13

880 Words
Pagpasok sa kwarto ay inis itong napabuga ng hangin. Dala-dala pa nito ang mga pinamili nilang damit at gamit. Inilagay niya ang mga iyon sa kama niya at pagkatapos ay humarap sa full-body mirror sa tabi ng kama. Inis niyang kinuskos ang ketchup na tila nagmantsa na sa suot niyang shorts. "Kainis naman! Ayaw matanggal!" inis niyang ani sa sarili. Naghanap siya ng bagong shorts sa mga pinamili nila at nagtungo sa banyo. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. "Open up!" inis na utos ng lalaking agad nakilala ni Charlene sa malamig at nag-uutos na boses nito, si Kerill. Pinagbuksan siya ng dalaga ngunit nagulat ito nang bigla na lamang may inihagis na bagay sa kanya si Kerill. "Napkin?" bulong nito sa sarili. "It's for your… uh…" Hindi nito maituloy ang sasabihin. Nagtaka ang dalaga ngunit agad niyang naalala na sinabi niya pala kanina na may dalaw siya. "Pero hindi ko talaga--" "Shut up and take it. I'm busy," sabi nito bago nilayasan si Charlene. Ilang beses pang napakurap ang dalaga sa inasta ni Kerill. Hindi siya makapaniwalang pinaniwalaan siya nito sa sinabi niya kanina. "Parang baliw," bulong niya at isinara ang pintuan. Itinago na lang niya ang sanitary pads dahil hindi naman niya iyon magagamit ngayon. Kinagabihan ay tumulong pa rin si Charlene sa pagluluto at unti-unti na rin niyang nakaka-close ang mga kasambahay. "Jusko! Ma'am Charlene, kung naabutan mo pa 'yong unang asawa ni Sir, hay nako! Sobrang sama ng ugali!" kuwento ni Sarah kay Charlene habang naghihiwa sila ng patatas. "Oo nga. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan 'yon ni Sir. Tsaka kung paano niya natagalan ang ugali no'ng babaeng 'yon," dugtong pa ni Bernadet, na isa ring kasambahay pero nakatoka sa garden at nakiki-chismis lang sa kusina. "Magsitigil nga kayong dalawa! Kapag narinig kayo ni Sir," saway naman ni Betty, na siyang pinakabata sa lahat ng katulong. "Eh ano naman ngayon? Totoo naman ang sinasabi namin, ah. Tsaka hindi nakakagulat kung kanino magmamana ang mga batang 'yan, syempre do'n sa nanay," sagot naman ni Sarah. Ngiti lang ang isinasagot ni Charlene habang nakikinig sa mga kuwento ng mga katulong tungkol sa buhay sa loob ng mansion. Pagkatapos kumain ay kinausap ni Kerill si Charlene sa office nito. "You survived three executive days, so I will set another rule in this house for you," sabi nito. Lihim na napaikot ang mga mata ng dalaga. "Ano na naman ba?" bulong nito sa sarili. "Sige, go," sagot na lang niya at sumubo na. "First rule: you are not allowed to go outside without my permission." "Luh. Eh para namang nakagapos ako niyan--" "You think I care?" putol nito sa reklamo ng dalaga. "Second rule: you are not allowed to discipline my children. No shouting at them, and especially no physical harm, or else alam mo na ang mangyayari sa'yo," dugtong nito na parang nagbabanta. "Kaya pala ganyan ang ugali," bulong niya sa sarili. "You're saying something?" tanong ni Kerill. "Wala. Sige, continue," sagot na lang niya. "Last rule: you are not allowed to enter any room or hall that I don’t allow, especially in the west wing." "Anong meron do'n?" "Wala ka nang pakialam do'n. Just do your job for the next three months, and after that, take the money and go back to wherever you came from. I don't care," seryoso nitong sabi, ngunit naapektuhan si Charlene. "Ang sakit mo namang magsalita," hindi na nito napigilang sabihin. "Really? What's wrong with that? Eh di ba ayaw mo naman sa akin? So after three months, take your money and go away." "Kung makapagsalita ka, parang katulong na siniswelduhan mo lang kaming mga babaeng dinala mo rito, ah. FYI, kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi kita papatusin." Inis na sinagot siya ni Kerill. "Same here. Now go get your job done properly so you get the money. End of the deal." "Teka nga… parang unfair naman yata," ani ni Charlene bigla. "What now?" inis na tanong ni Kerill habang nilalagok ang alak sa basong hawak nito. "Eh paano kung lumayas din ako, katulad ng iba mong dinala rito, dahil sa mga anak mo? Makukuha ko pa rin ba 'yong pera?" Napahalakhak nang mapakla si Kerill. "Are you dumb or something? Of course you won't get any money from me unless you've done your job properly." "Eh sa sama ng ugali ng mga anak mong 'yan, napaka-imposible naman yata." "That's your job to do. Not my problem." "Eh hindi mo kasi dinidisiplina kaya gumanyan. Kasalanan mo rin," mabilis na sagot niya sa lalaki. Inis na napatayo si Kerill at seryosong hinarap ang dalaga. "Don't you dare question how I raised my kids! Remember your place in this house, Charlene. You're not my wife, nor their mother. You're just a temporary so-called Mrs. Wang. Know your place." Inis namang sumagot ang dalaga. "'Yan ang problema sa'yo. Ang init ng ulo mo at hindi mo inaamin ang pagkakamali mo!" "You--!" Natigil ang dalawa sa pag-aaway nang biglang bumukas ang pinto at sumilip si Saviel. "Ay… sorry. Nakaabala ba ako?" tanong nito habang mabilis na isinara ulit ang pinto. "Out," mahinang utos ni Kerill nang ibalik ang atensyon kay Charlene. "Aalis na talaga ako!" inis na sagot ni Charlene at mabilis na umalis sa office ni Kerill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD