, galit na galit nga yong tao pero pinigilan ko dahil ayoko ng gulo.
I sigh heavily at padarag na binitawan ang notebook ko.
Nag-aaral kasi ako ngayon dahil preliminary exam na namin but sadly walang pumasok sa isip ko dahil bothered na bothered talaga ako hanggang ngayon sa sinabi ng bakla.
"Nakakawalang gana" I mumbled at humilata sa kama.
Sa totoo lang, nag-iisip na ako ng paraan para malinis ang pangalan ko pero lahat ng naisip ko na way, ang complicated! At nakakasakit. Hindi ko kaya.
Umiiwas na ako kay De Lara. Sa labas na nga lang kami ng school nagkikita kaya frustrated rin ang tao pero wala syang magagawa dahil ito talaga ang desisyon ko.
My phone rang kaya kinuha ko ito at nakitang gustong makipag video call ni De Lara. Malakas akong bumuntong hininga at sinagot.
"Hello" pagod kong sabi. Hindi dahil sa pag-aaral kung hindi dahil sa pag-iisip ng issue ko kahit ilang weeks na yon nong narinig.
De Lara sigh and look at me intently kaya ngumiti ako ng pilit.
Isa ring tong lalaking to. Alalang-alala na sa akin dahil hindi na daw ako katulod ng dati, nagbago raw ako simula nong narinig ko ang kwento na yon.
"Tapos ka ng mag-aral?" I asked dahil hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya sa camera.
[ I'm done...It's been a week you acted like this...] He hoarse said. Napabuntong hininga ako.
"Nakaka-disspoint lang kasi...wala akong ginawang masama...tayo pero kung anu-ano na lang ang naririnig ko" mahina kong sabi. He sigh.
[ That reason again...But I understand. I will work on it! ] madiin nyang sabi kaya kumunot na naman ang noo ko.
Yan na naman sya!
"Tumigil ka nga! Wala na tayong magagawa dahil sirang-sira na ang pangalan ko...Natin...Hindi naman sa nag i-inarte pero hindi kasi ako sanay pero try kung mag adjust...Wala kasing ganyang issue before akong nakakaharap" Mahina kong sabi.
He sigh heavily.
[ I know and I'm so sorry about that...I promise I will fixed it...Promise baby ] seryoso nyang sabi. I shook my head.
"Yaan mo na yon. Mawawala rin yan" ani ko.
[ I will never tolerate their acts...Look at you...Tayo ang nahihirapan, wala naman silang ambag sa buhay natin ] may galit nyang sabi.
"Relax ka lang okay? Kapag ikaw may ginawa. Lagot ka talaga sa akin" Banta ko kahit alam kong hindi sya masisindak.
Kinabukasan, hirap na hirap akong nag take ng exam. Halos lahat familiar lang sa akin at may pagkakataon talagang hindi ko alam ang sagot buti na lang binigyan ako ng sagot ni De Lara.
"Hoy Salvador number 10! Sasabunutan talaga kita mamaya! Ang bagal bagal!" Madiing bulong ng bakla.
Nakasimangot kong binigay sa kanya ang sagot. Pinasa naman nya agad kay Santiago. Paulit-ulit lang ang routine namin hanggang matapos ang exam.
"Deserve natin ang magpadagat!" Sigaw ng bakla nang nasa garden kami.
"Anong magpadagat? Hindi pa nga natin alam ang score natin! Paano kung bagsak tayo hah?" Pakikipagtalo ni Santiago.
"Sure ng pasado yon panigurado! Diba fafa De Lara?" Malanding sabi ng bakla. Inisturbo si Zioniel na busy sa kakalaro ng ML sa tabi ko.
Santiago laughed nang hindi sya pinansin ni De Lara.
"Peste!...Oo Steven Clay Vegas! Sure yong mga sagot ko! Pasado tayo kaya magpadagat tayo" sagot nya sa sarili nya kaya nagtawanan kami. He rolled his eyes.
"Mag swimming kasi tayo! May sasakyan naman si fafa De Lara kaya walang problema! Bakit ba ang kJ nyong dalawa!? Mga gaga kayo!" Reklamo nya.
"Kailan ba yan?" I asked.
"Weekends gurl duh!" Mataray nyang sabi. Napanguso ako.
"Uuwi ako sa amin pag weekends" nakanguso kong sabi.
"Same! Hindi ako papayagan sa weekends. May pupuntahan kami" Ani ni Santiago.
"Edi bukas! Sure akong walang klase dahil checking na lang" Ani na naman nya.
"Pwede pero...Nakakatamad!" Nakasimangot na sabi Santiago.
Biglang tumayo ang bakla at nakapamaywamg kaming tinignan.
"Basta! Bukas 5:00 o'clock lumabas na kayo sa mga lungga nyo! Susunduin ko kayo!" Madiin nyang sabi.
"May duty kami bukas...mga officer" Ani ko. Pumadyak naman ang bakla.
"Basta! Susunduin ko kayo bukas...Kami ni Fafa De Lara!" Nandadamay nyang sabi.
"What?" React na sabi ni Zioniel kaya natawa ako.
"Wag mo akong ma what! What! Sunduin natin tong dalawang toh! Pati friends mo para masaya naman ako! Wala ng reklamo! Period!" Mataray nyang sabi.
Kinabukasan, hindi nga sya nagbibiro! 5:00 o'clock pa lang nasa boarding house ko na sya, ang hindi lang talaga nasunod sa plano nya ay sabay sila ni Zioniel na sunduin ako.
"Hindi nga kasi ako sasama" nakasimangot kong sabi.
Alam naman ni Kuya dahil nagpaalam ako pati si Zioniel pero hindi alam nina Mama kaya ayokong pumunta! Pero mukhang wala na akong magagawa dahil nandito na ang bakla.
"Abah! Hindi na nga ako sinundo nong jowa mo! Hindi ka pa sasama? Abah! Tawagan muna bago ako magwala rito!" Mataray nyang sabi.
I sigh at nag message kay Zioniel. Sana lang gising na yon ngayon.
"May klase kasi tayo ngayon tapos mag b-beach tayo?" Tamad kong sabi.
"Ay Gurl! Deserve natin dahil nakaka stress ang exam!" Aniya at hinawi pa ang imaginary hair nya.
"Nangopya ka lang naman! kung maka stress toh!" Nakangiwi kong sabi. He laugh sarcastically.
"Nag-aral ako noh? Eh ikaw? Parang hindi ka nag-aral eh! Kung wala yong si Fafa De Lara see you next semester ang labas mo!" Mataray nyang sabi. Nag make faced na lang ako.
"Dyan ka muna, maghahanda ako" Ani ko na lang.
Hindi kasi ako naghanda nang dadalhin ko kagabi dahil wala naman talaga akong balak na pumunta pero wala eh, wala na talaga akong magagawa.
"Bilisan! Maaga akong nagising para rito! Kaya magmadali!" Pantataboy nya sa akin. Napailing na lang ako.
Bahala nga sya! Bakit ba pumasok sa isip ng bakla to na mag swimming? Iwan...Weirdo naman talaga ang isip nito.
Habang nag-hahanda tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Zioniel.
"Good morning" bati ko at nilagay ang dapat dalhin sa isang bag pack.
[ Good morning...I thought hindi ka pupunta? ] He asked. I sigh.
"Nandito na si Baklang Vegas eh, wala na akong magagawa. Pumayag din naman si Kuya, okay na siguro yon" nakanguso kong sabi.
[ Are you sure? ] He asked.
"Oo...nag p-pack na nga ako ng damit...Ikaw?pupunta ka?" I asked baka pumasok toh at mag duty sa SSG Office.
[ syempre...Give me 20 minutes, nandyan na ako ] Aniya.
"Take your time. Makakapaghintay naman siguro yong bakla. Ang aga-aga pa naman" nakunot noo kong sabi.
Kapag wala pa naman ako parang may pitong buhay tong lalaki kung mag drive!
[ Yes ma'am! I love you ] Aniya. Nahugot ko naman ang hininga ko. [ wala bang I love you too dyan? ] pabiro nyang sabi.
Tinawa ko na lang ang kilig ko.
"Love you too...Punta ka na rito! Kung anu-ano pang pinagsasabi mo!"pagalit kong sabi kuno.
Nakailang sigundo pa bago sya nakapagsalita kaya nagtaka ako.
"Hello?" Taka kong sabi.
[ Damn! Ulitin mo nga ] He huskily said kaya nag-init ang pisngi ko.
Ang aga-aga pa! Jusko naman tong lalaking toh.
"I said I love you...Bingi ka boy?" Pabiro kong sabi kahit nanghihina na ako.
Saan ko ba toh nakaukuha ang confidence ko? Nababaliw na ba ako ? O panaginip lang toh?
[ So it means...] He thrilled kaya napanguso ako dahil alam ko na ang sunod nyang sasabihin.
"Sige sasagutin kita dito sa phone...pero sa phone lang kita boyfriend kapag sa personal...Friend lang tayo" walangya kong sabi.
Pinagsasabi mo Aloha? Gaga ka talaga kahit kailan!
Matagal-tagal bago sya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita dahil natatakot na ako sa mga lumalabas sa bibig ko.
[ W-wait...wait....Wag mo muna akong sagutin babe...I will wait and...Yeah...I will asked you personally...wag muna ngayon...please ] He pleaded kaya natawa ako.
Ang cute!
"Okay...Punta ka na rito. Baka sumabog na yong si Baklang Vegas sa inis" natatawa kong sabi dahil natatawa ako sa sinabi nya.
[ Baby...I'm serious ] Seryoso nyang sabi. I laughed.
"Hmmmm.. Punta ka na rito...Mag-usap na lang tayo about this.... next time" Ani ko dahil feel ko na pressure yong tao.
[ Alright but please wag mo akong sagutin through phone ] He plead kaya natawa ako.
6:00 na nang dumating si Zioniel kasama na nya ang mga kaibigan nyang may mga sari-sari lang na sasakyan kaya tuwang-tuwa ang bakla.
"Si Santiago?" Ani ko habang nilalagay ang charger ko sa bag.
"Dadaanan natin mamaya gurl pero kay fafa Angelo ako sasabay huh?" Malandi nyang sabi kaya natawa na lang ako.
"Let me" malambing na sabi ni Zioniel at inagaw ang bag sa akin. I laughed.
Simula kasi nang dumating sya. Mapungay na ang kanyang mata at napaka lambing though ganyan naman talaga sya araw-araw pero may iba talaga ngayon.
"Tss" masungit nyang sabi at naglakad patungo sa kotse nya. I laughed at sumunod sa kanya.
"Hey! Nandito ang sssakyan mo" turo ko sa kanya kotse pero hindi ako pinansin ng tokmol. Deri-deritso lang syang pumason sa pick up ng kaibigan nya.
"Dalawang sasakyan lang ang dadalhin...Anong nangyari doon?" Natatawang sabi ng isa sa mga kaibigan nya pero tumawa lang ako at sumunod kay De Lara.
"Gagang Salvador dito tayo!" Tawag ng bakla sa akin na nasa kabilang sasakyan.
"Sandali lang!" Sigaw ko rin pabalik at pumasok sa pick up kung saan sumakay si Zioniel na nakatingin lang sa bintana.
"De Lara" tawag ko sa kanya at kinalabit sya pero hindi sya kumibo kaya napanguso ako.
"Zioniel" tawag ko na naman pero hindi pa rin sya namamansin.
"Hey" nakanguso kong sabi at kinuha ang kamay nya pero sa kamay lang sya bumaling ng tingin. Hindi sa akin.
"Sasagutin kita ngayon eh..." Nakangisi kong sabi dahil alam kong makukuha ko ang reaksyon nya at hindi ako nagkamali dahil nalipat ang tingin nya sa akin.
"Paabot nga ang phone ko, nasa bag" Ani ko sa kanya. He glared at me at nilayo ang bag ko kaya natawa ako.
"Pleasee" mahinahon nyang sabi. I laughed.
"Pansinin mo na ako...hindi na ako tatawa promise" nakangiti kong sabi. He just rolled his eyes.
Maingay kami habang bumabyahe, hindi ko alam kong saan kami mag s-swimming, wala naman kasi akong alam sa lugar na toh kaya hinayaan ko na lang sila. Kahit hindi makakapagtiwaalaan ang mukha nila. Nagtiwala pa rin ako.
Nang hindi na ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Sinandal ko na lang ang sarili kay De Lara at pinikit ang mata.
"Sa intrams, five school ang makakalaban natin sa basketball...magagaling rin kaya dapat tayong maghanda" I heard them say habang inaasyos ako ni De Lara para maging comfortable ako.
"Yeah, I will submit a excuse letter to the SSC dahil regular na ang training natin. Hindi pweding pakampante"
Hindi ko alam kung paano humimbing ang tulog ko pero nagising na lang ako na tumigil na ang mga sasakyan at ang ingay na ng Bakla.
"Good morning again sleepy head" malambing na sabi ni De Lara. Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa labas.
My eyes widen nang nakita ko na ang dagat kaya dali-dali akong lumabas ng kotse.
"Whoaa! Nandito na tayo!" Masaya kong sabi.
"Wala pa Salvador!wala pa! Ayan tulog pa!" Singhal sa akin ng bakla.
"Hanggang 4:30 lang tayo ah?" Ani ni Santiago kaya binatukan ng Bakla.
"Parang sirang plaka lang? Kanina mo pa yan inulit-ulit nakakarindi na...kakadating lang natin oh!" Saway ng bakla.
"Sabing hindi ako sasama rito eh!" Maktol ni Santiago kaya natawa na lang ako.
"Ano pang hinihintay?" I asked.
"Nag bayad pa gurl kaya wait lang tayo ah? Tyaka bibili tayo ng mga foods natin...May bilihan naman sa loob kaya keri lang" Ani ng bakla.
Napakurap naman ako at inaalala kong may dala ba akong pera.
May naipon naman ako pero sana lang hindi yong sobrang mahal ang bibilhin nila. Knowing them na ang yayaman? Feeling ko ubos talaga yong ipon at allowance ko kung hindi ko naiwan ang wallet ko.
"Zioniel...Please paki check ang wallet ko" ani ko kay Zioniel na dinadala ang bag ko papasok kasama ang kaibigan nya.
"I got you" he replied and continue walking.
Alam na kasi nya na kapag magkasama kaming tatlo bawal nya akong kukunin dahil patay sya sa bibig ng bakla.
Magsasalita na sana ako nang pinigilan ako ng bakla.
"Libre tayo gurl! Ayaw nila na magbabanyad tayong mga girls! Mga gentledog yan eh" Ani ng bakla.
"Anong tayong mga girls? Ang feeling ah!" React ni Santiago.
"Tara na nga! E-epal pa! Bruha ka talaga!" Mataray na sabi ng bakla.
Literal na wala kaming ginawang tatlo! Nagkukulitan, tawanan at nagtatampisaw kaming tatlo habang ang mga lalaki ay nag o-order, nagiinoman at kung anu-ano pa.
"Ayoko na! Ang init-init! My God! My precious skin" maarteng sabi ng bakla at aambang aahon kaya agad naming pinigilan.
"Gusto mo to diba? Kaya mag tiis ka!" Ani namin pero nagpumiglas ang bakla.
Tirik na tirik na kasi ang araw dahil 10:00 am na masakit na sya sa balat pero dahil gusto naming asarin ang bakla, hindi kami umahon.
"Mga peste kayo! Bitawan nyo ako tulong-"
Hindi sya nakatapos ng pagsasalita ng niloblob sya sa tubig ni Santiago kaya humagalpak ako ng tawa.
"Walangya kang bruha ka! Abnormal ka talaga! Kaya ka tinatago eh!" Sigaw ng bakla at naghiganti kay Sangiago.
Umahon lang kami nang tinawag na kami para kumain. Agad naman akong binigyan ng towel ni De Lara.
"Ayoko na! Umuwi na tayo! Yong mga skin care ko! Gosh!" Maarteng sabi ng bakla at problemadong-problemado sa balat nya.
"Iinom mo lang yan" ani ni Clark.
"Hoy! Ayoko baka lasingin nyo lang ako para gahasaiin!" Madiin nyang sabi kaya humagalpak ng tawa si Clark.
"Ano ka chick's?" Ani ni Clark kaya natawanan ang lahat.
Nang matapos na kaming kumain. Nakinig na lang kami sa mga kwento ng mga lasing na puro kayabangan ang lumalabas sa bibig.
Wala ding gustong pumunta sa dagat dahil ang init-init pa.
"Salvador! Kailan mo sasagutin tong bro namin?" Lasing na tanong ni Angelo sa akin. Ang kulit talaga kahit kailan.
"Secret! Baka ipabilllboard mo" mataray kong sabi. He laughed.
"Kayo na noh?" Pangungulit nya.
"Hindi mo sure!" Walangya ko talagang sabi.
"Bro! Ulitin mo nga...Ano ngang nagustuhan mo dito sa babeng toh?" Lukot ang mukha nyang sabi. I laughed.
"Everything" Ani ni De Lara. Napakamot ng ulo si Angelo kaya binilatan ko.
"Ano ka ngayon?" Mayabang kong sabi.
"Eveything" he mocked kaya natawa ako.
"Beh! Kanta tayo! Dali! Dali!" Panghahatak na naman sa amin ng bakla.
"Ikaw na lang!" Ani Santiago na busy kakain at pakikipagkulitan kay Clark.
"Amfutah! Nanlalandi ka lang dyan eh! Ito ngang si Salvador sasama tapos ikaw hindi? Abah! Ayos-ayosin mo buhay mo!" Pagalit nyang sabi.
"Anong sasama? Hindi ah?" Tanggi ko pero pinandilatan nya ako ng mata.
"Tayo na lang Vegas" Si Parser na may tama na rin. Baklang Steve give me a meaningful look. Napairap na lang ako.
Nang maghapon. Dinala na nila ang nga inumin sa tabing dagat para doon nag-iinoman, yong iba lasing na lasing na dahil hard ang iniinom nila except kay De Lara na hindi masyadong uminom dahil wala raw mag d-drive.
"Hoy! Uuwi tayo 4:30 ah?" Santiago remind everyone bago nagtampisaw sa dagat.
"Nakakarindi talagang ang babaetang yon! Hindi naman tatakbo ang bahay nila!" Nakangiwing sabi ng bakla at sumali sa inuman.
Sumunod na lang ako kay Santiago. Hindi naman masyadong mainit.
"My friend...Cute yong Clark noh?" Kinikilig na sabi ni Santiago. Nanlaki naman ang mata ko.
"Gusto mo?" Mangha kong sabi.
"Loyal pa rin ako Lukerson Kyle kahit hindi na ako nireplayan" nakasimangot nyang sabi. I raised my brow.
"Paano si Clark?" I asked.
"Wala naman kami ni Lukerson kaya...lalandi muna ako! Pero ang gwapo nya ah! I swear and gentleman pa" puno ng paghanga nyang sabi.
Tumawa na lang ako.
Totoo naman ang sinabi nya. Halos ang mga kaibigan ni De Lara gwapo pero iwan ko ba sa sarili ko! Si De Lara lahat nakikita ng mata ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Santiago habang nagtatampisaw at di kalaunan ay nagsiliguan na ang lahat.
"Lasing ka na noh?" I asked nang lumapit sa akin si De Lara.
"Hindi" aniya at pinulupot ang kamay nya sa baywang ko kaya napahawak ako sa balikat nya.
"Hmmm...Kanina pa kayo umiinom tapos hindi lasing? Niloloko mo ako eh" Ani ko.
"I'm not drunk...I swear" aniya.
"Hoy! Hindi ko alam na pati sa pag s-swimming by partner na! Dito ka Salvador! Gaga! Ang unfair!" Pang e-epal ng bakla.
Yumakap ako kay De Lara at nilingon ang bakla at binilatan.
"I'm happy that you have a friends like them..." bulong sa akin ni De Lara. I laugh.
"Hindi ko friends si Baklang Vegas! Bahala sya!" Nakasimangot kong sabi. He laughed at nilagay ang aking buhok sa likod na tumakip sa mukha ko.
"Hoy! Salvador! Hindi kita tinuruan ng ganyan!...Boys! Attack!"
Sabay-sabay silang pumunta sa amin at pinaghiwalay kami ni De Lara. I laughed nang narinig ang mga mura nila.
Mga baliw talaga!
"Ikaw! Hindi kita tinuruan ng ganon! Dito ka!" Pabirong sabi ng bakla.
"Naiingit lang yan!" Tawang-tawa na sabi ni Santiago.
"Isa ka pa! Ang dami-dami mo ng lalaki! Mga malalandi!" He said to our faced kaya nagtawanan kami.
"Hoy Baklang Vegas! Uuwi na tayo pag 4:00 na ah?" Ulit na naman ni Santiago kaya humagalpak ako tawa nang nalukot ang mukha ng bakla.
"Nakakarindi! Nakakarindi! Nakakarindi! Hindi na tayo uuwi! Kanina ka pa paulit-ulit! Bahala ka sa buhay mo!" Kunsuming sabi ng bakla kaya tawa ako ng tawa.