12

775 Words
Pagkatapos kumain ay pinabihis na ang tatlong bata upang samahan si Charlene sa pamimili ng mga bagong gamit at damit. Halos sabay-sabay silang nagreklamo habang isinasara ang mga butones at naglalagay ng sapatos, tila ba pinaparusahan sila sa paglabas kasama ang dalagang hindi naman nila gusto. Samantala, si Charlene ay tahimik lamang sa tabi, hawak ang isang simpleng blouse na hiniram niya kay Sarah. “Nanghiram lang muna ako,” mahina niyang sabi. “Babalik ko rin agad.” Ngumiti si Sarah at tinapik siya sa balikat. “Ayos lang ’yan, Ma’am. Bibilhan ka naman nila ng bago.” Pagkalabas nila ng bahay ay naghihintay na ang itim na van sa driveway. Agad na bumaba si Saviel upang buksan ang pinto. “Ma’am Charlene,” magalang niyang ani. Nauna ang tatlong bata. Si Wency pa nga ay halos itulak si Wyl para mauna sa upuan sa likod. “Kainis!” reklamo ni Wency habang ibinabagsak ang sarili sa upuan. “Ayoko talagang sumama.” “Pumasok na po kayo, Ma’am,” sabi ni Saviel. Umupo si Charlene sa passenger seat, habang ang mga bata ay nasa likuran, patuloy ang reklamo. “Ikaw na ang bahala kung saang mall tayo pupunta, Saviel. Hindi ko pa kabisado ang lugar dito,” nahihiyang sabi ni Charlene. “Ako na po ang bahala,” sagot ng bodyguard habang pinaandar ang sasakyan. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isa sa pinakamalalaking mall sa bansa—pagmamay-ari ng pamilya Wang. Kahit sa labas pa lang, ramdam na ni Charlene ang laki at karangyaan nito. Pagpasok nila, agad na dumiretso ang grupo sa boutique section. “Can you make it fast? I’m starving!” reklamo ni Wency habang naka-cross arms. “Pero kakakain mo lang sa bahay, Señorita,” sagot ni Saviel. “So?” mataray nitong balik. “Hayaan mo na,” sabi ni Charlene. “Mabilis lang ako.” Pumasok siya sa fitting room dala ang ilang napiling damit. Nang lumabas siya, bahagyang napahinto si Saviel. “Wow… Ma’am, ang ganda n’yo po.” “Eww,” singit ni Wency. “Are you blind or something?” Napayuko si Charlene ngunit pilit na ngumiti. “Can you just buy your stupid clothes already? I’m hungry!” sigaw ni Wyl. Kaya agad niyang kinuha ang mga damit at nagtungo sa cashier. Ngunit nang makita niya ang resibo, halos mapabitaw siya. “Fifty thousand?!” gulat niyang bulalas. “Para sa sampung damit? Ano ’to, ginto?” Lumapit si Saviel. “Ma’am, don’t worry--” Ngunit hinarap ni Charlene ang cashier. “Ang mahal naman yata, Miss. Baka pwedeng tumawad?” Natigilan ang cashier. “Ho?” “Pwede bang forty pesos bawat isa na lang? Promise, babalik ako dito palagi.” “Ma’am, imported po kasi lahat ’yan…” “Mura pa raw ’yan,” bulong ni Charlene. “Jusko…” “Babayaran na po namin,” putol ni Saviel sabay abot ng black card. Pagkalabas nila ay hinarap siya ni Wency. “I thought you were rich. Daddy chose you, right? Pero mukha kang pulubi na hindi kayang bumili ng Gucci.” “Gucci?” nalilitong tanong ni Charlene. Nagtawanan ang mga bata at nauna nang naglakad. “Ano ba ’yon?” tanong niya kay Saviel. “Isa po ’yon sa mga mamahaling brand. Gano’n lahat ng gamit nila sa mansion.” Bumili pa sila ng sapatos at ilang gamit bago kumain sa isang sikat na fast-food restaurant. “Grabe… napapanood ko lang ’to dati,” manghang sabi ni Charlene. “Ngayon lang po kayo nakapunta rito?” tanong ni Saviel. “Oo. Sa TV ko lang talaga ’to nakikita.” Matapos kumain ay tumakbo ang mga bata patungo sa playground. “Señorita Wency!” sigaw ni Saviel habang pilit itong pinabababa sa matataas na blocks. mukhang iniinis sya ng bata dahil Panay ang akyat nito sa mga matataas na bahagi. Natawa na lang si Charlene habang nakatingin sa kanila. Stress na stress na si Saviel sa mga bata dahil sobrang lilikot ng mga ito. “I’m bored. Let’s go home,” sabi ni Wyl. “But I’m not done yet!” sigaw ni Wency. “Then play alone. We’re not kids anymore.” Saglit na parang nakita ni Charlene si Kerill sa seryosong mukha ni Wyl. “Fine!” iritang sabi ni Wency. Pagdating sa sasakyan, umupo si Charlene, ngunit bigla siyang napatayo. May ketchup sa upuan. Paglingon niya, nagtatawanan ang mga bata. “Sorry, I spilled my ketchup,” sabi ni Lily. Napapikit na lang si Charlene. Pagdating sa mansion, nakita siya ni Kerill. “What happened?” “Menstruation ko,” sagot niya sabay diretso sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD