Batid sa mukha ni Samaniego ang inis habang kumakain kami ng agahan. "Mabuti naman at ikaw ang nakakita sa apo ko, Paul," si Lola. "Kasalanan ko rin po kung bakit siya nadapa. I was running after her." "Bakit mo siya hinahabol?" tumaas ang kilay ni Samaniego. "Nagulat kasi ako." Ako na lang ang sumagot. "Okey na po ako, 'La. Huwag na kayong mag-alala. Konting galos lang naman 'to." "Sinabihan na kitang uulan. Hindi ka nakinig." sermon ni Lola. Yumuko ako. Nakakahiyang sinesermunan ako sa harap ng mga bisita. Binilisan ko ang pagkain upang makaakyat na sa aking kuwarto. "I'm done." Malumanay akong tumayo. At paika-ikang humakbang ngunit napaupo ulit ako dahil sa na-sprained kong paa. Sabay na napatayo sina Paul at Samaniego. Naunang dumalo sa akin ang aking nobyo. "Are you

