Nadatnan ni Charlene ang sarili na nakaupo sa halata namang mamahaling restaurant. Ang kisame ay may chandelier, at sa gitna ng silid ay may mahinang tunog ng piano na pumupuno sa katahimikan. Hindi niya maitago ang pagkamangha, at hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niyang suot sa elegante at mamahaling damit ng ibang tao.
"Breath, girl," biro ni Black, na nakangiti sa kanya.
Nahihiyang tiningnan ni Charlene si Black. "First time ko kasi sa ganitong kagarbong lugar. Pasensya na," mahina niyang sabi.
"No need to say sorry. Order ka lang, akong bahala sa'yo," sagot ni Black, sabay kindatan pa ang dalaga. Napangiti si Charlene, at tila bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya akalain na makakasama niya ang iniidolo niya sa ganitong lugar. Sa tingin niya, siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong mundo.
"Ano pong order nyo, ma’am?" tanong ng waitress habang iniabot ang menu. Ngunit nag-alangan si Charlene; hindi niya mabigkas ang mahahabang pangalan ng mga pagkain. Napagpasyahan niyang ibalik ang menu at mahina lang na sabi, "Tubig na lang po."
"Sure po kayo, ma’am?" tanong ng waitress.
"Her order will be the same as mine," singit ni Black, kaya tumango na lang ang waitress at lumayo.
"Bakit hindi ka um-order?" tanong ni Black sa kanya.
Nahihiya si Charlene. "Hindi ko maintindihan yung mga pangalan ng pagkain dito," sagot niya, at napatawa sina Black at Lander.
"I see..." sagot ni Black habang ngumingiti.
Ilang sandali pa, dumating na ang kanilang pagkain. Si Charlene ay nakatunganga lamang sa plato sa harap niya, tila hindi makapaniwala sa hitsura ng mga putahe.
"May problema po ba tayo sa food nyo, ma’am?" tanong ng waitress mula sa gilid.
"Pwedeng magtanong?" sabi ni Charlene, at tumango ang waitress. "Kinulang ba kayo sa ingredients dito? Bakit ang kunti ng pagkain?" Tanong niya habang pinipigilan ang tawa, ramdam niyang katawa-tawa ito sa sobrang kahirapan ng sitwasyon.
"Ah, kasi po, ma’am, special dish 'yan," sagot ng waitress.
"Eh magkano ba 'to?" tanong ni Charlene habang pinagmamasdan ang maliit na plato.
"Dalawang libo po bawat isa," sagot ng waitress.
"Dalawang libo?! Jusko, eh kanin lang ito na may tatlong pirasong baboy sa gilid! Ang mahal naman dito! Sa amin nga, isang subuan lang ito," sigaw ni Charlene, halos hindi makapaniwala.
"Hey, hey, calm down, it’s okay," singit ni Black. "Ayaw ko na palang kumain. Naku, wala akong pambayad dito," dagdag niya habang pinipigilan ang sarili.
"Charlene, it’s okay," sabi ni Lander, sumabay sa paghawak ng kamay niya para pakalmahin.
"Ang mahal kasi, tsaka pambili pa ng sardinas sa loob ng isang buwan yung dalawang libo. Wag na tayong kumain dito," dagdag ni Charlene.
Napahinga ng malalim si Lander at hinawakan ang kamay ni Charlene upang pakalmahin ito, dahil napapansin niya na lahat ng atensyon sa restaurant ay nakatuon sa kanila.
"Okay lang..." sabi ni Lander, "Charlene, my brother can afford the food, kaya okay lang."
"Hindi nyo ba ako pagbabayarin nito? Wala pa akong pera ngayon," tanong ni Charlene, halatang nag-aalala.
"Yes. Hindi ka namin sisingilin. Libre 'yan, diba? Now, go and eat your food."
Dahan-dahang kumain si Charlene ng paunti-unti, habang pinapanatili ang tingin niya sa paligid upang hindi magpakita ng labis na hiya. Nang matapos siyang kumain, sinalubong sila ng bagong dating na lalake.
"Oh, he’s here na," sabi ni Lander.
Sabay tumingin sina Charlene at Black sa pumasok na lalake. "Here!" Kaway ni Lander sa lalake, na halatang hinahanap sila. Nang makita nito sina Charlene at Black, kaagad itong naglakad papalapit sa kanila.
Kaagad na napansin ni Charlene si Kerill sa mesa. Napangiwi siya sa gulat. "You’re here," ani niya, umagaw ang tingin niya kay Kerill.
"Ikaw na naman?!" inis niyang sabi.
"Yes, ako na naman," sagot ni Kerill, sabay umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Paano ka nakapunta dito?" taas kilay na tanong ni Charlene.
"Baka sumakay ng kotse," sarcastic na sagot ni Kerill, na pinatawa ng mahina nina Black at Lander.
"Antipatiko," bulong ni Charlene, na narinig naman ni Kerill.
"Anyways, why are you with my brothers?" tanong ni Kerill. Napalingon si Charlene kina Black at Lander. "Magkapatid kayo?"
"That’s what I said a few minutes ago," sagot ni Lander, habang nakangiti.
Napapikit si Charlene, inis sa kanyang sarili. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin? At bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang napili mong bwesetin?" tanong niya, halatang nagagalit at naguguluhan.
"Actually, it’s the other way around. You…" tinuro siya ni Kerill. "Need me," dagdag niya, sabay turo sa sarili niya.
"Wala akong kailangan sa’yo," mabilis na tugon ni Charlene.
"Don’t you need a place to stay? Clothes? Food? Money?" tanong ni Kerill, seryoso ang mukha.
Hindi nakasagot si Charlene, ramdam niya na tama ang sinabi niya, ngunit wala pa rin siyang tiwala kay Kerill.
"Calm down, bro. Let me talk to her for a minute," singit ni Black, at inayang lumabas si Charlene.
Dinala siya ni Black sa back door ng restaurant, kung saan sila nag-usap ng mas tahimik.
"Ano ba talagang problema niya? Alam mo ba yung ginagawa niya?" tanong ni Charlene, halatang naiinis at naguguluhan.
Huminga ng malalim si Black bago sumagot. "Actually, Charlene, Kerill needs your help. As in, ASAP."
"Ha? Eh hindi ko naman siya gets," sagot ni Charlene, halatang confused.
"The reason why he wants you to sign a contract with him is to win his children back. Permanently," paliwanag ni Black.
Natigilan si Charlene, halos hindi maintindihan ang sinasabi.
"Charlene, kailangan niya ng magtatayong Ina sa mga anak niya for a few months until makuha niya ang custody ng mga bata. And he needs your help," dagdag ni Black, seryoso ang tono.