Maaga siyang nagising kahit halos hindi siya nakatulog.
Hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat. ‘Yong pakiramdam na parang may nakadagan sa dibdib niya kahit wala naman. Dahan-dahan siyang bumangon, umupo sa gilid ng kama, at tumingin sa maleta na nasa paanan. Bukas ito . Nakaabang. Parang kanina pa naghihintay.
Ganito na naman.
Hindi na siya nagulat.
Tahimik ang bahay. Masyadong tahimik para sa isang umagang nandoon ang mga bata sa bahay.
Tumayo siya at nagsimulang mag-impake.
Hindi nagmamadali. Hindi rin mabagal. Parang kabisado na ng katawan niya ang gagawin. Isinilid nya ang kanyang mga damit at iilang pirasong gamit. Bawat lagay niya sa maleta, parang may kasamang tanongna 'aalis ba talaga ako?'
May narinig siyang mahinang kaluskos sa pinto.Huminto ang kamay niya sa paglalagay ng gamit pero hindi agad siya lumingon.
“Charlene…”
Boses ni Lily iyon.
Paglingon niya, nakasilip ang bata sa pintuan. Hindi umiiyak. Hindi rin nakangiti. Nakatayo lang doon, hawak ang pinto, parang hindi sigurado kung papasok ba o aalis.
“Gising ka na pala,” sabi ni Charlene, pilit na kalmado.
Tumango si Lily. Tumingin sa maleta na nasa kama ni Charlene. Hindi na niya tinanong kung ano ‘yon. Alam na niya kung para saan iyon.
“May pasok pa kayo,” sabi ni Charlene, masyadong normal ang tono. “Late kana.”
“Hindi ako papasok,” sagot ni Lily nang diretso.
Napatingin siya sa bata. “Bakit?”
“Kasi baka… pag-uwi namin wala ka na.”
Napaupo siya sa kama ulit. Biglang parang bumigat ang katawan niya.
“Baka magalit ang daddy mo,” sabi niya nang mahina.
Lumapit si Lily dito. Isang hakbang lang. Tapos ay huminto. “Umalis ka ba kasi galit ka kay Papa?”
Hindi niya agad nasagot ang tanong ng bata.
Kasi hindi lang ‘yon ang dahilan. Hindi lang galit. Hindi lang pagod. Hindi lang sakit. Halo-halo. At kahit siya mismo, nahihirapang ipaliwanag.
“Hindi ko alam,” sagot niya sa huli. Dahan-dahan namang lumapit si Lily. Hindi siya nagsalita. Umupo lang siya sa tabi ng kama at inabot ang laylayan ng damit ni Charlene.
“Don't go,” aniya, halos hindi marinig.
Sumikip ang lalamunan ni Charlene dahil do'n.
Hindi niya sya tinignan agad. Takot siya. Takot na kapag nakita niya ang mga mata ni Lily ay bumigay siya.
“Kailangan ko,” sagot niya, pilit nagpakatatag.
“But i don't want you to go,” biglang sabi ni Lily. “Iniwan na kami ni Mommy. Please... please don't... don't--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil umiyak na ito sa harapan ni Charlene.
Hindi malakas. Hindi dramatic. Tahimik lang. Parang nahihiya sa sarili niyang luha.
Tumayo si Charlene. Lumapit siya at niyakap ang bata. Mahigpit na parang ayaw na niyang pakawalan. Ramdam niya ang panginginig ng mga balikat nito, ang pilit na paghinga, at ang pagpipigil ng iyak.
“Hindi ko kayo iiwan,” bulong niya, halos para sa sarili. “Hindi ko kayo iiwan.”
Hindi niya alam kung pangako ba ‘yon o dasal.
Hindi nila namalayan ang pagdating ni Kerill. Tahimik lang itong nakatayo sa pinto habang nanonood kina Charlene at Lily. Kitang-kita nya kung paanong umiyak ang bunso nitong anak dahil kay Charlene. Nakaramdam ito ng guilty pero itinago nya iyon sa sarili nya.
Napatingin sya sa maletang iniimpake ni Charlene pagkatapos ay kay Lily. Doon na sila nagtagpong tingin ni Charlene. Bumitaw ito sa pagyakap kay Lily at pinunasan ang luha nya pagkatapos ay seryusong lumingon kay Kerill.
“Mag-iimpake na sana ako,” sabi niya nang diretso. Wala nang paligoy. “Para hindi na lumaki pa ‘yong gulo.”
Hindi gumalaw si Kerill. Seryuso lang ang mukha nito.
“Pero?” tanong ni Kerill na mababa ang boses.
Huminga si Charlene nang malalim. Ramdam niya ang mga mata n Lily sa likod niya.
“Pero pipiliin ko muna sila,” sabi niya. “Hindi ko gagawin ang sinabi mo.”
Nagbago ang ekspresyon ni Kerill. Nagulat sya pero hindi nya pinahalata.
“Why now?,” sabi niya. “They done so many things to you.”
Napangiti siya nang bahagya. Mapait. “Kaya mas lalo kong gustong baguhin sila.”
Lumapit si Kerill at huminto sa harap niya.
“So, you will disobey me?,” sabi niya, seryuso ang tono. Seryusong tiningnan ni Charlene si Kerill sa mga mata.
“Oo,” sagot niya.
Nagkatinginan sila ng ilang segundo. Walang nagsalita. Walang sigawan. Walang awayan.
“Then stay,” sabi niya. Hindi utos iyon. Hindi rin pakiusap. Seryuso iyon na para bang galing mismo sa kanyang desisyon.
Tumango si Charlene at ngumiti. Panandaliang natulala ang lalake sa mga ngiti ni Charlene dahil ito ang kauna-unahang nakita nya na ngumiti ng gano'n ka-ganda ang dalaga. Pero itinago nya ito at tuluyang umalis ng kwartong iyon.