Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. My head badly hurts!!!
Hindi ko na masyadong tanda ang mga nangyari kagabi but one thing I am sure of... nagtalo na naman kami ng asawa ko at wala ng bago dun.
Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko. Papano sila nakauwi? At anong oras? Pinatapos ba nila ang party?
D*mn! I feel so guilty!
Iniwan ko sila roon dahil sa magaling kong asawa!
Mabilis akong bumangon sa kama ko at dali-daling hinanap ang cellphone ko. I need to call them,atleast!
Sapu-sapo ko ang ulo ko habang hinahalughog ko ang aking pouch. Pero agad rin akong napatigil ng masulyapan ko ang dalawang piraso ng Advil sa may mesa ko.
Napatigil ako sa ginagawa at agad kong binasa ang nakadikit na maliit na note sa gilid niyon.
Drink this for your hangover!
P. S. Wag mong bigyan ng kahulugan. Andito tayo kina Mommy. Ayoko lang mag-alala sila sayo.
Napabusangot ako pagkatapos kong basahin ang huli niyang mga sinabi.
A little concern won't hurt him! Why does he need to be so griddy? Konting pag-aalala lang hindi pa niya maibalato saken. Haaays!
Padabog kong kinuha ang gamot at mabilis iyong ininom. Masama man ang loob kong tanggapin yun, pero di ko maitatangging kailangan ko to ngayon. Hangover really sucks like hell!!
And so is Jace!!!!!
Inabot ko ang phone ko at agad kong tinawagan ang mga kaibigan. I badly owe them an apology.
Lahat naman sila ay naiintindihan ang sitwasyon ko. Thank God they didn't made it as a big deal!
---
“How are you feeling, hija? ” Napabalikwas ako ng marinig si Mommy galing sa kusina.
Nandito ako ngayon sa sala, trying my luck na makita pa ang asawa ko sa gantong oras. Pero parang di pako nasanay. Malamang maaga na namang umalis yun.
“I'm okay now, Mom! Just a little hangover but I took some meds na. ” I shyly smiled at her.
Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa Mommy ni Jace. Sobrang lambing nya magsalita at super mabait. Ganun din si Dad thu makikita mo sa aura nya ang autoridad at pagka istrikto.
“Good for you then. Halika sa dining at nagluto ako ng binakol! Tamang-tama yun sa hangover mo. ”
Di pa ako nakakasagot ay excited na akong hinila ni Mommy sa dining room.
Malaki ang dining room nila. The long dining table speaks dollars. Ganoon din ang mga iba't-ibang kubyertos at lahat ng kasangkapan na makikita.
Pagpasok namin ng dining ay nagulat ako nang magtama ang mga mata namin ng asawa ko.
H-he's still here?
“Good morning, hija! Gising kana pala. Tamang-tama, join us for breakfast.. ” anang Daddy ng makita kami ni Mommy.
“G-good morning po Dad. Sorry po at medyo na-late po ako ng gising. ” Nahihiya kong bati kay Dad.
“It's okay. Maaga lang talaga kaming nagising ng Mommy mo ngayon. Jace, why not greet your wife a beautiful morning? A simple greetings won't hurt you. ” Pasuyang sabi ni Dad sa asawa ko na parang hindi man lang ako nakita.
Saglit namang tumigil si Jace sa pagkain at casual akong binati ng "Good morning" ni hindi man lang ako tinignan!!!!! As in, ni hindi man lang ako nilingon!!!!!
Mabilis naman akong inalalayan ni Mommy patungo sa upuan ko ng mapansin ang awkwardness sa amin.
“Nakuuuu, gail! Tikman mo ang niluto kong binakol. Maigi yan sa hangover mo. ” pag-iiba ni Mommy sa topic bago pa mapunta iyon sa kung saan.
“Thankyou, Mom. Thanks din po, Dad. ” pormal na sabi ko.
Ngumiti si Mommy sa akin samantalang isang simpleng pagtango naman ang iginawad ni Daddy sa akin.
Tahimik kaming apat sa hapag-kainan pagkatapos nun. Si Mommy lang ang nagsasalita maya't-maya para lang may mapag-usapan habang kaming tatlo naman ay pare-parehas walang kibo.
Natapos kaming kumain na halos kwento lang ni Mommy tungkol sa party ang maririnig.
Naunang mag-excuse si Daddy na hindi pa yata nangangalahati sa kinakain at sumunod namang umalis ay si Jace.
Naiwan kami ni Mommy dahil tinulungan ko syang magligpit pagkatapos.
“Hindi ka parin ba tinatrato ng maayos ni Jace,anak?” si Mommy.
Saglit akong natigilan doon. Muntik ko ng mabitawan ang hinuhugasan kong baso kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ko.
“No,Mom! Wag na po ninyo kaming intindihin ni Jace. Ayos lang po kami. Ayos lang po ako. Ganun din po sana si Daddy. Ayokong masira ang relasyon nilang mag-ama dahil lang sa problema naming mag-asawa.” malungkot na sagot ko sa kanya.
Jace and his Dad were used to be best buddies before our marriage. Nagsimula lamang magbago iyon pagkatapos kong maikasal sa kanya. I know that Dad didn't like the way how Jace has been treating me.
“I know, hija. Sorry kung nanghihimasok kami sa inyong mag-asawa. Your Dad and I just wanted what's the best for you both and your marriage.” malungkot na explanation ni Mommy na ikinalungkot ko din.
How I wish things would be so easy for me and Jace. Sana ganun lang kadali ang lahat tulad ng ibang mag-asawa. Sana ganun lang din kadali ang maging masaya para sa aming dalawa.
I sighed deeply.
“Thanks,Mom. I know it won't be as easy as 123 but I am working it out. I'm always doing the best thing I can para sa marriage namin. Thankyou po sa lahat ng suporta ninyo ni Dad.” I sincerely hugged Jace's Mom as if it could take away all of my pains and struggles.
“You're always welcome,anak!” She said as she hugged me back.
---
Umuwi ako sa bahay namin ni Jace after our breakfast.
I let myself rest the whole day dahil na rin sa hangover ko.
Hapon na ng magising ako. It's 5pm already! Jace will be home at 7pm kaya dali-dali akong bumangon upang makapaghanda ng hapunan!
Gaaaad! I never thought na mapapasarap ang tulog ko ng ganun kahaba!
I prepared his favorite Pork Sinigang! It's 6:30pm and I am already hungry! Hindi ako nakapag lunch dahil napasarap ang tulog ko.
Pawis na pawis ako galing sa pagluluto kaya napagdesisyunan kong maligo nalang muna. Malapit na rin namang umuwi si Jace kaya hihintayin ko nalang para sabay na kaming kumain.
Saktong katatapos ko lang maligo nang marinig ko ang pagparada niya ng sasakyan. I wear my short shorts and sleeveless as my usual pambahay.
I also put a small amount of powder and a liptint. Hellow, ayokong magmukhang haggard sa harap ng asawa ko, no!
Pababa na ko ng hagdan ng makarinig ako ng mga nagtatawanan! Looks like my husband isn't alone!
Jace is with his colleague. Mula dito sa hagdanan ay kita kong may kasama siyang isang babae at isang lalake.
Kung tama ang pagkakatanda ko, he's with Kyla and Stevan. Kyla is the Head of Accounting Department while Stevan is his sort of Bussiness Partner s***h Close Friend.
“Wow, pare may kasama ka palang chix dito.” masiglang sabi ni Stevan nang masulyapan akong pababa ng hagdan.
I shyly smiled at him dahil hindi ko alam kung papano sya babatiin.
I saw how Jace's body stiffened. I don't know why but I think he was just shocked by Stevan's reaction upon seeing me.
Nakita ko rin kung pano natigilan yung si Kyla. Palihim niya akong tinaasan ng kilay at mabilis na inangkla ang kanyang kamay sa braso ng ASAWA.KO.
“Ang OA mo naman Stev.Siguro isa lang sa mga pinsan o relatives na babae,right Jace?” she said in a very plastic and flirty tone.
Halos idikit na rin niya ang kanyang boobs sa katawan ng asawa ko!!! Kunwari pang mabait dahil siguro akala niya talaga ay kamag-anak ako ng lalaking dinidikitan nya!
Right here and now, I just wanted to slap on her face kung ano ako sa buhay ni Jace nang mahimasmasan sya!
“She's not my cousin or any of my relatives.” Jace's plain explanation na nagpakulo pa lalo ng dugo ko!
He's giving her a false hope!
Nakita ko namang napangisi ang Kyla at mas lalong hinigpitan pa ang pagkapit sa asawa ko.
“Then maybe your....maid?” She said more than a question then smirked at me.
“The dinner is ready.” I told them as if they're not insulting me.
Wala akong pinakita ni anong emosyon sa mga mukha ko. I just stared at him with a blank expression at mabilis silang tinalikuran.
Nagbabadya na ang mga luha sa mga mata ko na animu'y anumang minuto ay tutulo na ang mga iyon.
Bakit ba hindi pa ako nasanay? What do I expect from him? Ipapakilala niya ako bilang asawa niya? Ilang beses niya na ba akong ipinakilala bilang housemaid niya sa iba't ibang babae? This one is just one of those times I think.
Nanghihina ang mga tuhod kong naglalakad patungo sa kusina kung saan ko pinangarap na magsalo sana kaming dalawa ng hapunan.
Mapait akong napangiti.
Maybe, I should train myself more. Maybe things will stay the same as how it was from the very beginning.
“Pero seryoso,pare! Hindi mo man lang ako inabisuhan na meron ka palang maganda at sexyng maid dito sa buhay mo!” Tinig iyon ni Stevan na papalapit na dito.
I silently calmed myself!
“Eww, Stev! Ang baba naman ng standards mo!” panunuya pa ni Kyla habang nakikipagtalo kay Stevan.
Muli na namang nagbabadya ang mga traidor kong mga luha.
I wanted to defend myself! Gustung-gusto kong depensahan ang sarili ko laban sa mga pang-iinsulto ng mga kasama niya pero hindi ko magawa! Nasasaktan ako! Naiiyak ako sa mga salitang binibitawan nila laban sa pagkatao ko.
And what's more painful is that my husband is just standing there doing nothing! He doesn't care of everything! He doesn't really care of how I'll feel. He doesn't care......about me!
I immediately wipe my tears away of that thought!
Dinagdagan ko rin ang mga kubyertos na nasa dining table namin mula sa dalawa at ginawa iyong apat.
I take the sit in front of Jace's. Nakayuko lang ako habang kumakain. Beside him is Kyla while beside me facing Kyla is Stevan.
Nagpatuloy sa pagtalo ang dalawa tungkol sa mababang standard ni Stevan habang kaming dalawa naman ni Jace ay parehas na tahimik lang.
“If I were you Stev, I wouldn't have that low standards of yours. Look at Jace! He's more than of that pretty face and a rich bachelor. He's also kind-hearted. Look at his maid, higit pa sa katulong ang turing niya. Kung sa ibang tao to, hindi nila hinahayaang makisabay sa mga amo kung kumain.” Mahabang litanya ni Kyla dahilan upang parehas kaming mabulunan ni Jace.
W-what the hell?!!
Talagang namumuro na ang babaeng ito ah! Mabilis akong uminom ng tubig at ganun din si Jace. Halos magkasabay lang kami sa pag abot ng kanya-kanyang baso.
Lihim kong kinuyom ang mga kamao ko dahil sa inis!
“Your mouth, Kyla! You're crossing the line!” asik sa kanya ni Stevan.
“Don't mind her,Miss. You're more than anyone they think you are.” Stevan gently said to me.
Ipinatong niya pa ang kanyang kamay sa mga kamay ko.
I forced a smile to him at mabilis na binawi ang mga kamay ko.
Nakita ko naman ang pag igting ng mga panga ng taong nasa harapan namin pero di ko iyon binigyan ng pansin.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at akmang aalis na nang pinigilan na naman ako ni Stevan sa mga braso.
“Tapos kana ba? Hindi pa kami tapos kumain. Hintayin mo na kami para sabay-sabay na tayo.”
Napatingin ako sa mga kamay niya na nakahawak na naman sa mga braso ko.
Wala akong nagawa kundi ang muling umupo sa harap niya para hindi na humaba pa ang usapan.
“Masarap ka palang magluto. Alam mo bang isa yan sa mga gusto ko sa isang babae. Maganda, sexy, masarap.....” sabay kindat sa akin! Gross!
Nabilaukan na naman si Jace at mabilis na uminom ng tubig!
This.is.making.me.uncomfortable.
Jace is now glaring at him!
“What?! Come on, dude! What's with that look? If I were you, sasahodan ko ng mas mataas tong katulong mo. Plus may bonus pa sya saken gabi-gabi...
Hindi na natapos ni Stevan ang sasabihin nang biglang ibinagsak ni Jace ang kanyang baso sa mesa. Naglikha iyon ng ingay na ikinatahimik naming lahat. Kahit si Kyla ay umurong ng konti dahil sa kaba at gulat.
Jace is now fuming mad while I am here shaking!
Tears rolled down in my cheeks. That's below the line already. I have too much insult in my plate for today!
Ang sakit! Sobrang sakit na makarinig ng mga insultong alam mong hindi mo naman deserve! Kung karaniwang panlalait at pang-iinsulto siguro ay matitiis ko pa. Pero ang mabastos ng ganto ay hindi ko alam. Hindi ko matatanggap.
I immediately stormed out without looking back at them!
My heart is aching so bad that I can't take!
“Next time you'll throw a word to my wife, I'll throw a punch to your face, Saavedra!”
I don't know if I heard it right but I don't care!
All I want for now is to stay away from here...