Chapter Three – Foxy

1806 Words
Gyiah's POV  "So ang ibig mong sabihin dapat magselos ako dahil ang pinsan ko inaahas ang girlfriend ko?"          I'm on my way to the dining hall when I stopped my steps upon hearing a male voice.          Who was that, Lucas or William? I couldn't help but smile.         "Are they still fighting over her?" I silently asked myself.         Maybe Arlene told them that I was coming. I am somehow annoyed that William's sister ruining my plan to surprise Taba.         But my annoyance increased when I heard another voice, a female one.         "Hindi ka naman dapat magselos, walang namamagitan sa amin ni William. Masyado lang talagang madikit ang pinsan mong ito sa akin."         Who's she? I continued walking and entered the dining hall.               William teased the girl. "Mukhang ikaw pa ang lugi sa ating dalawa niyan ha."          "Oo kaya." The girl said. "Ang gwapo kaya ng mahal ko kumpara sa iyo. Wala kang mata."         Lucas laughed. "You heard it straight 'insan, mas gwapo talaga ako sa iyo.         "Oo naman. Ikaw naman talaga ang mas gwapo." I butted in.         I'd been standing there but no one seemed to notice. Because of what? That girl! A plain-looking rag doll!         A side glance, I saw William was looking at me but I pretended that my eyes were focused on his cousin.         "I came as soon as I heard what happened to you. Kumusta ka na?" I lied and rushed to Lucas' side.         Arlene had briefed me about Lucas' current situation. But I just said that to come up with an excuse to be there.         Because I'm conscious of William's stares, I slightly stumbled into Lucas and to hide it, I pretended I missed Lucas that much, I had to put my arms on his neck as if I'm hugging him.         "Sandali, Miss." The ragdoll removed my arms from Lucas. "Nasasakal mo na siya."                  "Who are you?" I irritatingly asked.          "Ako ang girlfriend ikaw sino ka?" The ragdoll claimed.         "Girlfriend ko din siya." Lucas stood up and put his arm on my shoulder before introducing me. "Arianna, meet Gyiah siya ang naaalala kong girlfriend ko, Gyiah, meet Arianna, ang girlfriend ko daw ngayon sabi ni William."         "Ikaw talaga?" I raised my eyebrow.         How could that be possible? Lucas was one of the sought after leading man and was surrounded by beautiful girls. Although the ragdoll was not ugly, she's too plain. It's either Lucas had a poor taste or this was just a big joke.         "Hindi pwede." The girl stomped her feet on the floor.. "Ate Arlene, diba ako ang girlfriend."         I used to do that a lot before but more gracefully compare to her.          "He's just joking. Binibiro ka lang ni Lucas. Si Gyiah ay kababata nila ni William at ang pagkakaalam ko si William rito ang naging boyfriend niya dati hindi si Lucas. Kaya huwag ka ng umiyak at kumain ka na." Arlene said to the girl and then looked at me smiling.  "Umupo ka na rin dito Gyiah. Sabayan mo na kaming kumain."         "I'm still full kumain na ako sa bahay. But I'll sit na lang sa tabi ni Lucas." I pulled a chair and sat beside Lucas.         "Hoy," The ragdoll said to William. "Ilayo mo nga yung girlfriend mo ay Lucas dali."         I listened but William didn't respond. I didn't know why but I couldn't even look at William. What happened to my confidence? Why am I feeling a little flushed?         Darn!   William's POV "Oo naman. Ikaw naman talaga ang mas gwapo."         Hindi ko na kailangan na tignan pa kung sino ang nagsalita. That voice I would never forget. She's the only one I knew who had the tone of a princess but speak like a wicked stepmother.         Naramdaman ko agad ang presensya nito. Kahit na ilang taon na ang lumipas, naroon pa rin ang iritasyon kapag alam kong malapit lang siya sa akin. Kaya hangga't maari ay iniiwasan ko na makasama siya.         Every time I would be invited to an event, I would ask first the usherettes if she was included in the list of invites. And when I found out she's there, I would immediately leave. The world would remain to be a better place if we would stay out of each other's way.         "I'm still full kumain na ako sa bahay. But I'll sit na lang sa tabi ni Lucas." Naantala ang pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi niya. Tinasbihan niya si Lucas.         "Hoy," Sabi ni Arianna sa akin. "Ilayo mo nga yung girlfriend mo ay Lucas dali."         Hindi ko nagawang sumagot kasi naiinis ako.          She's acting as if nothing happened.          Bakit?         Don't tell me pati ito nagkaroon din ng amnesia. Uso ba ngayon yun at nagkalat ang mga nakakalimot. Buti na lang ako immune sa ganyang mga bagay. Kasi hanggang ngayon alam kom pa rin ang mga kalokohang ginawa niya sa akin.         I would never forget.         Never! Five years ago "Hi!" Bati ni Gyiah sa akin pag-upo niya sa harap ko.             Nag-angat ako ng mukha mula sa binabasang libro. Nasa library ako at kasalukuyang nag-aaral. Malapit na ang final exams ko kaya dibdiban ang ginagawa kong pag-aaral.          Inayos ko muna ang eyeglass kong suot at saka gumanti rito ng ngiti. "Hi!          Anong ginagawa mo dito?" Pabulong na tanong ko.                   "I'm looking for you." Naroon pa rin ang matamis niyang ngiti.          "Bakit?" Nailang ako sa pagtingin niya sa akin kaya ibinalik ko ang pansin ko sa librong binabasa. Kumuha rin ako ng panyo at pasimpleng pinunasan ko ang aking noo. Bigla akong pinawisan kahit na air conditioned ang buong library.          "Na-miss kita." Malambing na sabi niya.          Napangiti ako ng lihim sa narinig. Malabo nga ang mata ko pero malakas at maliwaw ang pandinig ko. Na-miss ako ni Gyiah. Natuwa ako.          Matagal ko na siyang pinapadalhan ng mga love letters at chocolates. Mula pa pagkabata ay kakilala na siya ng pamilya ko. Hindi magkalayo ang edad namin kaya noong mga bata pa kami ay madalas na siya ang kalaro ko. Pero dahil tatlong beses akong na-accelerate, sa ibang school ako nag-aral. Ngayon na lang uli kami nagkasama sa isang school, I am taking Proper Law while she was still studying a business course.          "May isusuot ka na ba sa graduation ball ninyo?" Naisipan kong itanong.          "I told you I miss you but you were asking me if I already have a dress?" She said teasingly. "Why don't we get out of here? Puntahan natin si Lucas." Yaya niya sa akin.          Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ko ang tingin niya. "Si Lucas? Bakit?" Takang tanong ko.          "Well." Nag-iwas siya ng tingin. "I think dapat isama natin siya kapag nag-celebrate tayo."          "Celebrate for what?" Tanong ko uli.         Instead of her answering my question, itiniklop niya ang librong binabasa ko.        "I won't tell you unless you come with me."        "Gyiah." Yumuko ako uli at binuksan ko muli ang binabasang libro. "Kung hihilingin mo ako na makausap si Lucas para pakiusapan siya na maging escort ng kaibigan mo. Huwag na lang. Sinabi ko na kay Lucas 'yan ayaw niya. May iba na raw siyang kasama sa graduation ball ninyo."        Dahil pareho ang course ng mga ito, both Lucas and Gyiah would be attending one graduation ball next week. Naikwento sa akin ni Gyiah na may kaibigan siyang matagal ng may gusto kay Lucas. Hindi naman iyon nakakapagtaka kasi lahat yata sa school nila maging ang mga classmates kong may mga edad na ay may gusto din sa pinsan ko. Mabuti na lang at si Gyiah lang ang nakakaalam na related sila ni Lucas.        I didn't brag about it because if I did, many would be pestering me. Ayaw kong magulo ang tahimik kong mundo. Ngayon pa nga lang ay wala ng tigil si Gyiah sa pangungulit sa akin. What more kung malalaman ng iba na pinsan ko si Lucas, lahat ay magnanais na gawin akong tulay para mapalapit kay Lucas.          "Look!" Luminga-linga si Gyiah. "Have you seen Kirsten around? Hindi iyon ang dahilan kung bakit gusto kong punatahan natin si Lucas."             "Eh ano nga, Gyiah marami pa akong kailaangang aralin."             Humalukipkip siya at sumandal sa upuan. "You're always like that, whenever I want to spend time with you palagi kang busy sa mga libro mo. Minsan naiisip ko kung totoo ba yung mga nakasulat sa mga letters mo sa akin o binobola mo lang ako."          Napalunok ako. Totoo madalas na iyon ang idahilan ko kasi naiilang akong kasama siya. Napakaganda kasi ni Gyiah samantalang ako ay mataba na, nakasalamin pa ng makapal. Pakiramdam ko hindi kami magandang tignan na magkasama.          Hindi ko masabi sa kanya ang tunay na dahilan kasi nahihiya akong aminin na sa kanya na alam kong hindi kami bagay. Kahit papaano kasi ay umaasa ako na baka pansinin niya  akosa kabila ng aking itsura.         "Don't ever doubt my feelings for you. I really adore you Ms. Ramos." Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya.        "Then if you really mean it. Punta na tayo kay Lucas so we can celebrate."         "Ano nga i-celebrate natin?" Tanong ko habang nilliigpit ko ang mga librong binabasa.        Gyiah leaned forward and whispered something.         "Ano?" Inilapit ko din ang sarili ko kasi hindi ko narinig ang sinabi niya.         "Yes!" Mahina pa ring sabi ni Gyiah pero narinig ko na.         "Yes?" Itinaas ko ang salaming dumudulas sa ilong ko.         "We will celebrate kasi, I am saying 'Yes' to you. Sinasagot na kita Liam."           Napatuwid ako ng upo at pakiramdam ko lumaki ang ulo ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko. Sinasagot na ako ni Gyiah?         I am only sending her love letters and we didn't actually talk about it face to face not until now. Then all of a sudden, she would be saying YES to me? Ngayon? Talaga?          I am hoping for this moment pero hindi pa ngayon, matagal pa. Kapag nakialam pa ang mga magulang namin. Iyon lang kasi ang naiisip kong way para kami magkatuluyan, ang ipagkasundo kaming dalawa.           Bakit parang hindi ka masaya?" Gulat na tanong ni Gyiah          "I am!" Nangiti ako. "Gusto ko ngang sumigaw ngayon sa tuwa at ipagsigawan na girlfriend na kita eh."          Nanlaki ang mga singkit nitong mga mata. "You wouldn't dare William!"          I laughed. She's really beautiful regardless if she's sad, happy or angry. Wala talagang mas gaganda pa sa... sa girlfriend ko.          Yes, she's now my girlfriend!   NOONG mga panahong iyon maisip ko lang na girlfriend ko siya ay sobrang saya ko na pero ngayon nagagalit ako, nagagalit ako sa sarili ko dahil nagpakatangga ako sa kanya. Naroon na ang mga signs na ayaw talaga niya sa akin. Bulag lang ako na makita ang mga iyon.          I was blinded by my love but not anymore, there's not even an ounce of affection left on my heart. So whatever reason she had for barging into Lucas life again, I didn't want to get involved. We're done!          My love for her was long gone.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD