Paghanga

1290 Words
CHAPTER 3 MARK'S POV Maaga siyang nagising. Alas singko pa lang ng umaga ay gising na siya. Ganoon talaga ang gising niya pag nasa bahay nila siya. Hindi tulad sa manila na kadalasan ng kabataan ay tanghali kung magising. Naisipan niya mag-jogging habang hindi pa sumisikat ang araw. Paikot ikot siya sa kanilang malawak na bakuran. "Ang sarap ng simoy ng hangin" wika niya habang patuloy ang pagtakbo. Isang oras din iyon at naisipan na niyang magpahinga. Pumasok siya sa loob ng kanilang bahay upang makapagpalit ng damit. Basang basa ito at kita ang makisig na katawan niya sa loob nito. Maya maya ay naisipan niyang magpahangin. Bago siya lumabas ay nagtimpla muna siya ng kape para kanyang inumin. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada. May tindahan doon. Tindahan iyon nila jane. May maliit silang bahay kubo sa tabi niyon at iyon ang tambayan nilang magbabarkada. Inilapag niya ang kanyang kape sa maliit na mesa. Nang may dumaan na sasakyan at huminto ito malapit sa kanya. Pagbukas nito ay bumaba ang isang babae. "Siya yun!!" Pabulong na wika niya. "Siya yung babae kahapon." Napatingin siya dito. Hindi niya maiwasan humanga sa ganda nito. Nakasuot ito ng uniporme at bakas na bakas ang ganda ng hubog nang katawan nito sa suot na blouse. Kitang kita din ang maputi at makinis na binti nito sa suot na palda. "Totoo ang sinasabi nila na hindi ka talaga makapagsasalita pag nakita mo ito. Parang mamamanhid nalang bigla ang katawan ko." wika sa isip niya. Napatingin din ito sa kanya. Nagkatitigan sila ngunit mabilis nitong iniwas ang mga mata. Nagmamadali itong pumasok sa bahay nila jane. "HUUUY!!" gulat na wika ng isang matandang babae. Ina ito ni jane. "Nakakagulat naman po kayo aling tere." Gulat na wika niya. "Parang matutunaw kasi yang tinititigan mo iho" pabirong sabi nito. Kanina pa pala ito naroon kaya kita niya kung paano ito napamangha sa ganda ng dalaga. "Ang ganda ng batang yun no?" sabay nguso na itinuro ang kinaroroonan ni yssa. "Alam mo bang sobrang bait ng batang iyan. Balita ko ay matalino pa. Maganda at sexy din." Pabirong saad nito. "Ah opo nga eh" naiilang na wika niya. Totoo naman mukha talaga siyang anghel. Kung tititigan mo ay napakainosente ng mukha nito. "Jackpot ang lalaking mapapasagot ito." sabi niya sa isip niya. Buti nalang at may bibili kaya agad nawala si aling tere sa likod niya. Pumasok na ito sa kanyang tindahan. Nakita niyang palabas na si yssa kasama si jane. Naisip niyang papasok na siguro ang mga ito. Habang nakaupo ay pasulyap sulyap niyang tinititigan ang dalaga. Nakatayo sila sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng masasakyan. Nakita niyang ngumiti ito habang kausap ang kaklase. "Waaaaaahhh." nahinang sambit niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya nanginginig ang kamay niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung ito ba ay kaba o kabog na ibig sabihin ay naiinlove siya. "Grabe.. Ang lalim ng dimple" wika niya sa isip. "Ang cute niya din tumawa at sobrang hinhin kumilos." dagdag pa nito. Naisipan niyang kuhaan ito ng litrato. Akmang tatayo sana siya upang dukutin ang phone sa kanyang bulsa ng bigla niyang nasagi ang tinimpla niyang kape. Natapon iyon at bumuhos sa kanyang binti. "OUCH OUCH!!" sigaw nito. Napatalon talon siya sa sobrang init. "Are you okay?" narinig niyang boses ng babae. "Ah oo" nakayukong sagot niya habang busy sa pag ihip dito. Namumula na iyon. Hindi niya napansin na nakalapit na ang dalaga sa kanya kasama si jane. "Here" isang kamay na may hawak ng tissue ang nag abot sa kanya. Napatingin siya dito at tumambad sa kanya ang napakaganda at napaka among mukha ng dalaga. Nakayuko ito. Halos magkalapit na ang mukha nila sa isa't isa. Napabalikwas siya sa pagkakayuko at inabot ang tissue. Nahawakan niya pa ang malambot na kamay nito. Parang napako ang kanyang mga mata sa mukha nito. Hindi niya matanggal ang paningin niya dito. Kita sa mga mata nito ang pag aalala at sabay sabing "Ok ka lang po ba talaga? Mag iingat ka po sa susunod kuya" "Tara na yssa" pagsingit naman ni jane. Tumalikod na ang mga ito at nagmamadaling tumakbo ng makitang may paparating na masasakyan. "KUYA?" saad niya na natatawa. "Tinawag niya kong kuya hahhaahhahaha" para siyang baliw na nagsasalita at tumatawa mag isa. "Ang ganda niya sa malayo pero hindi ko inaasahang sobrang napakaganda niya sa malapitan." wika sa isip. Ramdam niya ang pagpula ng kanyang mukha. Bumilis na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Akala mo'y may mga kabayong naghahabulan sa sobrang bilis nito. Narinig niya ang boses ng dalaga. Baby talk kung magsalita. Sobrang sweet. Ang sarap pakinggan sa tenga. Naalala niya ang hindi sadyang paghawak niya sa kamay nito. Sobrang lambot niyon. Napapikit siya ng malanghap niya ang naiwang amoy ng pabango nito. Para siyang nawawala sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang nararamdaman niya. "Hindi kaya ay may pagtingin na siya dito??" Napamulat siya ng mata ng maisip iyon. --- Nawala ang pag iimahinasyon niya ng biglang my tumapik sa likod niya. "Pre !!" wika nito "Oh danny. Kanina ka pa ba diyan?" "Hindi kararating ko lang. Anong nangyari sayo at namumula yang mukha mo?" tanong nito. "Wala pre, masakit lang ito" sabay turo sa binti nito. "Natapunan ng kape, nasagi ko kasi kanina" "HAHAHAHAHA Ano ba kasing kat*ngahan ginawa mo?" pang aasar nito. "Wala!" Saad niya. Ayaw niya banggitin dito na nakita niya si yssa at iyon ang dahilan kung bakit siya natapunan. Kinuha niya ang tasa ng kape at tatayo na sana siya para umuwi ng bigla niyang marinig niya ang sinabi ng barkada. "Gusto ko ng mapasagot si yssa. Gusto ko na siyang maging girlfriend pre. Parang hindi ko na kayang maghintay." wika nito. "Ba't parang nagmamadali ka yata ngayon?" Mabilis na tanong niya. "Sa dami ng lalaking umaaligid dun eh baka maunahan pa ko." sagot nito. "Seryoso ka ba sa kanya danny? o baka idadagdag mo lang siya sa mga naging babae mo?" seryosong tanong niya dito. " Seryoso o hindi basta gusto ko maging akin siya." Binitiwan niya ang hawak na tasa at malakas na sinuntok si danny. "T*ngina! Ano bang problema mo?" tanong nito habang nakahawak sa kanyang bibig. Pinahiran niya iyon ng maramdamang may tumulong dugo . "Binabalaan kita pare. Wag na wag mo paglaruan yung tipo ng ganong babae. Kung lolokihin mo lang din pala mas magandang maghanap ka nalang ng iba! Sisirain mo lang yung buhay ng tao!!" tiim bagang na wika nya. Kita sa mukha niya ang sobrang galit sa kaibigan. "Wala ka ng pakialam dun. Na kay yssa ang desisyon kung sasagutin niya ako o hindi!!" nakangising wika nito na tila nang aasar. "Oh baka naman may gusto ka din sa babaeng nililigawan ko mark!!" mariing tanong pa nito. Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang tasa na binitiwan niya kani kanina at walang paalam na naglakad palayo kay danny. "Akin lang siya mark. Tandaan mo yan!!" Sigaw na pahabol nito. --- Nang makauwi sa bahay ay nilapag niya ang tasa sa mesa at dumiretso sa kanyang kwarto. Pabalibag na inihiga nito ang kanyang katawan sa kama at inisip ang sinabi ng kaibigan. "Hindi niya pwedeng gawin yon!!' galit na wika niya sa kanyang isip. Ngunit anong magagawa niya? Mas matagal na nitong kilala si yssa samantalang siya ay ngayon pa lamang niya ito nakaharap ng malapitan. Ni hindi nga siya nito kilala at hindi pa sila halos nagkausap. Paano niya ilalayo si yssa kay danny. Nag-isip siya. Gagawa siya ng paraan para mapalapit kay yssa. Kung kinakailangang araw araw siyang tumambay o pumunta sa bahay nila jane ay gagawin niya. Hindi niya hahayaang mapabilang ito sa mga babaeng naloko ng kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD