8

918 Words
Isang araw pa ang lumipas at Sabado na ng umaga kaya walang pasok ang mga bata. Ginawa itong pagkakataon ni Charlene para mas makilala pa sila. Hinanap niya ang mga ito sa kani-kanilang mga kuwarto ngunit wala roon, kaya naisipan niyang bumaba sa sala. Ngunit halos mabalian siya ng buto nang hindi niya mapansin ang mga jolens na nakakalat sa hagdan. Sa isang maling hakbang ay nadulas siya. Wala siyang mahawakan, kaya dire-diretso siyang gumulong pababa hanggang sa dulo ng hagdanan. Isang malakas na impact ang sumalubong sa katawan niya nang tumama siya sa matigas na tiles ng sahig. Nanlambot ang buong katawan niya sa sakit. “Good morning, Charlene.” Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at bumungad sa kanya ang kambal at si Lily, nakatayo sa harapan niya. Nakangisi silang tatlo habang pinagmamasdan siyang halos hindi makatayo. Hindi na niya kailangang alamin, alam na niyang sila ang may pakana ng nangyari. “You said makikipaglaro ka sa amin,” sabi ni Wency. “Do you want to play hide and seek?” Piliting tumayo si Charlene kahit ramdam niya ang kirot sa buong katawan. Pinilit niyang ngumiti. “S-sige,” nauutal niyang sagot. Mula sa ikalawang palapag ay nakita niya si Erica, nakatayo lamang at nakatingin sa kanila. Walang emosyon ang mukha nito, ngunit nang magtama ang mga mata nila ni Charlene ay bahagya itong ngumisi. “Good luck,” bulong ni Erica bago tuluyang umalis. “We will hide, and you will find us. Okay?” nakangiting sabi ni Wyl. Hindi na nila hinintay ang sagot ni Charlene at sabay-sabay nang nagsitakbuhan palayo. Wala siyang nagawa kundi sundan ang laro. Kahit pakiramdam niya ay may nabali sa katawan niya, nagpilit siyang maglakad. Una niyang hinanap si Lily at nagtungo sa indoor playground. Napakalawak nito. Iika-ika man ay naglibot siya hanggang sa may mapansin siyang ulo ng bata sa likod ng malaking sofa. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Inakala niyang si Lily iyon kaya marahan niya itong kinalabit, ngunit halos mapatalon siya sa gulat nang bigla itong humarap sa kanya. Hindi iyon si Lily. Isa pala iyong human-size doll, eksaktong replika ng Annabelle mula sa isang horror movie. Sa sobrang takot ay napasigaw siya at napaupo sa foam flooring. Nanginginig ang buong katawan niya. Pagkatapos no’n ay narinig niya ang mahinang tawa ni Lily mula sa malayo. Paglingon niya ay nakita niyang tumatakbo palabas ng playground ang bata. Mabilis siyang tumayo at sinipa ang manika palayo. Ilang beses siyang napalunok, pilit pinapakalma ang sarili. Napakasindak ng itsura ng manika, ramdam niyang babangungutin siya nito. Lumabas siya ng playground at sinundan si Wency, ngunit hindi na niya ito naabutan. Naglibot siya habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng bata. Papasok na sana siya ng bahay nang biglang may bumagsak na malaking flower vase sa mismong harapan niya. Basag na basag ito sa sahig. Napatigil ang kanyang paghinga sa gulat. Kung naging isang hakbang lang siyang mas mabilis, tiyak na tinamaan siya noon. “Diyos ko po…” mahina niyang bulong habang hawak ang kumakabog niyang dibdib. “Ay, sayang.” Napalingon siya sa veranda at nakita si Erica, nakatayo sa itaas, nakangisi. “E-Erica… b-bakit--” “Isn’t it obvious?” malamig nitong sagot. “I don’t like you here. Umalis ka na, Charlene, habang maaga pa. Dahil kung hindi, sisiguraduhin naming magiging impyerno ang buhay mo sa mansion na ’to.” “Layas!” Kasabay ng sigaw nito ay inihagis niya ang isang maliit na flower vase. Nailagan iyon ni Charlene, ngunit tuluyan na siyang nilamon ng takot. Mabilis siyang tumakbo papasok ng bahay at diretso sa kuwarto niya. Isinara niya ang pinto at nilock ito, saka napaupo sa sahig habang nakasandal sa pinto. Nanginginig ang mga kamay niya, at hindi niya mapigilan ang pag-iyak. Tama pala ang mga babala. Hindi basta-bastang mga bata ang mga anak ni Kerill. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin kung tatagal pa siya roon. Bigla siyang napapitlag nang may kumatok sa pinto. “Charlene? Ayos ka lang ba?” Boses iyon ni Manang Dores. Binuksan niya ang pinto at agad na niyakap ang matanda. Patuloy pa rin siyang nanginginig. “Diyos ko, Charlene. Ayos ka lang ba?” alalang tanong nito. “Manang… bakit po ganyan sila?” umiiyak niyang tanong. Pinaupo muna siya ni Manang Dores at pinainom ng tubig bago nagsalita. “Simula noong iwan sila ng mommy nila kay Kerill, ganyan na ang mga ugali ng mga bata. Galit sila, galit na galit. Pakiramdam nila, hindi sila minahal. Iniwan sila ni Monica, at si Kerill naman ay palaging may dinadalang bagong babae rito.” Huminga ito nang malalim. “Hindi nila matanggap, kaya ginagawa nila ang lahat para mapalayas ang sinumang babaeng tumapak sa mansion na ’to. Mas masahol pa ang naranasan ng mga nauna sa’yo. Halos ikamatay nila ang pananatili rito.” Nanlaki ang mga mata ni Charlene. “Pero hindi ko sinasabi ’to para takutin ka,” mabilis na dagdag ni Manang Dores. “Ikaw na lang ang pag-asa namin. Kaunti na lang ang natitirang panahon kay Kerill bago mawalan siya ng mga anak.” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Charlene. “Kaya nagmamakaawa ako, huwag mong susukuan ang mga bata. Mabubuti sila, Charlene… kung may magtitiis lang na umunawa sa kanila.” Tahimik na tumango si Charlene habang pinupunasan ang mga luha. “Ita-try ko po,” mahina niyang sagot kahit hindi niya alam kung paano. Alam niyang hindi pa roon magtatapos ang pangaapi sa kanya. At mas kinatatakutan niya ang mga susunod pang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD