Chapter 1
Gail's POV
"Napaka-walang hiya talaga ng asawa mo na yan. Tahan na nga at mas nadadagdagan ang inis ko sa kanya." inis na sabi sakin ni Rojaina habang pilit akong pinapatahan.
Nandito ako ngayon sa apartment niya at umiiyak dahil na naman sa kanya. Tatlong taon na mula nung ikasal kaming dalawa at tatlong taon na rin na ganito palagi ang senaryo namin.
Gabi-gabi nalang akong pumupunta dito sa bestfriend ko at gabi-gabi rin akong umiiyak. Muli na namang tumulo ang butil ng luha sa mga mata ko nang maalala kung bakit ako nandito.
Flashback
"You sure na walang makakaistorbo dito satin, honey?"
Bahagya akong natigilan ng makarinig ako ng boses ng babae galing sa sala. Kasalukuyan akong nandito sa kusina at naghahanda ng makakain dahil anniversarry namin ngayon. Pero mukhang nagkamali na naman akong magse-celebrate kaming magkasama dahil ibang babae na naman yata ang makakasama niya.
"Yeah, I already told you we're free to do everything in here." Rinig kong sabi ng asawa ko dahilan naman ng paghagikhik nung babae.
Mariin kong naipikit ang nga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Mabilis akong humugot ng malalim na hininga at saglit na pinakalma ang sarili. Kaya lang wala talaga siguro siyang puso dahil maya-maya pa'y nakarinig na ako ng ungol.
Nagpapakasarap sila ng babae niya kahit alam niyang nandito lang ako sa isang sulok ng bahay namin. Oo, bahay namin! Dito niya mismo dinadala ang mga babae niya sa sarili naming tahanan.
Hindi na bago ang senaryong ito sa aming dalawa pero parang hindi pa din ako masanay sa sakit.
"Y-yeah.. That's it! Keep doing that honey."
Mabilis kong naikuyom ang mga kamao ko ng makarinig ulit ng hagikhikan at sunud-sunod na ungol sa babae niya. Di ko na lang napansing nabitawan ko na pala ang hawak-hawak kong baso dahilan upang matigil sila sa kanilang ginagawa.
"What was that? I thought we're free to do everything in here?" Iritabling tanong ng babae niya na dinig ko pa din mula dito. Ramdam ko ang halong pagkabitin at inis sa boses niya.
"Oh, don't mind it. Nakalimutan kong.. ngayon pala ang balik nung katulong namin galing sa..pagdeday-off." Walang emosyong sagot ng asawa ko kaya di ko na napigilan ang kanina pang nagbabadyang mga luha.
Inis na kinuha ko ang mga bubog na nagkalat dahil sa narinig. Oo, katulong! Yun lagi ang pakilala niya sa akin pag nahuhuli ko sila ng mga babae niya. Hindi ko maiwasang magdabog dahil sa galit at sakit hanggang sa di ko namalayang nasugatan na pala ako.
Namutla ako nung makita kong nag-uunahan na sa pagtulo ang dugo sa mga daliri ko kaya di ko na napigilan ang mapasigaw.
"Ohhh! God, I want you so bad hone---"
"Aaaaaaaaaahhhhhhh!"
Wala na akong pakialam kung marinig man nila ako at maisturbo ko man sila sa kanilang ginagawa. Sobrang takot kasi ako sa dugo at di ko na napigilan ang sarili ko. Nararamdaman kong unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi na rin maitatago ang pamumutla ko dahil sa takot.
"Ano yun? Check it first, hon. Baka ano nang nangyari sa katulong mo. I'll just wait you in your room." rinig kong sabi nung babae.
Di ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako kasi mabuti pa yung babae nya, nag-aalala. Ewan ko nga lang kung ganyan pa din ang sasabihin at gagawin niya pag nalaman nya kong sino ba talaga ako sa buhay ng kasama niya ngayon.
"Tsk. Fine! Isturbo!" naiirita namang sagot niya dito pero wala na akong lakas para makinig pa. Nakaramdam ako ng sobrang hilo at tuluyan ng nawalan ng malay bago pa man siya dumating.
--
Nagising ako nang maramdaman kong may tumititig sakin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"Buti naman at gising kana. Ano na naman ba kasing katangahan ang ginawa mo at nasugatan ka! Kung hindi ka naman kasi tanga edi sana masaya sana naming pinagsasaluhan ni Janice ang kama ko." Galit na bungad niya sa akin.
So, Janice pala ang pangalan ng babae niya ngayon.
Iba na naman pala ang babae niya. Sabagay, parang di pa ako nasanay. At, ano daw? Hindi sila natuloy? Sa kama niya? Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako dahil sa nangyari.
"Di ka ba magsasalita jan? At anong nginingiti-ngiti mo jan? If I know, sinadya mo lang iyon para hindi kami matuloy." galit paring aniya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya pero agad ko ring binawi dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Alam kong galit na naman siya kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko.
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang paglapit niya kasabay ng mahigpit niyang paghawak sa baba ko habang pilit na pinapatingin sa kanya. Napangiwi ako sa sakit pero wala ng mas sasakit pa sa sunod kong narinig mula sa kanya.
"Ito ang tatandaan mo Justine at itatak mo jan sa kokote mo. Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi mo mababago ang pagtrato ko sayo kahit magpakamatay kapa at punuin ng sugat yang katawan mo." malamig na sabi niya bago marahas akong binitiwan at tuluyan ng iniwan sa kwarto.
"Hoy, ano ba Gail. Magsalita ka naman jan. Pinag-aalala mo ako lalo eh."
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Rojaina. Mabilis kong pinunasan ang walang tigil na pagpatak ng mga luha ko at saka humugot ng malalim na hininga.
"O-okay l-lang ako beh. S-salamat nga p-pala at p-pasensya kana k-kung pumunta na n-naman ako dito sayo na ganto ang itsura k-ko." Napapiyok na sabi ko sa bestfriend ko.
Mabilis naman siyang umiling at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Ayan na naman ang mga nagbabadya kong mga luha. Hinihimas-himas pa niya ang likod ko kaya mas nadagdagan pa lalo iyon.
Inaamin kong kahit papano nakaramdam ako ng comfort sa mga bisig ng kaibigan ko.
"Tahan na. Alam mo namang walang problema sakin yun. Ang hindi ko lang kasi maintindihan ay kung bakit tinitiis mong masaktan sa kanya kung pwede mo naman siyang hiwalayan." Inis na sabi niya sakin na di ko naman sinang-ayonan.
"Alam mo namang hindi ko pa kaya...sa ngayon! Sige na beh, uwi na muna ako. Baka kasi madagdagan pa ang galit sakin ni Jace pag nagtagal pa ako dito." Pagpapaalam ko sa kanya kahit alam kong wala namang pakialam yung asawa kong yun kahit di pa ako umuwi. Ni hindi nya man lang ako kinumusta kanina at basta-basta nalang iniwan dun.
Narinig kong bumuntong-hininga pang muli si Rojaina bago ako tuluyang binitawan.
"Oh sige pero mag-iingat ka ha? Text mo ako agad pagkauwi mo." Sumuko rin siya kalaunan at walang nagawa kundi ang ihatid ako sa labas ng pinto ng bahay nila.
"Sure beh. Salamat ulit!" Isang sinserong ngiti ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos sabihin iyon.
"Sige na beh, dito na ako. Pumasok kana dun. Tetext nalang kita mamaya. G'night." pamamaalam ko sa kanya bago ko siya binigyan ng mabilis na halik sa pisngi.
"Hihintayin ko nalang ang text mo mamaya. Sige na, gagabihin ka na masyado. Ingat ka pauwi beh. Goodnight."
Kumaway pa muna siya bago tuluyang pumasok. Agad naman akong nag-abang ng taxi at sumakay.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay agad akong dumiretso sa kwarto naming dalawa. Naabutan kong mahimbing na siyang natutulog.
Haays! Wala talaga akong maasahan kahit konting pag-aalala mula sa kanya.
Mapait akong ngumiti at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga bago pumasok sa banyo. Nang matapos akong magbihis ay agad akong tumabi sa kanya. Pinagmasdan ko siyang mabuti at di ko napigilang halikan siya sa noo. Mapait ulit akong napangiti at..
"Happy 3rd anniversarry sating dalawa Jace. Iloveyou." bago tuluyang napapikit.
A/N:
Ayun, paki-support po ng story kong ito at sana po magustuhan niyo ??