17

677 Words
Nakatayo siya sa labas ng school, payong ang hawak na halos wala nang silbi. Basang-basa. Hindi lang dahil sa ulan, kundi dahil sa biglang lamig na bumabalot sa kanya, kumakapit sa balat niya na parang hindi bibitaw. Nandito siya sa labas ng school ng mga bata, hinihintay sila kanina pa. Gusto sana niyang sya ang sumundo, pero nagtataka siya, magdidilim na, at wala pa ring lumalabas na bata. Malakas pa rin ang ulan. “Jusko… nasaan na ba kayo?” bulong niya sa sarili, habang sinusubukang humanap ng mas malaking masisilungan. Halos lahat ng waiting area puno ng ibang estudyante at guro na nagtatakbuhan palayo sa ulan. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kaninang maulan na tinatayuan niya, nakatingin lang sa kalsada. Medyo natatakot siya, medyo naiinis sa sarili, kahit may payong, basa pa rin siya. Biglang may dumating na kotse sa parking lot. Itim, malaki, tahimik. Napatingin siya. Nagtaka siya kung bakit andito si Kerill, naka-jacket, tuwid ang likod, tahimik, may intensity sa mata na parang kayang basahin ang bawat galaw ni Charlene. “Let's go home. Kanina pa sila naka-uwi,” mahinahon, malamig, pero kalma ang boses. Napatingin siya sa kanya. Gusto sana niyang magtanong, pero nanlalamig na siya kaya lumapit na lang. “Gano’n ba? S-sige… uuwi na lang ako,” mahina niyang sabi, sinusubukang ituwid ang payong at ihinto ang braso niya. Pero basa pa rin. Basang-basa. Walang silbi. Pinaghalong lamig, basa, hiya, at kaba, lahat sabay-sabay. Akmang maglakad siya paalis nang magsalita ulit si Kerill. “Where are you going?” “Ha? Uuwi.” Napahinga lang nang malalim ang binata. “Sumakay ka na. Let's go home,” ulit nito, at binuksan ang pintuan. Nagaalangan pa si Charlene, pero pumasok na lang sa loob. “Sorry, na basa,” sabi niya, tinutukoy ang upuan ng kotse. “It’s okay,” sagot ni Kerill. Napalingon si Charlene sa kanya, nagtaka. Hindi siya sanay sa ganitong kabaitan mula kay Kerill, lalo na sa ganitong tahimik, intense na paraan. Wala siyang alam kung dapat ba siyang ngumiti, awkward man, o simpleng huminga lang. Inabutan siya nito ng coat. “Take this,” sabi niya, mahinahon, parang hindi sinasabi kundi ipinapakita. “Malakas ang ulan. Ayaw kong magkasakit ka,” dagdag niya, na nakapagpatahimik kay Charlene. Tahimik siyang naglagay ng coat. “Dahil ayaw kong magka-responsibilidad sa'yo,” mabilis niyang dugtong. “What?” tanong ni Kerill, bahagyang inis, dahil nakatingin lang sa kanya si Charlene . “Walang ibig sabihin ‘yan,” sagot niya. “Wala naman akong sinasabi,” sagot ni Charlene at umiwas ng tingin, pinipilit itago ang pamumula sa pisngi. Pilit niyang niyakap ang coat, kahit basa-basa. “Th-thank you…” mahina, halos bulong lang. Gusto sana niyang hindi awkward, pero hindi niya maiwasan. Walang imik si Kerill, pero ramdam niya ang titig nito. Mahigpit, tahimik, walang biro, walang kahit anong reaksyon. Ang katahimikan ay mabigat, parang humahabol sa bawat t***k ng puso niya. Pilit niyang iniwas ang tingin at pinukol ang mata sa ulan, sa wiper, sa mga patak sa bubong. “Almost home,” mahinahon sabi ni Kerill. Malamig, pero kalmado sa tono. Parang hindi niya alam kung paano ipapakita ang concern nang hindi halata. Napangiti si Charlene nang bahagya. Hindi niya alam kung bakit, pero may init sa loob niya. Tahimik silang nagmaneho. Nanliliit ang katawan niya sa lamig at basa, pero unti-unting lumalaki ang loob niya sa ideya na may tao ring nagmamalasakit sa kanya. Hindi siya sanay; halo ng kaba at ginhawa ang nararamdaman. Natapos ang maikling biyahe sa katahimikan. Wala silang napag-usapan, pero sapat na iyon para sa kanilang dalawa. Paglapag nila sa driveway, dahan-dahan siyang bumaba at hinarap si Kerill bago ngumiti nang bahagya. “Salamat… sa coat,” mahina niyang bulong. Ramdam niya na hindi kailangan sobra-sobrang pasasalamat. Naglakad siya papasok, basa, pero may kaunting ngiti sa labi. Kahit sandali lang, ramdam niya ang kabutihan sa malalamig na mga mata ni Kerill. Palihim niyang hiling na sana magtuloy-tuloy ito, dahil mas gusto niya na maayos sila kaysa sa laging nagbabangayan at nagkakasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD