11

1248 Words
Nang kumalma na ito ay lumabas siya ng kuwarto. Pinagtitinginan pa siya ng mga katulong habang nagbubulungan ang mga ito tungkol sa nangyari kanina. “Kawawa naman.” “Sinasabi ko na nga ba.” “Tatagál pa kaya ’yan?” Iilan lang ’yan sa mga naririnig niya sa hallway habang papunta ito sa kusina. Doon niya nadatnan si Manang Dores kasama ang iilang katulong na naghahanda para sa tanghalian. “Kamusta ka na, Charlene? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Manang Dores at binigyan ng isang basong tubig ang dalaga. Nilagok niya iyon at pilit na ngumiti. “Heto nga pala. Pasensya na at ito lang ang naisalba ko sa mga damit mo,” sabi nito at may idinukot na maliit na panyo sa bulsa niya. Napahinga nang maluwag si Charlene nang makitang hindi nasunog ang iniingatan niyang panyo na ibinigay ng kaibigang si Enan. Ngumiti ito at nagpasalamat sa matanda matapos kunin ang panyo. Isa iyon sa mga pinagkakaingatan ni Charlene dahil ngayon ay ang panyo na lang ang natitirang gamit na naiwan ng kaibigang si Enan sa kanya. “Ano pong niluluto n’yo?” pang-iba nito ng usapan. “Niluluto namin ang paborito ni Sir Kerill. Ginataang tilapya. Halika, tuturuan kita dahil marami ka pang kailangang malaman,” nakangiting sabi ng matanda para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng dalaga. Inigaya niya ito sa tabi ng ibang katulong at nagkuwento sa mga pagkaing paborito ni Kerill at ng mga bata. Tinuruan rin siya nito kung paano lutuin ang ginataang tilapya na paboritong-paborito ni Kerill. Napangiti ito dahil paborito rin niya ito noong bata pa siya dahil ang mama niya ang palaging nagluluto no’n para sa kanila. “Lagyan n’yo ho ng maraming sili,” suhestiyon nito. “Ah, gano’n ba? Sige, mas masarap nga siguro kung maanghang talaga. At tsaka mahilig rin sa maanghang ’yang mga alaga ko, eh,” sabi pa ni Manang Dores. Tinulungan ni Charlene ang mga katulong sa paghahanda ng tanghalian at pag-aayos ng kubyertos sa lamesa. “Naku, Ma’am, buti at nakakayanan mo sila, ano? Alam mo bang ang huling babaeng dinala ni Sir dito ay tatlong araw lang bago umalis?” kuwento pa ng katulong na si Sarah habang nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Napatingin naman si Charlene sa kanya. “Mas malala pa nga diyan ang ginawa sa kanya,” sabi nito. “Bakit? Ano bang ginawa ng mga bata?” kuryosong tanong ng dalaga. “Pinatulog ba naman sa kulungan ng aso at muntikan pang ikamatay niya dahil kinagat siya nito. At tsaka ito pa, ha, muntikan na siyang mabangga sa daan dahil sa kakahanap sa mga bata. Jusko, Ma’am, marami pang kuwento diyan,” chismis nito kay Charlene. Napaisip tuloy nang malalim si Charlene. “Mag-ingat ka lalo sa mga kambal, Ma’am. Kung akala mo ay maldita na ’yang si Senorita Ericka ay sus! Mas malala ’yang kambal. Parang anak ng mga demonyo. Jusko!” Natahimik na lang si Charlene sa kinukuwento sa kanya ni Sarah. Pagkatapos nilang ayusin ang lamesa ay sabay na silang bumalik ng kusina. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ni Charlene ang mga sinabi ni Sarah. Maya-maya pa nga ay hinain na sa lamesa ang mga pagkain dahil oras na ng tanghalian. Lumapit sa lamesa si Charlene at akmang uupo na nang unahan siya ni Lily sa upuan. Wala itong nagawa kundi ang humanap ng bakanteng puwesto habang isa-isa nang nagsisidatingan si Kerill at ang mga anak nito. Matapos lagyan ng mga katulong ang mga pinggan nila ng pagkain ay hindi muna sumubo si Charlene. Nakatingin ito kay Kerill dahil hinihintay nito ang magiging reaksiyon niya sa ginataang tilapya na siya ang nagtimpla. Napangiti ito nang patago nang makitang parang nagustuhan ito ni Kerill. “Manang?” tawag nito bigla kay Manang Dores na nasa kabilang bahagi ng lamesa, nakatayo. “Sir? May kailangan po ba kayo?” tanong nito kay Kerill. “This…” turo nito sa ulam. “Taste different,” dugtong niya na nagpatigil sa kanilang lahat. “Ah, eh… ibang timpla kasi iyan. Mas maanghang at—” “I like it. Ito ang hinahanap kong lasa,” putol nito sa sinasabi ng matanda. Napangiti naman si Manang Dores at napasulyap kay Charlene saka nginitian ito nang bahagya. Nag-umpisa na silang kumain at akmang susubo na sana si Charlene nang mapansing may gumagalaw sa pagkain nito. Kinuha niya ang kutsara at sinandok iyon pero gano’n na lang ang gulat niya at napatayo pa ito dahil sa nakitang buhay na bulate sa pagkain niya. Napatingin silang lahat sa kanya habang tawang-tawa naman ang mga bata. “Kadiri!” bulalas ni Sarah na nakatayo lang noon sa tabi ni Charlene. “What happened?” tanong ni Kerill sa kanilang dalawa. “May bulate kasi, Sir, sa pagkain ni Ma’am Charlene,” mabilis na sagot ni Sarah habang nandidiri pa. Gumagalaw pa kasi ang bulate sa ginataang sabaw. Hindi lang isa kundi marami ito. “What did you do?” seryoso ang boses ni Kerill nang lingunin niya ang mga anak na ngayon ay tumigil na sa kakatawa. “She deserves it. That’s the only thing she can eat from now on,” si Wency ang sumagot habang naka-cross ang mga braso at mataas pa ang kilay habang nakatingin kay Charlene. Tinarayan nito si Charlene. Pero sumeryoso ang mukha ng dalaga at bumalik sa pagkakaupo. “Now eat your food, Charlene,” nakangisi nitong utos sa dalaga. Tiningnan ito ni Charlene nang seryoso at mabilis na kinuha ang kutsara. Gusto nitong ipakita sa mga bata na hindi siya takot sa mga laro nila, kahit pa nakakadiri na iyon at alam niyang isusuka niya ito. Sumandok ito ng ulam na ikinagulat nilang lahat pati na rin si Kerill. Akmang itatapat niya ito sa bunganga niya nang biglang tumayo si Kerill at hinila nang mahigpit ang kamay niya. “What are you doing?” medyo may inis na sa tono ng pananalita nito. “Bitawan mo ako,” mariin nitong utos. “Are you going mad? Hindi mo ba nakikita ’yang kinakain mo?” inis na sabi pa nito kay Charlene. “’Yan naman ang gusto nila, hindi ba? Kaya gusto ko ring ipakita sa mga anak mo na hindi ako katulad ng mga babaeng pinapatumba nila dito sa mansion n’yo,” seryosong sagot nito habang nakatingin sa mga mata ni Kerill. Natigilan si Kerill pero hindi niya pinahalata. Humarap na lamang ito kay Manang Dores. “Give her another plate and make sure it’s clean,” utos nito at bumalik na sa pagkakaupo. Tiningnan niya ang mga anak niya kaya nagsitahimik ang mga ito. “Finish your food and you all will accompany Charlene to the mall,” sabi nito na kaagad na inangal ng mga bata. “What? And why we should do that?” “Because you set her clothes on fire. She needs a new one and you four will accompany her,” utos pa niya. “I can’t. We have an important project to do at Reque’s house today,” tugon ni Ericka na ang tinutukoy ay ang boyfriend nitong kaklase rin niya at anak ng business partner ni Kerill. “Then, Wency, Wyl, and Lilly will accompany you,” kay Charlene na ang atensyon nito. Aangal pa sana ang tatlo pero wala na silang nagawa nang tingnan sila nang seryoso ng daddy nila. Pagkatapos no’n ay masama na ang tingin na ipinupukol nila kay Charlene hanggang sa matapos ang tanghalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD