18

1626 Words
Tahimik ang mansion nang gabing iyon. Hindi ‘yong tahimik na nakaka-relax, kundi ‘yong tahimik na parang may mali. Parang may nakaabang. Parang may mangyayaring hindi mo inaasahan pero ramdam mo na sa dibdib mo. Nasa kusina si Charlene, nagliligpit ng mga pinggan pagkatapos ng hapunan. Mabagal ang galaw niya. Pagod siya, pero hindi lang sa katawan. Pagod din ang isip niya. Simula pa kaninang hapon, ramdam niya na parang may kakaiba. Tahimik ang mga bata. Walang reklamo. Walang sigaw. Walang panlalait. Naninibago lang ito. Pero hindi niya iyon pinansin. Ayaw niyang mag-overthink. Ayaw niyang magkamali na naman. Pagkatapos magligpit, umakyat siya sa kwarto. Humiga siya sa kama at ipinukol ang tingin sa kisame. Hindi siya agad nakatulog kaya pinakikinggan niya lang ang ulan sa labas, ang mahinang tunog ng hangin, ang katahimikan ng bahay. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Napabalikwas ito ng bangon. Pagtingin nya ay unknown number. May kaba agad sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may mali. Pero sinagot rin naman niya ang tawag. “Hello?” maingat niyang sabi. Walang sumagot agad sa kabilang linya. May ilang segundo ng katahimikan pero wala pa rin. Tapos may narinig itong huminga sa kabilang linya. Mabilis at P putol-putol. “Please…” mahina ang boses. Boses bata at nanginginig. “Charlne... tulong…” Nanlamig ang buong katawan ni Charlene nang marinig nya iyon. “Sino ’to?” tanong niya, naaalarma na. “Anong nangyari?” “Please…” umiiyak na ang boses ng batang lalake. “Charlene… natatakot ako…” Nanlaki ang mga mata nito ng mapamilyaran ang boses sa kabilang linya. “Wyl?” halos pabulong niyang sabi. “Ikaw ba ‘yan?” “Oo…” hikbi ng bata. “Madilim dito… nakakulong ako…” Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Tumayo siya sa kama habang nasa tenga pa rin ang cellphone. “Nasaan ka?” mabilis niyang tanong. “Anong lugar? Sabihin mo sa’kin.” “Hindi ko alam…” sabi ng bata. “Basta… madilim… walang ilaw… Charlene, please…” Parang may humawak sa lalamunan niya. Hirap siyang huminga. “Sandali lang,” nanginginig niyang sabi. “Hanapin kita. Huwag kang matakot. Andito lang ako.” Pinatay niya ang tawag at agad na lumabas ng kwarto. Tumakbo siya pababa ng hagdan, walang pakialam kung maingay siya. “Wyl!” sigaw niya. “Wyl, nasaan ka?!” Binuksan niya ang basement door. Madilim. Walang ilaw. Walang sumasagot. Lumabas siya sa likod ng bahay. Sa garden. Sa storage room. Sa laundry area. Paulit-ulit siyang tumatawag ng pangalan ng bata. Lumalakas ang kaba niya sa bawat segundo. Tumunog ulit ang cellphone niya. Sinagot niya agad ito. “Charlene…” mahina, nanginginig. “Ang lamig… please…” Hindi na niya kinaya kaya tinawagan niya na ang pulis. “May… may nawawala pong bata,” umiiyak niyang sabi. “May tumawag po sa akin… humihingi ng tulong… please…” Hindi niya na alam ang sunod na sinabi niya. Basta umiiyak siya. Nanginginig. Natatakot. Parang bumabalik ang isang takot na matagal na niyang tinatago. Dumating ang mga pulis. Naka-isyusp na rin ang mga kapitbahay at ang mga kasambahay. Pagkatapos ay dumating si Kerill. Galit ang mukha nito. Malamig. Matalim ang tingin. “What happened?” tanong niya. “N-nawala po si Wyl,” sagot ni Charlene. “May tumawag po… umiiyak… baka na-kidnap--” Bago pa siya matapos magsalita, may bumaba mula sa hagdan. Si Wyl kasunod sina Erica, Wency, at Lily. Tahimik sila. Walang luha. Walang takot. Nanigas si Charlene sa kinatatayuan. “What is this?” malamig na tanong ni Kerill. Tahimik ang mga bata. Hanggang sa tumawa si Wency. Mahina. Parang biro lang. “It was a prank,” sabi nito. Parang may nabasag sa loob ni Charlene nang sabihin nya iyon. “A prank?” ulit niya, paos na ang boses. “We just wanted to see if you’d panic,” dagdag ni Erica. Biglang naging mabigat ang hangin sa paligid. Tumingin si Kerill sa mga anak nang seryuso. “You lied,” sabi niya. Natahimik naman sila. “You called her,” dugtong niya. “You scared her.” Walang sumagot sa mga bata. “You made her call the police.” Naglakad si Kerill palapit sa kanila. Hindi siya sumisigaw. Mas nakakatakot ang gano’n. “Go to your rooms,” utos niya. “Now.” Umakyat ang mga bata. Walang reklamo. Walang tingin pabalik. Naiwan si Charlene sa sala na nanginginig. Hindi niya alam kung iiyak siya o magsisigaw dahil sa kabaliwang nagawa nya na naman. Si Kerill na ang kumausap sa mga pulis at humingi ng paumanhin bago sila pinaalis. Nagsi-alisan na rin ang mga tao hanggang sa sila na lang ang natira. “You crossed a line,” malamig na sabi ni Kerill. “Natakot ako,” sagot niya. “Akala ko may nangyaring--” “You don’t decide things like that,” putol niya. “Hindi mo sila anak.” Parang sinaksak ang dibdib niya nang sinabi iyon ni Kerill. “Ginawa ko lang ang tama,” mahina niyang sabi. “Bata sila. Paano kung totoo?” Huminga nang malalim si Kerill bago sumagot. “You don’t know my children,” sabi niya. “And don’t ever assume you do.” Tumalikod na siya at umalis. Habang naiwan si Charlene sa sala. Hawak ang cellphone. Nanginginig at tahimik na umiiyak. *** Umaga pa lang ay ramdam na ni Charlene ang bigat ng hangin sa loob ng mansion. Tahimik siyang bumaba ng hagdan, maingat ang bawat hakbang. Walang tunog ng tawa ng mga bata. Walang sigawan. Walang reklamo. Maging ang mga kasambahay ay tila naglalakad sa manipis na yelo, mahina magsalita, at iwas makipagtitigan. Pagdating niya sa kusina, naroon si Manang Dores, tahimik na naghahanda ng almusal. Nang makita siya nito, bahagyang natigilan ang matanda bago ngumiti nang pilit. “Ma’am Charlene… kumain na po kayo?” maingat na tanong nito kay Charlene. Umiling siya. “Mamaya na lang po.” Hindi siya gutom. Hindi rin siya sigurado kung kaya pa niyang lumunok. Hindi nagtagal, may narinig siyang yabag mula sa itaas. Mabigat. Mabagal. Alam na niya kung sino bago pa man siya lumingon. Si Kerill. Maayos ang suot nito. Tuwid ang tindig. Walang bakas ng pagod sa mukha, pero malamig ang mga mata. Hindi siya tumingin agad kay Charlene. Dumiretso lang siya sa lamesa at umupo. “Kumain ka,” utos nito, hindi man lang tumitingin. “Hindi ako--” “Sit,” putol niya. Walang nagawa ito kundi ang ahimik na umupo sa tapat niya. Magkatapat sila, pero parang napakalayo ng pagitan. Ilang segundo pa ang lumipas. Pero walang nagsasalita. Hanggang sa ibinaba ni Kerill ang kutsara. “You’re leaving.” Nagulat si Charlene at tumingin kay Kerill. “Ano?” mahina niyang tanong, akala niya nagkamali siya ng dinig. “Get out of this house,” ulit ni Kerill, malamig at diretso. “Today.” Nanlalamig ang mga daliri ni Charlene. “D-dahil ba 'to sa nangyari kagabi?” tanong nya “Hindi ko ginusto--” “I don’t care,” sagot niya. “You caused unnecessary trouble, to the police and to me. You created drama.” “Drama?” ulit niya, paos ang tono ng boses. “Natakot ako. Inakala kong na-kidnap sila. Malamang 'yon ang una kong gagawin--” “Enough,” putol niya ulit dito. “I hired you to help, not to complicate things.” “Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama,” inis niyang sabi. “Kung hindi ko sila hinanap at kung totoo ngang--” “But it wasn’t,” mabilis niyang sagot. “And that’s the point.” Nataahimik si Charlene. Pinipigilan nya ang sigawan si Kerill sa inis. “So pack your things,” dugtong ni Kerill. “You’re done here.” Hindi niya agad nasagot. Pinoproseso pa ng utak nya ang lahat. Pakiramdam nya sobrang unfair ni Kerill sa ginagawa sa kanya ngayon. “Okay,” mahina niyang sabi sa huli. Ayaw nyang sukuan ang mga bata pero patuloy syang pinapahamak ng mga ito. Huminga ito nang malalim at tumayo na. Naglakad ito paalis. Umakyat si Charlene sa kwarto niya. Dahan-dahan. Parang bawat hakbang ay may hinihila sa loob niya pababa. Binuksan niya ang pinto at isinara nang marahan. Doon lang siya napaupo sa gilid ng kama. Tahimik siyang nag-impake. Walang pagmamadali. Walang iyak. Kinuha niya ang mga damit, tinupi nang maayos, at inilagay sa bag. Para siyang robot. Walang iniisip. Walang nararamdaman--o baka sobra lang. Hanggang sa may kumatok sa pintuan pero hindi siya agad tumayo. Kumatok ulit ito. “Charlene…” Boses iyon ni Lily. Nanikip ang dibdib niya. Tumayo sya at binuksan niya ang pinto. Naroon ang bata, hawak ang stuffed toy niya. “U-uwi ka na ba?” mahina nitong tanong. Lumuhod si Charlene para pantayan ang bata. “Oo,” sagot niya, pilit na ngumiti. “Sandali na lang.” “Kasalanan namin?” tanong ni Lily, umiiyak na. “Dahil sa’min?” Hindi agad nakasagot si Charlene. Hinawakan niya ang pisngi ng bata nang marahan. “Hindi,” sabi niya. “Hindi mo kasalanan.” “Pero aalis ka,” giit ng bata. “Dahil sa prank.” Huminga siya nang malalim. “Minsan,” sabi niya, “May mga bagay na hindi natin kontrolado.” Yumakap si Lily sa kanya. Mahigpit at parang ayaw nang bumitaw. Sa may pintuan ay nakatayo ang kambal. Hindi sila lumalapit. Hindi rin umaalis. Nakatingin lang sila kina Charlene at Lily. Kahit hindi nila aminin alam nilang nagi-guilty sila sa ginawa, ngayon pa at sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagustuhang tao ang nakakabata nilang kapatid. Ito ang kauna-unahang beses na napalapit si Lily sa isa sa mga babaeng dinadala ni Kerill sa mansion nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD