CHAPTER 2
Nakarating na si yssa at ang kanyang mga kaklase sa kanilang paaralan.
Nasa labas palang sila ng gate ay parang akala mo may artistang parating.
Tuwing dadaan sila ay halos pagkaguluhan sila ng mga estudyante.
Lahat ng mga ito ay napapatingin mapababae man o lalaki.
Hindi dahil sa grupo nila kundi dahil kay yssa.
Si yssa ay isang transferee sa ng kanilang school.
Last year lamang siya nalipat sa paaralang iyon pero kahit saang lugar ay kilalang kilala na siya ng mga tao doon.
Galing siyang manila at inilipat lamang siya doon sa probinsiya dahil may mga importanteng bagay na nilalakad ang kanilang pamilya.
Apat silang magkakapatid pero ang isang kuya niya lang ang hindi sumama doon.
Silang tatlo lang ng dalawa niya pang kapatid na lalaki ang sumama dito.
Ang panganay na si Dem at ang bunsong si Hanz.
Nag-iisang anak lang siyang babae kaya istrikto ang kanyang mga magulang pag dating sa mga manliligaw nito.
Kilala din ang mga kapatid niyang lalaki sa kanilang paaralan lalo na ang bunsong si hanz na kasalukuyang nasa 2nd year at pinagkakaguluhan din ng mga kababaihan doon.
Noong unang pasukan nga ay napagkamalan pa silang mag nobyo at nobya ng kanyang bunsong kapatid na si hanz.
Close kasi sila at kung titignan nga ay hindi sila magkamuka.
Moreno si hanz at mestiza naman si yssa.
Nagmana ang kanyang kapatid na lalaki sa kanyang ama samantalang si yssa ay nagmana sa kanyang lola na nanay ng kanyang ina.
may lahing espanyol ang lola nito kaya namana niya doon ang kaputian.
Madami din ang nagsasabi na kahawig niya ito noong ito ay dalaga pa.
Kuhang kuha daw nito ang mukha ng kanyang lola.
Biglang may umakbay sa kanya mula sa likod.
Nabosesan niya ito at Nakangiting siyang humarap dito.
"Ate. sabay tayo maglunch mamaya" sambit nito
Si hanz ang lalaking umakbay sa kanya.
Matangkad ito nasa 6 flat ang height.
Literal na Tall, Dark and Handsome. Kaya hindi na rin siya magtataka kung bakit habulin ito ng mga babae.
Basketball player din ito sa kanilang sitio pati na din sa kanilang paaralan.
Campus Heartrob kung matuturing.
Ang kinaganda lang sa kanyang bunsong kapatid ay hindi ito hambog.
Hindi ito mayabang at hindi maangas tignan.
Hindi rin siya babaero tulad ng iba.
Kaya close na close sila dahil sobrang sweet nito sakanya.
Masasabi talagang pinalaki sila ng tama at maayos ng kanilang mga magulang.
Dahil sa kanilang pananalita at pag uugali ay walang kahit anong maipipintas.
Sobrang Mababait at magagalang.
"Mauna ka nalang. Pagtitinginan na naman tayo ng mga estudyanteng babae dito at pagkakamalan na naman akong girlfriend mo" Natatawang wika niya.
"Eh ano naman kung tignan nila tayo? Ate kita at inggit lang sila dahil may ate akong maganda" natatawa ding biro nito.
"Tsaka gusto kita kasabay. Ang daming lalaking laging nakatingin sayo. Daig mo pa artista dito sa school."
"Sira ka talaga! Sige na at papasok na ko. Mauna ka na maglunch mamaya huh madami pa kong gagawin eh!" sabay talikod sa kanyang kapatid at nagmamadaling tumakbo.
"HAAAAAYS!! Si ate talaga ayaw mo lang akong ilibre eh!" Pasigaw na wika ni hanz ng papalayo na siya.
Natatawa siya dito.
Alam na alam niya kasi na kaya lang ito sasabay sa kanya para magpalibre ng pagkain.
---
Si yssa nga pla ang muse ng buong paaralan.
Muse ng buong senior high.
Muse din siya sa classroom nila.
At muse sya sa buong sitio nila.
Kahit saan siya magpunta ay kilala siya dahil sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan.
Dagdag pa ang napakalalim na dimple niya sa kaliwang pisngi.
Kahit nagsasalita lang ito ay matatanaw mo ang dimple nito.
Lalo kapag ito ay ngumiti na.
Nakakahipnotismo siyang tignan. Nadadala lahat ng kalalakihan pag nginitian niya na ang mga ito.
Napakabait din nito at napakasweet lalo na sa mga matatanda.
Kumbaga sabi ng iba complete package ika nga.
"Hi Ate yssa.." bati ng mga estudyanteng nasa 1st year na nakasalubong niya.
"Hello!" sabay ngiti.
"Shiiiit bro' ang ganda talaga niya" bulong ng isa pero rinig pa din niya.
Napangiti nalang siya habang naglalakad.
Hindi niya ito mga kakilala pero dahil nga kilala siya sa kanilang paaralan.
Lahat ng bumabati sa kanya ay binabati niya din pabalik.
Kahit mga transferee na katulad niya o bagong enroll na estudyante palang sa kanilang school ay kilala na siya.
---
Malapit na siya sa kanilang silid aralan.
Mabilis siyang naupo at binuksan ang kanyang bag. Kinuha nito ang isang libro.
Sinimulan niya nang magbabasa dahil may recitation na magaganap mamaya.
"Oo na ikaw na ang matalino.. ikaw na ang makakasagot sa lahat!! IKAW NA IKAW NA IKAW NA !!"
Pasigaw na parinig ng isang kaklase niyang lalaki na mayabang.
Napakayabang nito at lagi siyang pinaparinggan sa tuwing dumadaan ito sa harap niya.
Ang sabi ng iba ay nagpapapansin lang ito sa kanya dahil matagal na siya nitong gusto.
At dahil nga wala sa isip niya noon ang mag boyfriend. Lahat ng umaaligid at nagpaparamdam sa kanya na manliligaw ay hindi niya pinapansin.
"Gusto mo ikaw ikaw ikaw?" mahinhin na salita niya habang nakatutok pa din ang mata sa pagbabasa.
"Magbabasa ka nalang din ng libro para alam mo ang isasagot mo mamaya kung sa kaling tawagin ka." biro pa nito sabay ngiti.
Nagtawanan ang ibang mga kaklase nila na nakarinig.
Patagong napangiwi siya dahil alam niyang napahiya ang mayabang na lalaking iyon.
Hindi niya intensyon na pahiyain ito.
Hindi siya mapagpatol sa mga lalaking nang iinis sa kanya.
Kahit naiinis siya sa mga ito ay kinakausap niya padin ito ng mahinhin at yun ang dahilan kaya madami ang nabibighani sa kanya.
Parang hindi siya marunong magalit.
Naisip niya kasi na wala rin naman siyang mapapala kung sa kaling patulan niya pa ang mga ito.
---
Tapos na ang klase.
Uwian na.
Nagmamadali siyang makauwi dahil sobrang pagod niya ng araw na iyon.
Pagdating niya sa bahay ay nakita niya ang kanyang ina na nagluluto.
Nagbless lamang siya at humalik sa pisngi nito.
"Akyat na muna ako ma. Mamaya nalang po ako kakain pag gising ko. Inaantok po kasi ako" wika niya at tumalikod na para umakyat sa kanyang kwarto.
"Malapit na ito maluto. Kumain ka nalang muna para tuloy tuloy ang pahinga mo." wika ni linda na kanyang ina.
"Mamaya na po ma." nakangiting sagot niya.
"Haaay nakung bata ka magpapalipas ka na naman ng gutom."
Hindi niya na ito sinagot alam niya kasi na kukulitin lang siya nito ng kukulitin.
Pagpasok niya ay agad siyang naghubad ng uniporme.
Pumunta ng cr para maligo.
Maya maya'y natapos din agad siya.
Blinower niya lang ang kanyang mahabang buhok para matuyo at para makahiga.
Gusto niya na talagang matulog.
Pakiramdam niya ay napakasakit ng kanyang buong katawan.
Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama..
"Haaaaay... Ang sarap humiga !!" sambit nito na umuunat unat pa ang katawan.
Habang nakatingin sa kisame ay naalala niya ang lalaking kumakanta.
"Ang ganda ng boses niya. Napakalamig Sa tenga!!" nakangiting wika niya.
"Ang pogi pa" Napahawak siya sa kanyang mukha at pakiramdam nito ay pulang pula ito.
"No... No.... No..." suway sa kanyang sarili.
Pumikit siya at inalala niya ang boses ng lalaking iyon.
Nakaramdam siya ng antok at
ilang saglit lang ay nakatulog siya agad.
---
YSSA'S POV
Nag alarm ang kanyang phone.
Napabalikwas siya ng bangon, Nakapikit pa ito at akmang inaabot ang bagay na nasa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama.
Pinatay niya ang napakalakas na tunong nito at dinilat ang kanyang mata para masilayan ang oras.
"Shhhhit!" sambit niya
Mabilis siyang napabangon.
Maaga na ito. Napasarap ang kanyang tulog.
Kung hindi pa nag alarm ang kanyang phone ay hindi pa sya magigising.
Malalate na siya.
Nagmamadali siyang pumasok sa cr at naligo.
Mga ilang minuto ay natapos din ito agad.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at patakbong bumababa ng hagdan.
Pagbaba nito ay saktong nag aalmusal ang kanyang ina at mga kapatid na si dem at hanz.
"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ng kanyang ina.
"Malalate na po kasi ako ma." sagot nito.
Humalik siya sa noo ng kanyang ina sabay kuha ng isang hotdog at agad sinubo.
"Kumain ka na muna kaya hindi ka na kumain kagabi eh." pag aalalang saad nito.
"Hindi na po!!" pasigaw na wika niya para marinig nito dahil nakalayo na siya.
Sumakay na siya ng kanilang sasakyan at nagsabi sa driver na ihatid sya sa school.
Mabilis siyang nakarating sa kanilang paaralan dahil wala naman traffic sa probinsya.
Hindi tulad sa manila na sa edsa palang ubos na ang oras sa sobrag bagal ng mga sasakyan.
Usad pagong sabi nang karamihan.
Sa tingin niya ay wala pa ang mga kaklase niya dito kaya naisipan niyang magpahatid muna sa bahay nila jane.
Sa kaibigang babae na lamang siya sasabay pumasok mamaya.
Nang makarating sila doon ay bumaba agad siya at sinabi sa kanilang driver na iwan nalang siya doon.
Sinabi din niyang sa kaklase nalang niya siya sasabay sa pagpasok.
Kaya tumango nalang ang driver at agad pinaandar ang sasakyan.
Palakad siya ng makita niya ang lalaki kahapon.
Ang Pagkakaalala niya ay mark ang pangalan nito.
Nakaupo ito sa tambayan nila.
Napatingin ito sa kanya.
Nagsalubong ang kanilang mga mata na agad naman niyang binawi at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila jane.