Unexpected Love
CHAPTER 1
"Mamili ka? Pag-aaral mo o ako?"
boses ng isang lalaki sa kabilang linya ng telepono.
"Ano ka ba naman mark? bakit kailangan mo akong papiliin kung ikaw o ang pag-aaral ko? hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita?"
nagbabadyang tutulo ang luha habang kausap ni yssa ang kanyang nobyong si mark.
"Kung hindi ako ang pipiliin mo, mas magandang maghiwalay nalang tayo"
galit na wika ni mark sa kabilang linya.
"Yun lang ba ang gusto mo sa akin?"
hindi na napigilan ni yssa at tumulo na ang luha sa kanyang mata. ramdam niya na parang may kumirot sa kanyang dibdib at sa sobrang sakit nito ay hindi niya na kayang itago pa ang nararamdamang sakit.
"Akala ko ba mahal mo ko? bakit hindi mo maintindihan na hindi ko pa kayang gawin yung mga gusto mo"
dagdag pa niya habang mahinang humihikbi. Pakiramdam niya sa mga oras na yun ay parang sinasaksak ng paulit ulit ang kanyang dibdib sa sobrang sakit.
"Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Ayokong masira ang tiwala ni mama at papa sakin" saad niya pa nang hindi umiimik ang kausap.
"Pananagutan naman kita baby. ipapangako ko sayo na kaya kitang buhayin."
Sagot ng nobyo sa kabilang linya.
"I'm sorry mark" mahinang wika niya habang humahagulgol.
Alam niyang naririnig ng nobyo ang paghikbi nya kaya siguro hindi rin ito nagsasalita.
Ilang minuto siyang natahimik bago sumagot muli.
"Kung hinihintay mo ang sagot ko sa tanong mo kung pag-aaral ba o ikaw? Ang pag-aaral ko ang pipiliin ko."
mahinang saad ni yssa habang sunod sunod ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Gustohin niyang sumigaw. Magwala o umiyak ng malakas ngunit hindi pwede. Kasama niya ang kanyang pinsan sa kanyang kwarto na mahimbing na natutulog.
Nagbakasyon sila ng kanyang pamilya sa manila.
Bakasyon ng mga panahong ito kaya sa telepono lamang sila nakakapag-usap ng kanyang nobyong si mark.
Laking manila talaga siya pero dahil may inaasikaso ang kanyang ina sa probinsiya nito sa aklan kung saan ito lumaki ay doon muna sila pinag-aral magkakapatid.
Nagbakasyon lamang sila ng manila para dalawin ang kanyang pinakamamahal na lola.
Ina ng kanyang ama.
"Kung yan ang sagot mo okay maghiwalay na tayo"
Hindi na hinintay ni mark magsalita ang kanyang nobya at binaba na agad ang telepono.
---
YSSA'S POV
"MAAARK!! gan ...."
Natigilan siya ng marinig ang tunog ng telepono. Wala na ang kausap. Binabaan siya nito.
First time gawin ito ng nobyo sa kanya. Hindi niya inaasahang gagawin ni mark iyon sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Sobrang sakit nito. Dama niya ang kirot na gumuguhit dito at parang tinutusok ng paulit ulit.
Wala siyang nagawa kundi umiyak ng umiyak.
Humihikbi habang nakatalukbong ng kumot.
Nakatakip ang isang kamay sa kanyang bibig.
Ayaw niyang may makarinig sa kanya lalo't hating gabi na at mahimbing na natutulog ang kanyang mga pinsan.
Pakiramdam niya ng gabing iyon ay mamamatay siya sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
Sa sobrang paghikbi ay halos nahihirapan na siyang makahinga.
Sobrang mahal niya ang kanyang nobyo.
Sa katunayan ito ang first boyfriend niya.
First holding hand, First hug, at First kiss.
Ang hindi niya lang kayang ibigay ay ang gusto nito.
Ang maangkin ang buong katawan niya.
Sa sobrang pag-iyak ay hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya.
Kinabukasan ay tanghali na siya nagising.
Wala na ang mga pinsan niya na kasama niyang matulog kagabi.
Mabilis siyang bumangon at nagligpit ng pinagtulugan.
Pagkatapos ay dumiretso sa cr upang maghilamos at magtoothbrush.
Tanaw niya sa salamin ang kayang mata. Namamaga ang mga ito at halatang galing ito sa pag-iyak.
Lumabas siya ng cr at pumunta sa kanyang kama.
Ayaw niyang lumabas na ganun ang itsura niya marahil alam niya na mapapansin ng ina ang pamamaga ng kanyang mata kaya mas minabuti na lamang niya munang magkulong at mapag isa.
Ayaw niya munang may makausap o makipag usap.
Maya maya pa ay inalala niya ang usapan nila kagabi ng kanyang nobyo.
Nararamdaman na naman niyang kumikirot na naman ang kanyang dibdib sobrang sakit nito.
Napahawak siya dito ng mahigpit at hindi niya namamalayang pumapatak na ang kanyang luha na mabilis umaagos sa kanyang magandang mukha.
Kung noon ay halos ayaw nitong bitiwan ang telepono makausap lang siya magdamag.
Ngayon ay nagawa na nitong pagbabaan siya.
Hindi niya lubos maisip na kaya siyang papiliin ng pinakamamahal niyang lalaki kung " ito o ang pag-aaral niya"
Ang gusto lang nito sa kanya ay maangkin siya at yun ang hindi niya pa kayang ibigay sa nobyo dahil gusto niyang makapagtapos ng pag aaral para makabawi sa kanyang mga magulang.
Ang buong akala niya ay mahal siya nito.
Yun pala ay may gusto lang itong makuha sakanya.
"Shiiiit! ang sakit sakit!!" humiga sya at niyakap ang kanyang unan habang patuloy ang pag iyak.
Pakiramdam niya ay para siyang mamamatay sa sobrang kirot at sakit na nararamdaman.
Ito ang first boyfriend niya at ito rin ang first heartbreak.
Sa isip isip niya.
Ganito para ang pakiramdam.
Parang ayaw mo ng gumising, Ayaw mo ng bumangon.
Parang gusto mo nalang laging matulog at walang ganang kumain.
Parang wala ng saysay na mabuhay.
Nakakawalang gana na lahat.
Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.
Mabilis niyang pinahid ang luha sa kanyang mata at nagkunwaring uunat na akala mo ay bagong gising pa lamang.
"Nak tanghali na hindi ka pa ba kakain?" boses ng kanyang ina na alam niyang papalapit sakanya.
Napatakip siya ng unan sa mukha at bago pa tuluyang makalapit sakanya ang ina ay nagsalita na siya.
"Susunod na ko ma. maghihilamos lang po ako" saad niya dito.
"Maligo ka na ng diretso at aalis tayo. Bumangon ka na diyan. Siguro ay magdamag na naman kayo magkausap ni mark kaya napuyat ka na naman." wika ng kanyang ina.
Kilala nito si mark. Noong nanliligaw pa lamang ito ay ipinakilala niya na ito sa kanyang pamilya. Ayaw na ayaw kasi ng kanyang ina na magkaboyfriend siya hanggat di nakakapagtapos ng pag-aaral ngunit dahil sa sipag at dedikasyon nito sa panliligaw. Nakita ng kanyang mga magulang na mukhang seryoso naman ito sakanya.
Napapayag naman ang mga ito pero sa isang kundisyon kailangan makapagtapos sila ng pag-aaral.
"Hindi ako sasama ma. Masakit po kasi ang ulo ko" pagdadahilan niya.
"Ako nalang po ang maiiwan dito sa bahay para magbantay. Bilihan niyo nalang po ako ng pasalubong." dagdag pa niya.
"O siya sige!! Bumaba at kumain ka na. Kami'y aalis na." wika nito
"Ok ma. Ingat po kayo." sagot naman nya.
---
Tatlong taon na silang magkasintahan ni mark. Nakilala niya ito noon sa bahay ng classmate niya noong highschool pa lamang siya.
Gumagawa sila noon ng isang group activity na kailangan na ding maipasa sa araw na iyon.
Nakaramdam siya ng uhaw kaya tumayo siya at pumuntang kusina.
Feel at home na siya dito dahil close nya ang classmate at magulang nito.
Ilang beses na din syang nakapag overnight dito kaya alam niya na ang pasikot sikot ng bahay.
Nang makarating siya sa kusina ay agad niyang binuksan ang ref at kumuha ng maiinom.
Narinig niyang may nagkakantahan sa sala kaya naisipan nyang silipin kung kanino galing ang magandang boses na kanyang naririnig.
Nakita niya doon ang kuya ng kanyang classmate at mga barkada nito.
At may isang lalaki na pumukaw ng kanyang atensyon.
Hindi niya ito kilala at ngayon nya lamang ito nakita.
Makisig ang katawan nito. Maputi na may pagkasingkit ang mata. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi.
Parang may lahing koreano.
Iniling niya ang kanyang ulo ng narealize niyang natulala pala siya dito .
Nakita niya din itong nakatitig sa kanya.
Nakaupo ito. Kumakanta habang naggigitara.
"Inferness pogi na maganda pa ang boses" bulong niya sa sarili habang nagmamadaling bumalik kung saan sila gumagawa ng group activity.
Pagbalik niya sa mga classmate niya ay napatanong siya sa mga ito.
"Sino yung lalaki dun?" tanong niya.
"Sino dun? marami sila doon." sagot naman ni joy isa sa kanyang mga kaklase.
"Yung kumakanta, maganda ang boses eh at ngayon ko lang yun nakita." saad niya
"Ah si Mark?" wika naman ni jane.
Galing yun manila kaya hindi mo nakikita dito noon.
Ngayon lang bumalik.
Vocalist siya sa banda nila kuya." dagdag pa nito.
"Ahhhhh..."
Kaya pala maganda ang boses, sabi niya sa isip niya.
Tinuloy na nila ang gawain para matapos at maipasa na.
Nang matapos na sila ay agad silang nagsikilos.
Nagligpit sila ng kalat at nag ayos ng kanilang mga gamit.
Mabilis nilang natapos iyon at isa isang lumabas.
Nagpaalam sila sa magulang ng classmate nila bago umalis.
"Salamat po tito tita. papasok na po kami." saad ni yssa.
"Ah sige iha, ingat kayo sa daan" sagot naman nito.
---
MARK'S POV
"MARK!!!!" tawang isang kaibigan niya.
"Oh' pre kumusta?" wika naman niya.
"Ito mabuti naman. Ikaw kumusta? Kailan ka nakauwi?" tanong naman nito.
"Kaninang umaga lang. Namiss ko nga dito eh! Alam mo na masarap talaga bumalik kung saan ka pinanganak." nakangiting sabi nito.
"Hindi ka na ba babalik ng manila?" tanong ulit nito.
"Pag-iisipan ko pa pre" mabilis na tugon niya dito.
" Tara nga pala sa bahay. Nandoon ang ibang barkada nagjajamming kami" Pag-aya nito.
"Oy sakto namiss ko na din kayo. tara na!" masayang aya niya din dito.
Nang makapasok sila sa bahay ay bumungad sa kanya ang isang gitara na nakalagay sa gilid ng sofa. Agad niya itong kinuha at pumwesto sa kinauupuan ng kaniyang mga barkada.
Nagsimula siyang kalabitin ang kuwerdas ng gitara at nagsimula siyang umawit.
"Your turning me on....
You turn me around....
You turn my whole world upside down...."
Tuloy siya sa pag awit ng biglang may isang babaeng nakatayo at nakikinig.
Nakatulala ito habang na nakatitig sa kanya.
Maya maya ay parang napabalikwas ito ng mapansing nakatingin din siya dito.
Bigla itong umalis at tila nagmamadali.
Napangiti siya ng patago. Sabay tanong sa isa niyang kaibigan.
"Pre' sino yung babae kanina?" tanong niya.
"Ah si yssa pre classmate sya ni jane" tinutukoy ay ang kapatid nitong babae.
"Ang ganda di ba? Ang sexy, ang puti at ang kinis no?" dagdag pa nito na kita ang pagnanasa.
"G*go ka talaga pre" mahinang wika niya.
"Nililigawan nga yan ni danny eh. Ewan ko kung kailan siya sasagutin" Malakas na tawa niya habang nakatingin sa isang barkada na tila iniinsulto.
"Talaga ba pre? nililigawan mo?" tanong naman niya.
"Oo pre dinadaan ko sa love letter kaso hindi naman sumasagot sa mga sulat ko" wika nito.
"Bakit kasi sa love letter pre ligawan mo ng harapan." pagbubuyo nito
"Masyado kasing busy yun sa pag-aaral. Hindi rin kami madalas nagkaka-usap. Pero ramdam ko naman na may pag-asa ako!!" Pagyayabang na wika nito.
"Pano mo nasabi na may pag-asa ka? kung hindi naman kayo madalas mag usap?" Natatawang tanong niya.
"Pagkaharap ko siya kita ko naman na masaya siya. Ramdam ko na malaki yung pag asa ko at konti nalang ay alam kong bibigay na din yun."
"Hahahaha okay sabi mo yan eh. Goodluck pre!" wika niya.
---
Hapon na ng umuwi siya sa bahay.
Nag enjoy siya kabonding ang mga barkada niya.
Dumiretso siya ng cr at naghilamos ng mukha.
Naalala niya ang magandang mukha ng babaeng nakita niya kanina.
Pumasok siya sa kanyang kwarto at humiga.
Nagmuni-muni.
Maya maya ay hindi niya namalayang nakatulog siya dahilan ng pagod sa byahe niya kaninang umaga at sa pagtambay kasama ng kanyang mga barkada.