"Apo! Nagustuhan ba ni Cain ang luto ko?" bungad sa akin ni Lola pagdating ko sa bahay. "Opo, 'La." Maikli kong sagot. Pumanhik agad ako at dumiretso sa hagdanan patungo sa aking kuwarto. "May problema ba?" tanong niya. Sinundan pala niya ako. "Wala ito, 'La. Sumakit lang po ang ulo ko." Matamlay kong sagot. "Teka at ikukuha kita ng gamot." "Huwag na lang po Lola. Itutulog ko na lang..." "Sigurado ka ba?" alalang tanong niya sabay sapo sa noo ko. "Hindi ka naman mainit." "Itutulog ko na lang po." "O, sige. Maiwan na kita rito para makapagpahinga ka na," aniya at pumihit na pababa ng hagdan. Pasalampak ako na humiga sa kama. Paulit- ulit na bumalik sa isipan ko ang eksena kanina sa opisina ni Samaniego. "I'll call you, when she feels alright." Alalang sambit sa akin ni Saman

