Halos dalawang araw ring nakapagpahinga sa loob ng kwarto nya si Charlene hanggang sa sinabi ng doctor na ok na raw ang kalagayan nito. Ngayon naka-upo ito sa sofa sa playroom habang nakatingin sa mga laruang nakakalat lang sa sahig. Tumayo sya at inisa-isang pinulot iyon.
Sobrang tahimik ng paligid. Pero hindi 'yong tahimik na nakaka-relax, kundi 'yong tahimik na parang may mabigay sa dibdib mo.
Pagkatapos nyang ligpitin ang mga ito ay inilagay ko na si isang malaking basket. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at lumabas doon ang batang si Lily may dala itong notebook at lapis. Dahan-dahan itong lumapit kay Charlene pero halatang nahihiya at natatakot.
"Here..." Biglang may inabot itong candy galing sa bulsa ng pantulog nyang damit. Nag-alangan pang tanggapin ng dalaga dahil sa isip nya baka kung anong prank na naman ito.
"Don't worry wala akong nilagay dito. I just want to apologize, Charlene. I'm... I'm sorry," sabi nito habang nakayuko. Napangiti ang dalaga at nanlambot ang puso nito. Ramdam nya ang sinsiridad at pagsisisi sa boses ng supling.
“Sorry…”
Kahit maikli at mahina, tumagos sa dibdib ni Charlene ang salita. Para bang may isang maliit na haligi ng liwanag na sumiklab sa gitna ng bigat ng hangin sa silid.
Huminga siya ng malalim, dahan-dahan. Hindi siya agad lumapit. Bawat hakbang papalapit kay Lily ay parang sinukat ng oras, parang tinatantiya kung gaano kalalim ang puwang ng tiwala.
Tinanggap niya ang maliit na kendi at pinantayan ito ng upo.
“Thank you,” mahina at malumanay nyang sabi. Ngumiti siya sa paraang may pasensya, may pag-unawa, parang sinasabi, nakikita ko na ginawa mo ang tama kahit hindi mo masabi.
Hinati nya ang chocolate candy na Dala ni Lily at binigyan din Ang bata. Napangiti si Lily kaya nanlambot ang puso ni Charlene. "Ano ba 'yan? May assignment ka ba?" Pangiiba ng usapan ng dalaga habang nakatuon ang mga mata sa dala-dala ni Lily. Isang notebook at lapis.
"Can you help me with my assignment?" Nahihiyang tanong ng bata. "Oo naman. Halika dito," sabi nya at ginaya sa lamesa ang bata tsaka tinulungan itong maupo. Tiningnan nya ang assignment ni Lily, Mathematics pala ito.
“Tingnan natin ito nang dahan-dahan,” sabi ni Charlene habang hinawakan ang lapis, at pinapaliwanag ang bawat equation. Hindi halos maintindihan ni Lily ang paliwanag ni Charlene pero naging mahaba ang pasensya nito. Hindi niya sinasabi na mali ang bata, hindi niya pinaparamdam na galit siya. Bawat salita niya ay mabagal, at mabigat sa pag-unawa.
Habang tinuturuan ni Charlene si Lily ay hindi nila napansin ang pagdating ni Kerill. Hindi ito pumasok sapagkat nakatanaw lang ito sa kanilang dalawa. Pinapanood kung paano ngumiti ang anak sa tulong ni Charlene.
Hindi siya nagsasalita. Hindi siya umaalis. Tinitingnan lang. Pinapansin ang bawat galaw, bawat ngiti, bawat malumanay na hakbang ni Charlene. At kahit tahimik siya, ramdam niya sa sarili ang ibang uri ng tensyon, parang may pira-pirasong pader sa loob niya na unti-unting nabibiyak dahil sa mga ngiti ni Charlene.
Gusto nyang ngumiti pero pinipigilan nya at ipinapaalala sa sariling hindi dapat sya magkaroon ng kahit anong pagtingin sa dalaga dahil sa huli ay sya rin naman ang masasaktan.
Ramdam niya ang tiyaga, ang pasensya, ang pag-unawa ni Charlene kay Lily.
Natapos ang homework ni Lily kaya labis ang ngiti nito at niyakap ng mahigpit ang dalaga. Kahit si Charlene ay nagulat sa ginawa nito. "I'm sorry ulit, Charlene," sabi nito. Ngumiti ang dalaga. "Tita..Tita Charlene na lang," sabi nito.
Tumango naman si Lily at ngumiti. "Sige po, Tita Charlene," sagot nya.
Tahimik na umalis si Kerill sa pintuan. Walang salita. Walang galaw. Pero alam niyang may nangyaring pagbabago sa isa sa mga anak nya, maliit man, halata man o hindi, ramdam niya at kahit hindi nya aminin ay masaya sya.
Naging masaya ang buong araw ng dalaga dahil do'n. Masaya sya dahil kahit papaano ay lumambot na sa kanya si Lily at ang tatlo na lang ang kailangan nya pang suyuin. Pinangako nya sa sarili nyang hindi sya titigil at hindi nya susukuan ang mga bata.