bc

SA NGALAN NG PAG-IBIG [Temptation Series 1]

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
heir/heiress
drama
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Father Lance is an Heir, but he chosed to escaped from his family to pursue his dream. He dreamed to become a priest since he was a kid. He is religious, brave and a faithfull servant of God, but his life and faith started to stir up when he met her. The battle of his faith started when he became attached to Catherine Elaine Yanka, a fourth year college student who has a broken life and a broken heart.

Matalino, matapang, at may paninindigan si Father Lance, pero sapat na kaya iyon upang malabanan niya ang temptasyon na dulot ni Catherine? Paano kung puso na ang magdikta, aatras pa ba siya o tuluyan na niyang isusuko ang kaniyang pangarap, sa ngalan ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter1
"Paano kung sa isang pari pa tumibok ang iyong puso? Ano ang kaya mong gawin upang siya'y iyon maangkin?" What a nonsense question! Napa ismid ako ng palihim at inirapan ng bahagya si ma'am Shayne. "I want to hear something from Eya." Biglang nag-init ang ulo ko nang marinig kong tinawag niya ako. Tumayo ako at seryosong tumingin sa kaniya. "Kung sa pari man ako umibig, ano pa ba nga ba ang gagawin ko? Siyempre aakitin ko siya, para mapa sa akin." Tumawa ako ng mahina at lumingon sa likod kung saan naka upo si Father Lance, ang bagong pari na ipinadala dito sa bayan namin. "Catherine Elaine Yanka!" Tinaasan ako ng boses ni ma'am at tila nanlilisik ang mga mata nito dahil sa galit sa'kin. "To the guidance office now!" "Oy, Eya. Pumaparaan ka para maka-chansing kay Father Lance." Kinurot ako ni Savanna, ang praning kong bestfriend. "Kita mo, sa akin ang bagsak ng paring iyan. Pustahan pa tayo," wika ko at kinindatan ito bago ako tuluyang lumabas ng classroom namin. "So, you are Catherine Elaine Yanka, or Eya? Ikaw pala 'yong sinasabi nilang bully ng Elientro University," ani ng pari habang naglalakad kami patungo sa guidance office. "Talagang sikat na talaga ang pangalan ko, kaagad umabot sa'yo ang balita, Father. Ikaw ho ba, naniniwala ka sa chismis na iyan?" Tumawa siya saglit. "Hindi. Wala sa itsura mo ang maging bully." Binuksan niya ang pinto ng office at pinapasok ako. "Ilang taon ka na nga pala?" "I'm 22 years old, Father. Ikaw ba, ilang taon ka na? As far as I know, hindi malayo ang agwat natin." Siyempre hindi ako papatalo. "I'm 25 years old, Eya." Naupo siya at humarap naman ako sa kaniya. "Nabigo ka ba sa pag-ibig kaya ka nag pari?" Walang paligoy-ligoy kong tanong. "Hindi. Pangarap ko talagang maging pari, ang maglingkod sa ating Panginoon." Wow. Kinabahan naman ako, banal nga pala ang kaharap ko. "Father, sabi nila you can heal wicked souls. Can you also heal my heart?" Tila ba'y nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya kaagad nakapagsalita at nag-iwas ng tingin. "Siyempre biro lang po, Father. Baka mamaya hindi ako papasukin nito sa paraiso." "Kinabahan ako sa sinabi mo, akala ko kung ano na." Nakahinga siya ng maluwag kaya natawa ako. "So, nandito ka ngayon dahil ano nga ulit?" "So far, hindi ko naman alam ang kasalanan ko, Father. You witnessed the whole scene, right? Tinanong lang naman ako ni ma'am kaya sumagot ako." "May mali kasi sa sagot mo, maybe na mis-interpret niya," aniya at ngumiti. "Masyado ka palang palabiro kaya inaakala ng lahat na bully ka, napaka seryoso mo kasi habang nagsasalita." "Seryoso po ako sa sagot ko kanina. Hindi ho 'yon biro." Nagbuntong-hininga ako. "Kayong mga pari, oo nga't banal kayo pero alam ko ang kahinaan niyo. Kaya kapag nagka interes ako sa pari, talagang aakitin ko." "Nawa'y maliwanagan ang iyong isipan," aniya habang nakapatong kamay sa ulo ko. Lay hands ba ang tawag dito? Ul*l, akala ba niya madadala pa ako sa mga ganiyan. "Kasalanan iyon, Eya. Hindi tao ang magiging kalaban mo kun'di ang Diyos." "Bakit Father, may sinabi ba sa Bible na bawal mag-asawa ang mga pari? Tingnan niyo naman ang ibang relihiyon, ang mga pastor ay pweding magpamilya. Besides, may kaklase nga ako na anak ng iaanf misyonaryo." Sasagot na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto. Kaagad niya naman itong pinagbuksan at namumulang mukha ni ma'am Shayne ang bumungad sa'min. "Come to my office, Eya!" "Ma'am, hindi pa ho kami tapos mag usap," ani ni Father Lance. "Naku Father, hindi ka kakausapin ng matino ng babaeng ito. Ako na ang kakausap," ani nito at hinala ako palabas. Pagkarating sa opisina niya at kaagad kong narandaman ang mabigat niyang palad sa aking pisngi. I am expecting this already. "You've cross the line again, Eya! Alam mo bang ipinahiya mo ako?" aniya habang dinuduro ako. "Talagang malandi ka nga!" "Saka mo na lang akong sabihan na malandi kapag laspag na ako, Ma." Hinarap ko siya ng buong tapang. "Kanino pa ba nga ba ako mag mamana, isa lang naman ang ina ko... at ikaw 'yon. You left dad because of your baby boy, right?" Akmang sasampalin pa niya ako uit pero nahuli ko ang kamay niya. "Sampalin mo pa ako ulit, talagang aalingasaw ang baho mo." "Wala kang utang na loob, Eya. I am your mother!" "Kailan mo ba akong tinuring na anak? Are you really my mother? Ni isa nga sa mga kaklase ko walang alam na nanay kita eh. Walang may alam na anak mo ako, kun'di ikaw, si daddy, ang kabit mo at ako lang." "It's because your dad ask me a favor!" "No. Ikinahihiya mo ako, kaya ganoon. Si daddy nga hindi ko alam ang pangalan, ni kahit kailan di ko pa nga narinig ang boses. If you where on the same shoes that I have, what would you feel, ma?" "Eya, we are doing this for your own safety." Hinawakan niya ang kamay ko pero dali-dali ko itong tinabig. "Ang maghanap ng ibang lalaki na halos ka edad ko lang, ma? Para pala sa safety ko 'yon?" "Because your dad couldn't love me back. You don't know the real story, so please stop judging me!" "And you also don't know my pain. Pareho lang tayo ma, kaya sana maintindihan mo ako. Ayaw mong paki-alaman kita, huwag mo din akong paki-alaman, as simple as that!" Lumabas na ako sa opisina niya at naglakad pauwi. Wala na akong ganang pumasok pa sa araw na 'to. "You don't have class?" Kusang nagsalubong ang mga kilay ko ng panibagong buwesit na naman ang sumalubong sa'kin. "None of your business!" Tinulak ko siya upang makadaan ako pero hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay ko. "I'm your dad now, Eya." "Dad? Wow naman Gez, talaga ba? Dad mo mukha mo, kahit kailan hindi kita matatangap bilang dad ko. Never!" "Dahil sa nakaraan natin? Come on, mahal ko ang mama mo, Eya." "Alam ko, mas mahal ka nga niya kaysa sa'kin. Kayo na lang magmahalan, alisin niyo na lang ako sa mga buhay niyo. Total pareho naman kayong cheater!" "Sorry Eya. Hindi ko naman talaga alam na mag ina pala kayo." "G*go ka! Kahit hindi man kami naging mag ina ganoon pa rin 'yon. Manloloko ka pa rin, manggagamit ka!" Tinangal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko at tumakbo ako patungo sa simbahan. Naupo ako sa may bench at tumingala, kung nandito ba ang daddy ko mamahalin kaya niya ako? "May problema ka, kaya ka narito." Napalingon ako sa nagsalita. Natuwa naman ako nang muli kong masilayan si Father Elon, ang taga payo ko at ang tanging nakakaintindi sa'kin. Ama na ang turing ko sa kaniya, dahil simula bata pa lang ako siya na ang takbuhan ko. "Namumula ang iyong pisnge, may nanakit ba sa iyo?" Kaagad kong niyakap si Father Elon. Napahagulgol na lang ako sa dami ng hinanakit ko. Ang mga luha ko ang siyang makapagsasabi kong gaano kabigat ang dinadala ko. "Nandito na ulit ako, anak. Handang makinig sa'yo." "Salamat po at bumalik na kayo." Sa kaniyang harapan, hindi ko kayang magkunwari. Nagiging mahina ako kapag siya ang kausap ko. Gaya ng isang bata na naghahanap ng pagmamahal ng isang ama, iyon ang nararadaman ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook