9

646 Words
Kinagabihan ay muling sinubukan ni Charlene na lapitan ang mga bata—kahit pa sariwa pa sa isip niya ang lahat ng pahirap na naranasan niya mula sa mga ito. Gabi na rin, kaya naisipan niyang dalhan sila ng meryenda habang naglalaro ang mga ito sa kuwarto ni Erica. May dala siyang tatlong basong gatas at isang basong apple juice—paborito raw ni Erica, ayon kay Manang Dores. Mayroon din siyang hiniwang mansanas at kahel na nakalagay sa isang malaking tray. Pagdating niya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok. “Come in,” narinig niyang sabi ni Erica. Dahan-dahan siyang pumasok at kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga mukha ng mga bata nang makita siyang siya ang nasa pintuan. “I thought you already ran away?” sarkastikong tanong ni Erica habang nakaupo sa sofa, kaharap ang mga kapatid. Hindi ito pinansin ni Charlene. Tahimik niyang inilapag sa mesa ang dala-dala niyang pagkain. “Alam kong gutom na kayo,” mahinahon niyang sabi. “Kaya dinalhan ko kayo ng makakain.” Walang emosyon ang mga batang nakatingin sa kanya. “Sorry, what?” malamig na sambit ni Erica. “We can’t understand you. Please speak in English.” Sabay krus ng mga braso nito. Pinilit ni Charlene na huwag ipahalata ang sakit na naramdaman. “I… uh…” sandali siyang nag-isip. Alam naman niyang marunong siyang mag-Ingles, ngunit nanginginig ang boses niya. “You should eat.” Medyo matigas ang tono niya at iyon ang ikinatawa ng mga bata. “Your accent sucks.” Tinuro ni Erica ang baso ng apple juice at dinampot iyon. Hindi pa man nakakahinga nang maayos si Charlene ay bigla nitong isinaboy ang laman ng baso sa mukha niya. Nabasa siya mula ulo hanggang dibdib. “You deserve it,” sigaw ni Erica, nag-aalab ang galit sa mga mata. “You will never replace our mom. Never. No one can replace her!” Tahimik lang si Charlene, basang-basa, nanginginig, ngunit nakatayo pa rin. “Alam ko,” marahan niyang sagot. Nagulat ang mga bata. “Hinding-hindi ko susubukang palitan ang mommy n’yo,” patuloy niya, pilit kinokontrol ang boses. “Nandito lang ako kasi alam kong kailangan n’yo ng makakasama. Kaya sana--” “No.” Si Wency ang sumingit. “We don’t need you here,” malamig nitong sabi. “No one needs you here. You should go, Charlene. Dahil hindi mo alam ang kaya naming gawin kapag tumagal ka pa rito.” “We will make your life a living hell.” Nanigas si Charlene. Hindi siya makapaniwalang kayang sabihin iyon ng isang labing-anim na taong gulang. Walang bahid ng biro ang mga mata nila, seryoso, malamig, at nakakatakot. Saglit siyang natigilan, ngunit lumunok siya at marahang pinunasan ang basang mukha gamit ang kamay niya. “Hinding-hindi ako aalis,” matatag niyang sabi. “Kung gusto n’yo akong itaboy, kailangan n’yo pang galingan.” Nagulat ang mga bata. “Good night,” huling sabi niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Bumalik siya sa sarili niyang silid at humiga sa kama. Nakatingin siya sa kisame habang bumabalik sa isip ang lahat ng nangyari. Gusto niyang umalis. Pagod na siya. Natatakot. Pero naaawa rin siya sa mga bata. Alam niyang hindi sila masama, kulang lang sila sa atensyon at pagmamahal. Kaya gusto niyang baguhin sila, kahit sa sarili niyang paraan, kahit sa kaunting panahon lang. At hindi rin siya pwedeng umalis. Malaking tulong ang isang milyong pisong ipinangako ni Kerill. Sapat iyon para mabawi ang lupang naibenta nila noon sa kamag-anak, lupang matagal na inalagaan ng kanyang ina bago pumanaw ang kanyang nakatatandang kapatid na nabaril sa Maynila. Hindi siya pwedeng umatras. “Kaya mo ’to, Charlene,” bulong niya sa sarili habang pinipilit patatagin ang loob. Alam niyang ito pa lamang ang simula ng impyernong haharapin niya sa bawat sulok ng mansion na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD