CHAPTER 5
Nang makalabas si mark sa likod bahay ay tinuloy nila ang pagkain. Tuloy parin ang kwentuhan ng mga ito nang mapunta ang usapan kay yssa.
"Pakiramdam ko may gusto sayo si mark." wika ni joy habang umiinom ng tubig.
"Oo nga!! lagi ko din yun nakikitang nakatitig sayo pag nandito siya." sabat ng isa pa nilang kaklase.
"Huuuuy kayo. Baka may makarinig sainyo!!" saway naman ni yssa sa mga ito.
"Totoo naman eh. What if ligawan ka niya? Parang mas boto ako dun kaysa sa mokong na danny na yun!!" saad ulit ni joy.
"I don't know. Di ko pa siya kilala at hindi ko pa siya nakakausap." sagot naman ni yssa.
"Mabait yun si mark. Mapagmahal pa sa mga magulang. Saka matalino din bagay kayo. Pag may pagkakataon ipapakausap namin siya sayo." kinikilig na wika naman ni jane.
Pinapakinggan niya lang ang mga ito. Tuloy lang siya sa pagkain. Wala pa naman kasi sa isip niya ang mag boyfriend kaya hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ng mga ito.
Nang matapos silang kumain ay naupo ang mga ito sa sala. Naroon din ang mga barkada ni vin na kuya ni jane.
Nakiupo na rin siya doon. Naiilang siya sa mga ito dahil halos lahat ay nakatitig sa kanya kaya kinuha niya ang kanyang notebook para magkunwaring may gagawing assignment.
Maya maya pa ay biglang pumasok si mark at nakiupo na din doon. Nakatitig na naman ito sa kanya na lalong ikinailang niya.
"Ahm guys lalabas muna ko." Paalam niya sa mga ito.
"San ka naman pupunta?" tanong ni joy.
"Doon kila tita bibili lang." Pagdadahilan niya saka agad agad na lumabas.
Nang makalabas siya ay parang guminhawa ang pakiramdam niya. Nagtungo siya sa kubo na malapit sa tindahan at naupo nang bigla na lamang may isang lalaking sumulpot sa kanyang likuran.
"Hello" bati nito.
"Ay Kabayo!!" Gulat na wika niya.
"Nakakagulat ka naman po kuya." Nakangising wika niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bilis ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya ay namumula at mainit ang kanyang mukha.
Umupo ito sa kabilang upuan kaharap niya. Ngayon niya lang ito natitigan ng harapan at ganun katagal.
Gwapo nga ito. Smilling face din. Lagi itong nakangiti sa tuwing makikita niya. Ang ganda ng mga mata nito singkit na parang nang aakit, matangos ang ilong at malaki din ang pangangatawan.
"Okay lang ba na dito muna ako?" Wika nito.
Napabalikwas niya nang pagkakatingin sa kabuuhan nito.
"Uhm okay lang naman po" nakangiting saad niya.
"Ako nga pala si mark." Sabay abot ng kamay sa kanya.
Inabot niya din ito para makipagkamay.
"Yssa nga pala."
Nang mga sandaling iyon ay tahimik lang sila. Parang nakikipagpakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hindi rin kasi siya sanay makipag usap lalo na kung hindi niya pa gaano kilala.
Binasag nito ang katahimikan ng muli itong magsalita.
"Ilang taon ka na pala yssa?" tanong nito
"16 po kuya."
"Wag mo na ko tawaging kuya hahahahha" Natatawang wika nito.
"19 palang ako. Hindi naman malayo ang agwat ng edad ko sayo."
"Matanda ka padin sakin kaya kuya pa din."
"Okay ikaw ang bahala. Nga pala kailan lang kasi kita nakita dito eh. Kaya gusto ko lang makipagkilala. Kung titignan kasi ay parang kilalang kilala ka dito tas ako hindi manlang kita kilala." saad nito.
"Ah ako din naman po kailan lang po kita nakita. Same lang po tayo na hindi magkakilala"
Natawa ito.
"Galing kasi akong manila. Doon ako nag-aral pero naisipan kong bumalik dito para dito na ulit ipagpatuloy. Namimiss ko kasi ang pamilya ko eh!"
"Ano po bang course mo?" tanong niya dito.
"Graduate na ako ng 2 years course Associate in computer technology. Gusto ko lang ulit mag-aral kaya naisipang kong dito nalang ulit para malapit lang samin."
Tinitigan niya ito. Mukhang tama naman ang mga kaklase niya. Mukha itong mabait at matalino. Kita sa mga mata nito na mataas ang pangarap at desidido makapagtapos ng pag-aaral. Isa yun sa mga gusto niya sa lalaki. Karamihan kasi ng kabataan ngayon ay puro bisyo at tamad mag-aral at yun ang ayaw na ayaw niya sa mga lalaki.
"Ano naman pong kukunin mong course kung sakali?"
"Madami kasi akong gusto hahahahah" Isa ka na dun bulong niya.
"Ano po?"
"Ahhhh wala!! Sabi ko madami kasi akong gustong course kaya pinag iisipan ko pa kung ano yung kukunin ko ulit" wika niya.
"Follow whatever course you want. Hindi po kasi maganda kung susundin mo yung gusto ng iba tas hindi mo naman po gusto. Kahit anong pagsisikap mo mag-aral kung napipilitan ka lang dahil yun ang gusto ng iba. Nothing will happen. Para sakin sayang lang yung tuition na magagastos."
Nakatitig lang ito sa kanya habang nagsasalita. Kita sa mga mata nito ang pagkamangha. Kung sa iba na sa ganitong edad ay hindi naiisip yung ganun at puro luho lang ang alam siya ay hindi. Iba talaga ito. Hindi niya maiwasan ihalintulad ito sa ibang kakilala niya na ang gusto ay magwaldas ng magwaldas ng pera at walang pakialam sa gagastusin ng mga magulang. Bata nga siya tignan at magsalita pero may laman ang mga sinasabi pag nagsasalita.
" Kuya?" tawag nito.
"Oh sorry. pinapakinggan lang kita" biglang wika niya.
Narinig nila ang akala mo'y mga tutubi na nagbubulungan sa likod ng punong mangga. Naroon pala ang mga tsismosang kaklase nito.
"Kanina pa kayo dyan?" tanong ni yssa sa mga ito.
"Hindi ah. Kakadaan lang namin bibili kami sa tindahan." Pagdadahilan ni joy.
"Infairness bagay kayo." Sabay tawanan ng mga ito.
Namula na naman siya sa sinabi ng mga iyon. Ganun din si mark na nakatuon ang mata sa kanya kaya nang mapalingon siya dito ay nagkatitigan sila.
Iniwas niya ang tingin dito at napayuko ng bahagya. Napangiti naman ito marahil kita din nito ang pamumula niya.
"Wag mo na silang pansinin." wika nito.
Inangat niya ang kanyang ulo sabay ngiti dito.
"Hahahhaha nagjjoke lang po yung mga yun. Maiwan na po muna kita. Mag aayos lang po ako ng gamit maya maya kasi ay papasok na kami."
"Ah sige." Maikling sagot nito habang titig na titig sa dalaga.
"Nice to meet you again kuya mark." paalam na wika nito. Mabilis na tumayo at naglakad papunta sa mga kaibigan.
Sinundan niya lang ito ng tingin. Ang mga ngiti nito ay parang nagpapamanhid ng buong katawan niya na parang nahihipnotismo siya.
"Shiiiiit!! Ang ganda talaga niya.!!" wika niya sa kanyang isip.
Hindi niya makalimutan ang mga ngiting iyon. Ang malambing na boses. Ang dimple sa kanyang kaliwang pisngi na kahit nagsasalita lamang ay napakalalim at ang kanyang mga mata na mapupungay kaakit akit.
Hanggang sa kanyang pag uwi ay hindi niya makalimutan ang araw na iyon. Unang beses niyang nakausap ang dalaga ng harapan at nahawakan niya muli ang malambot nitong kamay.
Bigla siyang napaisip. Paano kung ligawan ko kaya siya?
May pag-asa kaya ako?
"AAAAYYYYYY!!" Sigaw niya na nakahawak sa ulo na ginugulo ang buhok.
"Bahala na!!! Ngayong nakilala at nakakausap ko na siya may pagkakataon na kong mapalapit sa kanya.