Pagbunyag

1439 Words
CHAPTER 4 Nang makarating si yssa at jane sa paaralan ay agad na itong naupo. Naroon na ang iba pa nilang kaibigan kumpleto na ang mga iyon at nagtutumpukan na tila may pinag-uusapan. Nakihalobilo siya sa mga ito para malaman kung sino ang pinagttsismisan ng mga ito. Nang lumapit siya ay biglang natigilan ang pag-uusap ng mga ito. "Oh bat natahimik kayo? Wag niyong sabihin na ako yung pinag-uusapan niyo?" pabirong wika nito na nakangiti. "Parang ganun na nga!" sagot ng isang kaklase. "Hala!! May nagawa ba ako? ahmm. wait may kasalanan ba ko sainyo?" Nag-iisip na tanong nito. Para talaga itong bata kung magsalita na akala mo ay takot na takot dahil may nagawang kasalanan. "G*ga wala hahhahaahha" Tawanan ng mga kaibigan. "Eh about san ba kasi yung pinag-uusapan niyo?" Tanong nito. "Tungkol sa manliligaw mo!" wika ni joy na isa din sa mga kaklase niya. "Manliligaw?" Napaisip siya. Madami ang mga lalaking nagpaparamdam at nagsasabing crush siya ng mga ito pero wala naman isa sa mga yun ang nagsabing liligawan siya. Bukod na lamang kay danny. Ito lang naman ang nakakausap niyang lalaki pag nandoon siya sa bahay nila jane at ito lang din ang alam niyang nanliligaw sa kanya dahil sa mga binibigay nitong sulat. "Oh what's wrong with him?" tanong niya. "Matagal na kasi namin gustong sabihin sayo ito kaya lang ay baka isipin mong sinisiraan namin siya sayo" nag aalangang wika ni joy. Napatingin siya kay jane. Tinignan lang din siya pabalik nito. Tumingin din ito sa iba pang kaklase. Iniling nito ang ulo niya na parang pinagbabawalan ang mga kaibigan na wag sabihin. "Ano ba kasing meron?" Seryosong tanong niya. Alam niya na may alam din si jane tungkol sa sinasabi ng mga kaibigan. "Yung manliligaw mo kasi ay isa lang namang playboy." wika ng isang kaklase niya. "Babaero yun yssa. Madami na yung nilokong babae. Sa katunayan nga may nabuntis yun tas hindi pinanagutan." saad ni joy. "Ayaw lang namin sabihin sayo nung una kasi baka isipin mong sinisiraan namin siya." dagdag pa nito. "Alam mo din to di ba jane?" Tanong sa kaibigan. Tumungo lang ito. "Eh bat ngayon niyo sinasabi?" Naguguluhang tanong niya. "Pakiramdam kasi namin. Sasagutin mo yung mokong na yun eh!" "Hahahahahhaha. Bawal pa nga ko magboyfriend pano ko siya sasagutin" Natatawang wika niya. "Eh bat tinatanggap mo yung mga sulat at minsan ay kinakausap mo din?" tanong ni joy. "Nakakahiya naman kasi tanggihan yung tao baka isipin suplada ako. Yung mga sulat niya di ko pa nga nababasa kaya nga hindi rin ako sumasagot sa mga sulat niya." wika niya. "Saka masama bang kilalanin ko siya? Yun din kasi dahilan ko kaya kinakausap ko siya. Gusto ko siyang makilala pa." dagdag niya. Parang nabunutang ng tinik ang mga ito ng malaman nila mula ky yssa yun. Pakiramdam din ni yssa na concern sa kanya ang mga kaibigan. Nginitian niya ang mga ito. Bakas padin kasi sa mga mukha nito ang pag-aalala. "Pasensya ka na yssa. Ayaw lang namin mapabilang ka sa mga babaeng naloko ng lalaking yun." wika ng isa. "Ano ba kayo. It's okay. Dapat nga magthank you pa ko sainyo kasi nalaman ko agad yung tungkol sa kanya eh." wika niya. "Wag na kayo mag-alala. Tara nga dito" wika nito at lumapit sa mga kaibigan upang yakapin ang mga ito. Nag Group hug sila. Pakiramdam niya sa mga oras na yun ay napaka swerte niya dahil may mga kaibigan siyang concern sa kanya kahit isang taon palang silang magkakakilala ng mga ito ay sobrang close na close na isa sa isa't isa. "Oh guy's mamaya sa bahay tayo maglunch." masayang wika naman ni jane. "Okay!" sabay sabay wika ng magkakaibigan --- Tapos na ang klase at naisipan nilang maglakad nalang papunta sa bahay nila jane. Hindi naman kasi kalayuan ang bahay nito sa paaralan nila. May mga panahong sumasakay lang talaga sila ng tricycle kapag alam nilang malalate na sila. Masaya lang silang nagkkwentuhan habang naglalakad. Ang iingay ng mga ito pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante na nakakasabay din nila maglakad. Siguro ay malapit lang din ang mga bahay nito dito. Nakangiti lang si yssa habang nakikinig siya sa mga pinag-uusapan ng kanyang mga kaklase. Meron kasing times na hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng mga ito. Aklanon kasi ang salita nila nagtatagalog lang ang mga ito kung kakausapin siya o kaya kung siya ang kakausap sa ito. Sa isang taon palang na naninirahan siya doon ay hindi siya marunong magsalita ng lengguwahe nila. Nakakaintindi siya konti pero pag malalalim na salita ay hindi niya na maintindihan. Patuloy ang pagkkwentuhan ng mga ito nang di nila namamalayan nasa tapat na sila ng bahay nila jane. Nasa tindahan ang tatay at nanay nito nakatanaw sa kanila. "Hello po tito tita!" Sabay sabay na bati nila. "Makikikain po kmi" sigaw naman ng isa. Malakas na nagtawanan ang mga ito. Tumango lang ang dalawang matanda. Pagpasok nila sa bahay ay naroon ang mga barkada ng kuya niya. Naroon si mark pero wala doon si danny. Isa isa silang pumasok at nagpahuli si yssa. Nakatingin lang ang mga ito sa kanila habang sila naman ay tuloy tuloy papunta ng kusina. Nakita ni yssa na nakatingin si mark sa kanya. Nakangiti ito. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. "Ang pogi talaga ni mark!" pabulong na wika ng isa na halatang kinikilig pa. Siniko naman bahagya ito ni joy. Napangiti siya sa ginagawa ng mga ito. Nang Makaupo na sila sa lamesa ay nagsilabas n sila ng kani kanilang mga baon. Laging handa ang mga ito dahil may mga oras talaga na hindi inaasahan na magkakayayaan sila kumain kung kaninong bahay ang maisipan. --- MARK'S POV Magtatanghali ng pumunta siya sa bahay nila jane. Malakas ang kutob niya na pupunta doon sila yssa at hindi nga siya nagkamali. Habang sila ay nakatambay magbabarkada sa sofa ay narinig niya ang malakas na tawanan mula sa labas. Nakita niya ang pagpasok ni jane at mga kaklase nito. Isa isa itong pumasok. Nalungkot siya bahagya ng di niya pa nasisilayan ang dalaga. Napayuko siya at muling inangat ang ulo ng may nakita siyang isa pang papasok. Napangiti siya ng makita niya si yssa. Napatingin din ito sa kanya saglit at nagpatuloy sa paglakad. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman tuwing nasisilayan ang dalaga. Sa tuwing nakikita niya ito ay parang nawawala siya sa sarili. Inlove na nga yata siya dito. Parang gusto niya ulit makita ang magandang mukha nito. Sandaling oras pa lamang nang dumaan ito sa harap niya ay parang gusto niya na ulit masilayan ang dalaga. Nang may biglang pumasok sa isip niya. Akmang tatayo siya ng bigla siyang tanungin ng kaibigan. "Saan ka pupunta pre?" "Ah. Kukuha ng tubig. Nauuhaw ako eh!" sagot naman niya dito. "Sus wag nga kami!!" pang aasar ni vin kuya ni jane. "Gusto mo lang makita yung mga babae dun eh!" pabirong dagdag pa nito. "Sira!" Natatawang wika niya na nagpatuloy maglakad papuntang kusina. Nang makarating siya doon ay nadaanan niya kumakain ang mga ito. Masarap na nagkkwentuhan pero ang kanyang mata ay nakatuon sa iisang babae lamang. Kay yssa. "Kain tayo mark!" yaya ni jane. Nakatingin ang mga ito sa kanya. "Sige thank you. kain lang kayo kukuha lang ako ng tubig." wika niya. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng ref. Kumuha siya ng baso at sinalinan ng tubig sabay lagok dito. Hindi niya maiwasan tignan ang dalaga. Napakahinhin talaga nito. Nagsalin ulit siya ng tubig para kanya ulit inumin. Nakita siya ni jane na nakatitig dito. Ngumiti ito sa kanya bago nagsalita. "Ahm. yssa si mark nga pla." pakilala nito Lalong bumilis ang t***k ng puso niya ng bigla nitong inangat ang ulo at nginitian siya sabay sabing.... "Hello po kuya." Nainom niya na ang tubig kaya ng marinig niya ang pagsabi nito ng "kuya" ay nabunga nya ito. "Uhmmm. uhmmm sorry." hiyang wika niya na nasasamid pa sa ininom na tubig. Nagulat ang mga ito at nagtawanan. Natawa din si yssa. Nakita na naman niya ang dimple nito. Natulala siya sandali. "Ang cute niya talaga" wika niya sa isip. "Mark okay ka lang?" tanong naman ni joy. Napabalikwas siya at Nagmamadaling binalik ang tubig sa ref. "Kain na kayo labas na muna ko" paalam niya sa mga ito na nakayukong naglakad palabas. Sa likod ng bahay siya dumaan. May pinto kasi dito daan papuntang tindahan nila jane. Dumiretso siya sa kubo at doon naupo. "T*ngina nakakahiya" Bulong niya. Ano bang nangyayari sakin. Sa isip isip niya. Gusto niyang mapalapit sa dalaga pero paano? Kung ganun ang dulot nito sa kanya na parang nawawala siya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD