Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Charlene.Sa una ay puti lang ang lahat. Puting kisame. Puting ilaw. Puting kurtina na bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa aircon. May mahinang tunog ng makina sa tabi niya, isang paulit-ulit na beep na parang nagpapaalala sa kanya na gising siya, na buhay siya. Pero nang huminga igo nang malalim ay abigat ang dibdib niya. Parang may nakadagan sa loob nito.
“Ma’am… gising na po siya.”
Napapikit si Charlene nang bahagya nang marinig ang boses ng nurse. Dahan-dahan niyang iginalaw ang ulo at sinubukang huminga nang mas malalim. “A-anong…” Paos ang lalamunan niya. “Anong nangyari?”
“You had a panic attack,” mahinahong sagot ng nurse. “You lost consciousness.”
Biglang bumalik sa isip niya ang madilim na silid. Ang biglang pagsara ng pinto. Ang kawalan ng hangin. Ang mga boses na parang nagmumula sa kung saan. Ang trauma nya. Dahil do'n ay lumakas ang t***k ng puso nya na para bang andoon pa rin sya sa tagpung iyon.
“Don’t move too much,” sabi pa ng nurse. “Your heart rate is still unstable.”
Pilit nyang ikinalma ang sarili bago lamingon sa gilid nito. Ando'n si Kerill naka-cross arms at seryuso lang ang tingin sa kanya. Nakatayo ito sa di-kalayuan unit hindi manlang lumalapit. Pumasok ang doktor at tinignan ang mga monitor bago hinarap si Kerill.
“Sir,” seryosong sabi nito, “The patient experienced a severe panic attack. Her reaction was not normal. It was trauma-based."
“Explain,” malamig na utos ni Kerill. “This kind of response usually happens when someone has been exposed to extreme fear in the past,” paliwanag ng doktor. “Being trapped in a dark, tight place triggered something in her mind. If that happens again, her breathing could stop. It could become life-threatening.”
Walang naging imik si Kerill kaya itinuloy ng doctor ang pagpapaliwanag. “So whoever locked her inside that room,” patuloy ng doktor, “put her in serious danger.”
Tumango lang si Kerill bilang tugon. “Make sure she rests. She should avoid stress or triggers,” huling sabi ng doktor bago lumabas.
Walang reaksyon si Kerill hanggang sa makaalis na ang doctor. Nagkatinginan lang sila ng dalaga at napagpasyahan nitong lumabas at kausapin ang mga anak. Nasa hallway ang mga ito at nakaupo ang kambal, sina Lily at Erica. Magkatabi sila sa mahabang upuan. Parehong nakayuko. Parehong tahimik. Walang umiimik. Hinarap nito ang mga anak nang seryuso.
“Stand,” malamig na utos ni Kerill. Agad silang tumayo.
“What did you do?”
Walang sumagot sa kanilang apat.
“Answer me.”
Nagkatinginan ang naman si Lily at Wency.
“We just wanted to scare her,” sabi ni Lily, walang emosyon ang mukha.
“We didn’t think she would faint,” dagdag ni Wency.
Walang bakas ng pagsisisi sa mga mata nila pero sa ilalim ng mga salitang iyon, may bahagyang panginginig sa mga kamay nila. Isang bagay na hindi napansin ni Kerill.
“You locked her in a dark room,” malamig niyang sabi. “You disobeyed.”
Tahimik lang silang tatlo habang napapatingin na lang sa malayo si Erica. “Go to your room. No gadgets. No leaving until I say so.”
“Okay,” sabay nilang sagot at naglakad na papalayo. Paglingon ni Kerill sa pinta ay andoon na nakatayo si Charlene at kanina pa pala nakikinig sa kanilang usapan. Hawak nito ang IV stand para hindi matumba.
“Sir…” Mahina ang boses ni Charlene nang tawagin nito si Kerill. "'Wag mo na silang pagalitan," sabi nito. Kahit naman kasing alam nyang mali at napunta sa kapahamakan ang buhay nito ay hindi mawawala ang katotohanang bata lang sila. Kailangan nila ng malaking pagpapasensya.
“Charlene,” malamig niyang sabi, “This does not concern you.”
“Mga bata lang ang mga 'yan," pilit niyang sabi kahit nanginginig ang boses.
“That’s irrelevant,” sagot ni Kerill. “What matters is what they did. Ikaw rin naman ang may sabi... Kailangan ko silang disiplinahin. Now that i did you're angry?"
"Pero--"
“Rest,” maikling sabi niya. “Don’t do anything unnecessary.”
Iyon lang ang sinabi nya. Walang emosyun na para bang wala syang pakealam, katulad ng dati. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay mag-isa sya at walang kakampi sa loob ng mansion na iyon.