#21

702 Words
Charlene’s POV Nagising ako sa katahimikan. 'Yong katahimikang masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Tahimik pa rin ang buong bahay. Madilim ang hallway, pero may ilaw na nakabukas sa kusina. Mahina. Dilaw. Parang ayaw masyadong mag-ingay. Nandoon si Kerill. Nakatayo siya sa gilid ng counter, hawak ang baso ng kape. Nakaputing polo, walang jacket, mukhang hindi pa talaga handa sa umaga. Napatingin siya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. “Good morning,” sabi niya. Walang emosyon. Pero hindi malamig katulad ng dati. “Good morning,” sagot ko. Medyo paos pa ang boses ko. Sandali kaming nagkatitigan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Pero tumikhim sya bigla bilang pagbasag ng katahimikan. “Kumusta si Wency?” tanong ko. “Tulog pa,” sagot niya. “She's table.” Tumango ako. Dapat doon matatapos ang usapan. Dapat bumalik na ako sa kwarto o pumunta sa kusina. Dapat. Pero hindi ako gumalaw. Hindi rin siya. Parang pareho naming hinihintay kung sino ang unang aatras. “Salamat… sa kagabi,” sabi niya bigla. Hindi nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Ginawa ko lang ang dapat kong gawin.” Tumango siya ulit. “Still.” Tahimik na naman. May pumasok na araw sa bintana. Mahina. Dahan-dahan. Tinamaan ang mukha niya. Doon ko napansin kung gaano siya kapagod. ‘Yong klase ng pagod na hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa pagpupuyat o pangamba. “Hindi ka natulog,” sabi ko. “No,” sagot niya. Wala akong maisagot. Ang awkward lang talaga ng paligid. Bandang hapon, dumating si Black. Ang step brother ni Kerill. Hindi ko siya inaasahan. Bigla na lang itong napabisita. “Charlene,” tawag niya, may ngiti, may dalang paper bag. “Dumaan lang ako. May dala akong soup. Baka kailangan mo.” Nagulat ako. “Black? Anong ginagawa mo rito?” “Concerned friend,” sagot niya, sabay kindat. “Bawal ba?” Napangiti ako nang kaunti. Hindi ko napigilan. Nakalimutan ko kung kailan huling may bumisita sa akin dito at sya pa. “Salamat,” sabi ko. Nagkwentuhan pa kami at nasabi ko lahat ng pinagdaanan ko dito pero parang hindi na ito bago sa pandinig nya. " Kaya mo pa ba?" tanong nito. Tumango ako. "Seguro? Kasi andito pa rin ako eh." Pinatawa nya ako sa mga kwento nya kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Paglingon ko sa pintuan ay nandoon si Kerill. Nakatayo lang sya sa may hagdan habang nakatingin sa amin. Kanina pa ba sya dyan? “Okay ka lang?” tanong ni Black na nagpabalik sa akin sa ulirat. "Mukha kang pagod.” “Okay lang,” sagot ko. “Sanay na.” “Baka magkasakit ka nyan," sabi niya, seryoso na. “Ok lang. Bibilhan mo naman ako ng gamot di ba?" Biro ko. " I will buy the whole hospital for you if you want," Natatawa nyang sagot. " Baliw!" Isang oras yata syang nanatili at nakipagkwentuhan sa akin bago sya nagpaalam dahil daw mag trabaho pa ito. Nang tanungin ko kung ano, ang sabi nya ay abangan ko na lang daw sya sa tv. Pag-alis nya ay lumapit naman si Kerill, may hawak na itong kape. " You have a visitor," sabi nya. Hindi iyon tanong. Hindi na lang ako sumagot. “Next time,” sabi niya, malamig ang tono, “tell me if someone is coming here.” Napatingin ako sa kanya. “Kaibigan ko siya at kapatid mo naman 'yon.” “I know,” sagot niya. “That’s not the point.” “Then what is?” tanong ko, hindi ko na napigilan. Huminto siya at hinarap ako. “This house has rules.” “Hindi naman siya pumasok sa kwarto ng mga bata,” sagot ko. “Hindi rin siya nagtagal.” Tsaka bawal ba eh kapatid nya naman si Black? Maliban na lang kung may alitan sila. Tumitig siya sa akin nang mahigpit. “You’re crossing lines.” Napatawa ako, hindi dahil nakakatawa, kundi dahil hindi ko sya maintindihan. "Ano na naman ba?" Inis ko ng tanong. Natigilan ito sandali na para bang nahimasmasan sa mga pinagsasabi nya sa akin. " Nevermind." Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD