Ramdam kong anytime ay tutulo na ang luha ko pero pilit ko iyong pinigilan. Huminga ako ng malalim atsaka lalampasan na sana siya para hindi niya makita kung gaano ako nasasaktan.
How come he'll think na naglandi ako when in the first place, siya yung gumagawa nun.
Napailing-iling nalang ako at akmang lalampasan siya nang marahas niya akong hilahin sa mga braso ko.
"Ano ba? Pwede bang wag muna ngayon, Jace? Pagod ako. Bukas nalang tayo mag-usap." pigil ang inis na sabi ko.
"At san ka napagod, ha? Jan sa paglalandi mo? Pinagod ka ba ng sobra ng kalandian mo?" galit niyang sigaw sa akin kaya napaigtad ako. Napakalapit rin namin sa isa't-isa dahilan ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Kita ko ang magkahalong inis at galit sa mata niya pero pinilit kong lakasan ang loob ko.
"And why do you care? Kailan kapa nagkaroon ng pakialam sa kung anumang gawin ko? At ano naman sayo kung masyado akong pinagod ng kalandian ko?" Galit ko na ring sigaw sa kanya atsaka inis na iwinaksi ang mga braso niya. Pansin ko rin ang pagkagulat sa mukha niya marahil ay dahil sa pagsigaw ko. His jaw clenched at my sudden voice.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sigawan siya. Dahil narin siguro sa nakainom ako o sa halo-halong nararamdaman. Nakita ko kung paano ulit umigting ang panga niya dahil dun.
Itinulak niya ako dahilan upang muntik na akong matumba. Mabilis akong kumapit sa hamba ng hagdan upang dun kumuha ng suporta.
Hinawakan niya ang baba ko at pinilit akong pinatingin sa kanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa magkahalong pagka-ilang at kaba.
"Baka nakakalimutan mong asawa pa rin kita. Wag na wag kang magkakamali na gumawa ng dahilan upang mapahiya ako. Dala-dala mo parin ang apelyido ko. Wag kang magkakamaling idawit ako sa kahihiyan." mariin niyang sabi habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakahawak at pagkakadiin sakin.
So, all this time ang kahihiyan niya lang pala ang inaalala niya. Bakit ba kasi ako umaasang may pakialam pa siya sakin? Sobrang tanga ko! Di ko na namalayan na tumulo na pala ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"W-wag kang mag-alala. Wala akong gagawin para mapahiya o madawit ka sa anumang mga pinaggagawa ko dahil sa labas ng bahay na ito, ako si Gail Justine Bejemino. I'm not your wife and I'm not carrying your surname if that's what's bothering you." pilit kong nilakasan ang loob ko habang sinasabi ang mga iyon.
Nakita ko namang natigilan siya saglit kaya sinamantala ko na iyon para makawala sa kanya. Mabilis kong inalis muli ang mga kamay niya bago siya tinalikuran nang may bigla akong maalala kaya nilingon ko ulit siya.
"And to give you the satisfaction. Yes, I enjoyed his performance." I said as I continue walking to our room.
Narinig ko pa ang mga malulutong niyang mura habang paakyat ako sa kwarto namin pero hindi ko na iyon binigyang pansin.
Pagkarating ko sa kwarto namin ay mabilis kong tinungo ang banyo at mabilis na naligo bago ako tuluyang humiga sa kama namin. Wala na rin akong narinig pa kaya akala ko ay umalis na naman siya.
Mabilis kong pinahid ang mga luhang namamalisbis sa magkabilang pisngi ko at pinilit ang sarili na makatulog.
--
Kinaumagahan ay maaga akong nagising kahit na sobrang sakit ng ulo ko dahil sa ininom. Gayunpaman, pinilit ko ang sarili ko para makapagluto na ng almusal.
Hindi ko alam kung sasabay ba sya sa aking kumain pagkatapos ng sagutan namin kagabi pero nagkasagutan man kami o hindi, nasanay naman na akong kumaing mag-isa.
Ipinagkibit-balikat ko nalang ang iniisip at nagpatuloy sa paghahanda.
Saktong tapos na ako sa pagluluto at kasalukuyang nag-aayos ng mesa ng makarinig ako ng mga yabag.
Bumungad sakin ang bagong ligong asawa ko na walang emosyon na naman ang mukha.
"Kumain kana. Nakapagluto na ako ng almusal mo." pormal na sabi ko sa kanya pero wala na naman akong nakuhang sagot mula dito.
Umupo siya sa dati niyang puwesto na medyo ikinagulat ko. Mabilis kong nilagyan ang plato nya ng kanin at ilang piraso ng bacon.
I could clearly smell his manly scent sa sobrang pagkakalapit namin. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa iyon pero pinilit kong hindi magpahalata.
Malamig niya lang akong tiningnan habang ginagawa ko iyon. Nilagyan ko pa muna ng tubig ang baso niya bago tuluyang umupo sa kaharap niyang upuan.
Pareho kaming walang imik ngayon habang kumakain nang basagin niya ang katahimikan.
"Prepare yourself before 6pm. Tumawag sakin si Mommy at iniimbitahan niya tayo sa anniversarry nila ni Dad." malamig ang boses na aniya.
Tumango na lamang ako dahil wala rin naman akong sasabihin pa.
"And don't expect that I'll fetch you. May sarili kang kotse at alam kong alam mo naman ang daan papunta dun." walang emosyong dagdag pa niya at ayan na naman ang kirot sa dibdib ko.
"D-don't worry I can handle myself. Atsaka..ahm..p-pwede ba akong magsama ng mga k-kaibigan?" tanong ko sa kanya habang nakayuko.
Kinakabahan pa rin kasi ako baka magalit na naman siya. Lumakas lang ang loob ko kagabi na sagut-sagotin siya siguro dahil nakainom ako.
"Bring anyone you want, I don't care." sabi niya bago mabilis na tinapos ang pagkain at iniwang mag-isa sa hapag without bidding a goodbye.
Mapait akong napangiti dahil sa inakto at sinabi niya. Wala talaga siyang pakialam sa akin at sa mga ginagawa ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at niligpit na ang pinagkainan namin. Napagdesisyonan kong maggo-grocery nalang ako ngayon dahil paubos na rin ang aming stocks.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas bago tinungo na ang banyo upang maligo.
Isang denim shorts lang ang sinuot ko at simple V-neck shirt para kumportable ako. Itinali ko ang buhok ko at agad nilisan ang bahay gamit ang porsche ko.
--
Pagkarating ko sa mall ay dumaan muna ako sa Women's section at napagpasyahang bumili ng damit para mamaya. Maghahanap narin siguro ako ng pupwedeng pang anniv gift ko kina Mommy at Daddy.
Kukunin ko na sana ang nakita kong dress nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko.
"That'll look good on you."
Mabilis kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses at natantong si Froilan iyon.
"Oh hi, Froi! Bakit ka nandito?" manghang tanong ko sa kanya at tuluyan ng kinuha ang black tube na dress.
Nakita ko namang napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya. Pinipigil ko naman ang tawa ko dahil sa reaksyon niya.
"Ahm.. Ano.. Kasi.." parang hindi niya alam ang sasabihin niya habang nakayuko kaya hindi ko na napigilan ang matawa.
Napa-pout naman siya dahil sa pagtawa ko kaya mas lalo akong nacute-tan sa kanya. Tatawa-tawa pa rin ako kaya mas lalo siyang napasimangot. Haha!
"Ooo-kay, I'll stop. Haha. Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko sa kanya at pilit na pinipigilan na namang matawa. Knowing na women's section ito at dun pa sa kabila ang panlalaki.
"Ahmm.. K-kasi m-may pagbibilhan s-sana ako eh. Kaya lang sakto namang nahagip ka ng mga mata ko kaya nilapitan na kita. I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" kakamut-kamot sa batok na aniya.
"Ganun ba? Well, bibili sana ako ng dress. May pupuntahan kasi akong party mamaya kaya ako nandito at para na rin makapag-grocery." sagot ko naman sa kanya habang inaabot sa sales lady ang size ko.
"Wait lang Froi ah? Fi-fit ko lang to tapos samahan na kita sa kung anuman ang bibilhin mo." sabi ko sa kanya at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
Mabilis kong tinungo ang fitting room at sinukat yung damit. Napangiti ako sa repleksyon ko nang makitang saktong-sakto sakin ang sukat nun. Kitang-kita ang kurba ko sa damit na napili at mas lalo akong pumuti dahil sa kulay ng damit.
Lumabas ako saglit para ipakita iyon kay Froilan na ngayon ay nakatalikod sa pwesto ko.
Kinuha ko naman agad ang atensyon niya.
"Ahm.Froi! How do I look?" Bahagya kong nilakasan ang boses ko para siguradong marinig niya ako.
Agad naman niya akong nilingon at napansin ko ang paghanga sa kanyang mga mata. Lihim akong napangiti ng makita ang satisfaction sa mga mata niya.
Saglit pa siyang natahimik bago siya nakabawi at nag-iwas ng tingin. Ewan ko ba kung tama yung nakita kong....namumula siya.
"Y-yeah.. It..i-it looks good on you." sabi pa niya habang di parin makatingin sakin.
Nagkibit-balikat nalang ako atsaka pumasok ulit sa fitting room upang hubarin iyon.
Pagkalabas ko'y agad kong nilapitan si Froilan at ganun na lamang ang gulat ko ng mahagip ng mata ko ang hindi inaasahang tao. Saglit na nagtama ang mga mata namin.
Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko at nakita kong dun nagtagal ang tingin niya sa mga kamay namin ni Froilan.
Mabilis ko namang inilayo ang mga kamay ko. Di ko kasi napansing napahawak pala ako sa kamay ni Froi kanina dahil sa sobrang excitement.
"Hon! Anong problema? Kanina pa kita tinatanong ah!" rinig kong tanong nung babaeng kasama niya sabay pulupot ng kamay sa braso ng asawa ko.
Agad niya namang binawi ang tingin nya sa amin atsaka binalingan ang kasama niya.
"Oh sorry. What is it again?" di ko na sila pa pinansin.
Nakaharap parin sila sa amin. Si Froilan naman ay kinuhang muli ang mga kamay ko at siya na mismo ang naglagay nun sa braso niya.
"Kilala mo ba sila Gail?" tanong sakin ni Froi ng mapansing napatagal ang titig ko sa kanila.
Kinindatan niya ako na parang nagsasabi na sakyan ko lang ang trip nya. Siya man ay nagulat din ng makita ang asawa ko.
Batid kong narinig din iyon ni Jace dahil kita kong natigilan din siya sa tanong ni Froilan.
Ngumisi ako kay Froilan sabay iling.
"Nope. Hindi ko sila kilala." nakangiting sagot ko sa kanya at ako na mismo ang humila kay Froi palayo doon.
Pero bago ko pa man magawa yun ay napansin ko ang pag-igting ng mga panga ni Jace kasabay ng pagkuyom ng mga kamao niya.
“Whoaaaa! That was fantastic!” sigaw ko ng makalayo-layo kami sa kanila at sabay pa kaming nag-apir na dalawa!
“Nakita mo sana ang reaksyon ng asawa mo, Gail! Hahaha. That was priceless!” dagdag niya na mas lalong ikinatawa namin.
I know it's somewhat rude but I don't care!
Tinitiis kong mag-grocery mag-isa dahil akala ko'y busy sya sa kompanya but there he is. Busy with that lady. Argh!
I sighed out of frustration!
Froilan and I continued catching up hanggang sa magutom kami parehas. Napagkasunduan naming kumain sa isang Korean Resto dito lang din sa loob ng mall.
Sinamahan nya akong mag-grocery pagkatapos naming maglunch dahil saka nalang daw niya bibilhin yung sa kanya.
“Thanks for today, Froi! ” I said genuinely.
“You're always welcome, Gail! Anytime!” he said and smiled at me.
“Nga pala, bago ko pa makalimutan. Gusto ko sanang imbitahin ang buong tropa para mamaya.” I said as I remember the party.
“Bakit? Anong meron? Wag mong sabihin na pakakasal ka ulit sa gag*ng yun?” he try to laughed after his question.
I know na lahat sila ay hindi sang-ayon sa naging desisyon kong pagpapakasal kay Jace.
“Loko! Wedding Anniv nila Mommy at Daddy nila Jace. Ayoko namang magmukhang OP dun sa party kaya gusto ko sana andun din kayo.” I almost plead him.
“Sus,yun lang pala eh! Sige ako na ang bahala sa mga yun. So, see you there?” He finally said.
“Sure! See yah! Bye Froi! ” I waved him a goodbye.
Nagpaalaman kami ni Froilan at naghiwalay na. Magkikita pa naman kami mamaya and I'm so excited to be with the whole group.
Sumakay ako sa porsche ko at may ngiti sa mga labi habang tinatahak ang daan pauwi ng bahay.