20

1514 Words
Charlene’s POV Isinama ako ni Kerill sa kompanyang pagmamay-ari ng pamilya nila. Blue Winter ang pangalan at nakilala ko ka agad ito dahil lagi ko itong nakikita sa palabas sa tv. Sikat na sikat ang mga gawa nila dito lalo na sa mga damit, kaya hindi ko halos mapigilan ang sariling mamangha. Nakatayo lang ako sa gilid, hawak ang isang folder na hindi ko naman dapat hawakan. Nakita ko ito kanina nang pumasok ako sa office nya. Hindi ko sinadyang buksan ito. Hindi rin ako pumasok doon na may balak mangialam. Pero nang makita ko ang mga laman nito, parang may humila sa mata ko. Mga sketch ng damit ang mga nandoon. Magaganda naman pero hindi ko maiwasang mangunotan ng noo. Hindi sila pangit. Hindi rin sila mali. Pero parang… may nawawala. Parang may something na kailangang idagdag. Parang may kulang. Alam kong wala akong karapatang mag-isip nang gano’n. Hindi ako designer. Hindi rin ako parte ng kumpanyang ‘to. Pero hindi ko rin mapigilan ang isip ko. Dahan-dahan kong isinara ang folder at ibinalik sa mesa. Akmang aalis na sana ako nang may marinig akong boses sa likod ko. “What are you doing with that designs?” Napahinto ako. Si Kerill pala. Nakatayo siya sa may pintuan, tuwid ang tindig, diretso ang tingin sa akin. Hindi galit. Hindi rin naman nakangiti. “S-sorry,” agad kong sabi. “Hindi ko sinasadyang pake-alaman. Nakabukas kasi.” Lumapit siya. Tiningnan ang folder na parang kabisado na niya ang bawat pahina. “Do you see anything wrong?” Hindi ako sumagot. Baka kasi magalit sya at sabihing wala lang talaga akong maintindihan sa designs nila. “Kung wala, wala,” dagdag niya. Huminga ako nang malalim. “Parang may kulang.” Tumaas ang kilay niya. “Like what?” Nag-alinlangan ako sandali, tapos lumapit ulit sa mesa. Kinuha ko ang isang sketch, at itinuro ang bahagi nito. Sinabi ko lahat ng para sa akin ay kulang at kailangang idagdag. Nagulat ako dahil nakinig ito sa akin kahit hindi ko alam kung tama ba talaga ang pinagsasabi ko. “Tsaka ‘yong kulay,” dagdag ko, mas nangingibabaw na ang kaba kaysa lakas ng loob. Tinapos ko na ang sinasabi ko pero hindi ito sumagot. Nakatitig ito sa mga designs na nakakunot pa ang noo. Matagal siyang hindi nagsalita. “Designer ka ba?” tanong niya bigla. Umiling ako. “Hindi.” “May background ka?” “Wala rin.” Tumango siya. “Then why do you sound so sure?” Tumingin ako sa sketch. "Hindi ko alam. Nararamdaman ko lang na kailangang dagdagan ng gano'n," sabi ko. Kinuha niya ang lapis at tinitigan ang papel. “If you were going to change anything,” sabi niya, “what would it be?” nakatingin ito sa design. Kumuha ako ng isang sketch at itinuro iyon. “Tatanggalin ko 'to. Dadagdagan ko ng volume," sagot ko. Habang nagsasalita ako ay sya namang pag-drawing nito sa sketch tungkol sa lahat ng sinabi ko. Pagkatapos ay tumango-tango ito. “You have a taste,” sabi niya. Nagulat ako at hindi agad nakasagot. “May meeting bukas,” sabi ni Kerill. Napatingin ako. “Ah… okay?” taka kong ani. “Kasama ka.” Nagulat ako sa sinabi nya. “Ha?” Bakit ako sasama? “Makikinig ka lang,” dagdag niya agad. “Hindi ka magsasalita kung hindi ka tinatanong.” “Hindi naman ako—” “Alam ko,” putol niya. “But I want you to be there.” Hindi ako nakasagot. "Pero--" "No buts. Prepare yourself," sabi nito at umalis na. Sa meeting kinabukasan, umupo ako sa dulo. Tahimik na nakikinig. May mga pinagusapan sila na hindi ko masyadong na-gets. At minsan naman ay may gusto akong sabihin pero natahimik na lang ako dahil wala naman akong karapatan. “May gusto ka bang idagdag?” biglang tanong ni Kerill sa akin. Kanina pa ba sya nakatingin? Nagulat ang lahat. Ako rin. “Ha?” tanong ko. Tumango siya. Huminga ako nang malalim. At unti-unting sinabi ang mga suggestions ko sa mga bagong designs at pwedeng mga ideyang papatok sa madla. Nakinig lang sila sa akin pero walang nagsasalita kaya kinabahan ako. Paglabas ko ng meeting room, ramdam ko ang mga matang sumusunod sa akin. Hindi galit pero parang nagtatanong. "They like your ideas," biglang sulpot ni Kerill sa likuran ko. "Talaga?" Hindi ko maiwasang matuwa. "But don’t get too happy. They didn’t say anything because I was there." Dugtong nito kaya naasiwa na naman ako. "Ok na sana eh. Dinugtungan mo lang," Sabi ko at nauna na sa kanyang maglakad. Narinig ko pang natawa ito nang mahina na first time ko yatang narinig mula sa kanya. --- Naang makauwi sa bahay ay saktong napadaan ako sa kwarto ni Wency. Nabukas ang pinto at tamang-tama naman na may lumabas. Si Wency iyon at ang putla-putla nya. "Wency, ayos ka lang?" tanong ko. Inismiran nya ako pero bigla na lang itong natumba kaya mabilis ko syang nilapitan. "Jusko, ayos ka lang?" Nagulat ako dahil sobrang init nito. "Mataas ang lagnat mo," sabi ko at binuhat ito papasok ng kwarto nya. Pinahiga ko sya sa kama habang chini-check ang noo nya. Tinawag ko agad si Manang Dores at hiningi ang thermometer. At katulad ng inaasahan, mataas ang lagnat nya. “Kailangan siyang bantayan,” sabi ko. “Tawagin n’yo po si Kerill.” Umiling si Wency.. Mahina pero malinaw. “Don't…” “Wency--" “Ayaw ko,” ulit niya. “Busy siya.” “Hindi pwedeng hindi,” sabi ko, mas mahinahon. “Masama na ang lagay mo.” Hindi na siya sumagot. Pumikit lang ulit, parang kahit pakikipagtalo, wala na siyang lakas. Hindi ko na hinintay si Kerill. Kinuha ko ang basang tuwalya, pinalitan ang kumot, pinainom siya ng tubig. Dahan-dahan. Mabuti na lang at tulog na yata si Wyl sa kabilang kwarto para walang mag-istorbo muna kay Wency habang nagpapahinga ito. Inalagaan ko sya at hindi siya nagreklamo. Tahimik lang. Bumaba na rin kahit papaano ang lagnat nya pero naga-alala pa rin ako. Dumagdag pa dahil sobrang gabi na nang dumating si Kerill. Hindi siya nagtanong agad. Pumasok lang sa kwarto, tumingin kay Wency, tapos sa akin. “How is she?” tanong niya. "Bumaba na ang lagnat nito," Sabi ko. Tumango ito at umupo ng kama habang nakatingin sa natutulog na bata. Kitang-kita ko ang pag-alala sa mukha nito kahit seryuso lang sya. “Did you call the doctor?” tanong niya. “Oo,” sagot ko. Dumating ang doktor makalipas ang ilang minuto. Sinuri si Wency, tinanong ako, at tinanong si Kerill. Viral fever daw. Kailangan ng pahinga. Bantayan ang lagnat at huwag pabayaan. “Stay with her tonight,” sabi ng doktor bago umalis. “Kung tataas pa ang lagnat, tawagan nyo ako kaagad.” Tumango kami pareho. Naging tahimik kami. Walang nagsasalita. “Kung ok lang... Ako na lang ang magbabantay sa kanya?” tanong ko kay Kerill. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya kay Wency. “Do what you think is necessary,” sabi niya sa huli. Lumipas ang gabi na parang walang oras. Paulit-ulit ang pagpalit ko ng tuwalya, ang pag-inom niya ng gamot, ang pag-check ko ng init ng katawan niya. Minsan nagigising siya, minsan hindi. Kapag nagigising, tinitingnan niya lang ako, parang may gustong sabihin pero hindi makuha ang tamang salita. Si Kerill naman ay hindi na umalis nandoon lang sya, nasa upuan sa gilid. Tahimik. Hindi umaalis. Hindi rin kumikilos maliban kung kailangan. Bandang hatinggabi, napansin kong nakapikit na siya. Nakatagilid ang ulo, nakasandal sa sandalan ng upuan. Tulog at halatang pagod. Hindi ko siya ginising. Mas inuna ko si Wency. “Charlene…” bigla niyang bulong. Lumapit ako agad. “Andito ako.” Mahina siyang huminga. “Mainit…” “Alam ko,” sabi ko, pinunasan ulit ang noo niya. “Okay lang. Bababa rin ‘yan.” Hinawakan ko lang ang kamay niya. Bandang madaling-araw, bumaba ang lagnat niya. Unti-unti at dahan-dahan. Umupo ako sa gilid ng kama, pagod na pagod, pero hindi ko iniwan ang kamay niya. Nakahawak lang ako dito hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko, umaga na. At napansin kong may kumot sa balikat ko. Paglingon ko ay andoon si Kerill, gising na rin. Nakatayo sa tabi ko. Tinitingnan kami. . “Bumaba na ang lagnat niya,” sabi ko. Tumango siya. “Thank You.” "Marunong ka rin palang magsabi nyan," sabi ko pero umiwas lang ito ng tingin. Tumayo na ako. Medyo nanghihina. “Magpapahinga lang ako sandali sa labas,” sabi ko. Bago ako tuluyang makalabas, narinig ko ang mahina ngunit malinaw na boses ni Wency sa likod ko. “Tita…” Lumingon ako. Tama ba 'yong narinig ko? Tinawag nya akong Tita? “Don’t go.” Ngumiti ako kahit pagod. “Hindi ako aalis.” At sa unang pagkakataon, nakita kong ngumiti rin si Kerill, hindi sa akin, kundi sa anak niya. Bumalik ako at umupo ulit sa kama. "Wency, magpagaling ka," sabi ko at hinaplos ang buhok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD