Tuluyang na ngang hindi ako nakatulog. Nawala na ang antok na kanina pa nagpaparamdam sakin. Ang daming tabong bigla ang pumasok sa isip ko, isa na dyan ay bakit ko siya pinatayan ng tawag at pangalawa baka naman hindi siya yun, baka yung owner ng catering at naniningil sa nabasag kong baso. "s**t" tapik ko sa ulo, hindi ko pa pala natanong kay Gary ang number ng owner ng catering, nakakahiya ka Raf, ano ba ang ginagawa mo?
Ngunit sa kabila ng ilang taon, kakatuwang ganun pa rin ang impact ng lalaking iyon sayo, ganun pa rin nya pabilisin ang t***k ng puso mo at ganun na lang kabilis na mawala ka sa ulirat ng dahil sa lalaking yun maging ang antok mo tuluyan ka nang nilisan sa mga oras na ito. Isang malakas na buntong hininga na lang ang nailabas ko habang papalabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa kusina ng maamoy ang nilulutong ulam na nagpakulo ng tyan ko.
“Ate, ano ulam mamaya?” Tanong ko sa hipag ko ng madatnan ko sya sa kusina.
“Ginataang kalabasa at sitaw na may alimasag, alam kong yun ang paborito mo kaya ayun ang iluluto ko”
Hindi nga ako nagkamali, tama ang hinala ko. Naririnig ko pa lang tumutulo na laway ko. Aaahhh
“Ui laway mo hehe gutom kana ba? Mabilis lang naman to maluto” Natatawang baling sa akin ng hipag ko habang pailing iling pa ito.
“Sige ate kaya ko pa maghintay” Sagot ko sa kanya habang papuntang lamesa.
“Sya nga pala, nung isang araw may pumuntang tao dito hinahanap ka”. Sambit nya habang patuloy pa rin ito sa paghalo sa nilulutong ulam.
“Huh? Sino daw? Ano itsura?” Takang tanong ko naman sa hipag ko. Sino naman ang maghahanap sakin dito?
“Hindi sinabi yung pangalan eh pero base sa pisikal na pangangatawan, matangkad sya, maganda ang pangangatawan at gwapo, akala ko nga model eh kasi yung tindig pang model pero hindi eh, naka uniform ng pulis eh” sabay baling nito sa akin ng banggitin ang mga katagang pulis. Nagtataka nito akong tinignan habang ako para akong nabilaukan ng marinig ko ang salitang pulis “P-Pulis a-ate?”
“Oo pulis, bakit ganyan reaksyon mo? May ginawa kaba? Ano ba nangyari? Ano ginawa mo? Hinuhuli kaba nun?” Sunod sunod na urirat ng hipag ko saka pinatay ang kalan at sumunod sa akin sa lamesa saka ito naupo at may nagtatanong na matang nakabaling sa akin.
“Ay ate grabe ka sa judgemental ah, syempre wala ako ginawa, nagulat lang ako. At ayun na nga bakit naman ako hahanapin ng pulis eh wala naman ako ginawa” balik tanong ko sa kanya habang pilit itinatago ang isiping may ideya na ako kung sino ang naghahanap sa akin.
“Ayun na nga kaya nagtaka ako eh. Tinanong nya kung kelan ka daw uuwi dito” sambit muli ni ate saka tumayo uoang kumuha ng pinggan sa kusina.
Kunot noo ko namang binalingan ang hipag ko “Sinabi mo?”
“Syempre hindi, mamaya huhulihin ka nga eh di wala na nakakulong kana” sabi naman nito na siguradong sigurado sya na hindi nya nga talaga sinabi saka pinatong ang mga pinggan at kutsara sa lamesa.
“Pero sinabi ko baka etong biyernes matuloy ka pero diko sinabing sigurado ang paguwi mo” toinks ok na eh, ang akala ko lang pala.
“Oh ano sabi ate? Babalik daw ba?” May halong kaba ang tanong ko na yun at halong pagka excite na rin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
“Hindi na sya sumagot, nagpaalam na lang bigla”. Saka ito muling bumalik sa kusina uoang kumuha naman ng kanin at ulam.
Tumayo na rin ako upang tulungan ang hipag ko sa paghahanda ng makakain habang ang isip ko ay lumilipad sa nagiisang tao lamang.. Kay Anthony. Sana nga nagkakamali lang ako ng naiisip. Pero narito pa rin ang kaunting pag-asa na sana nga hinahanap niya ako.
Nasa videokehan kami sa isang arcade dito sa mall ng kaibigan kong si Zoe kasama si Anthony na boyfriend ko habang nagpapalipas ng oras bago pumasok sa klase namin. Kakatapos lang ng duty namin sa fast food chain na pinapasukan namin. Parehas kami ni Zoe na working student, naging hobby na namin ito ang magpalipas sa videokehan. Si Anthony naman ay galing sa Batangas, pumasyal lang dito sa Manila para puntahan ako, nagaaral din sya dun ng kursong Criminology dahil pangarap nya daw ito, ang maging isang Pulis.
“Mahal kanta ka” sabi ko kay Anthony
“Sige Mahal, play mo yung Makita kang Muli” agad ko namang hinanap yung kantang gusto nya. Nagsimula nang tumugtog ang kakantahin nya at sya ay nagsimula na ding kumanta.
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko habang kumakanta sya at malamlam ang matang nakatitig sa akin.
Maghintay ka lamang, ako’y darating…
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong Puso..
Lahat ay gagawin, Makita kang Muli
Hindi ko maintindihan kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata nya. Parang may bigat na dinadala. Nakatitig lang sya sakin habang kumakanta at nakahawak lang sa kamay ko. Hanggang matapos nya ang kinakanta nya.
“Parang may hugot mahal ah, bakit yan napili mong kantahin?” Tanong ko sa kanya ng nakangiti pa.
“Kung sakaling dumating ang araw na magkahiwalay tayo, pangako mahal pag naging pulis na ako hahanapin kita” seryoso nyang sagot. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya, nasabi ko na lang
“Pangako?” Tumango lang sya at nagpatuloy kami sa kantahan.
(End of Flashback)
"Rafaela"
Agaw atensyon sa akin ng hipag ko.
"Po?" sagot ko naman.
"Anong Po? Sabi ko kung tapos kana kumain, pumunta kana sa kwarto at kami na ang bahala dito. Magpahinga kana, sa itsura mong yan mula pa kanina, mukhang kailangan mo na talaga ng pahinga. Ok ka lang ba?" may pagaalalang baling nito sa akin.
"Ok lang ako ate, sige ate mauuna na ako sa kwarto. Medyo inaantok na rin ako sa dami ng nakain. Salamat sa masarap na pagkain, na miss ko talaga ito" ngiti at yakap ang sinukli ko sa nagaalala nyang itsura. Saka ako lumakad patungo sa kwarto.
Could it be? Imposible, kasal na sya eh. Baka nagkakamali lang ako.