Kabanata 2

723 Words
"Don't tell me, hihingi ka pa ng tulong para iahon kita riyan sa putikan. You've got to be kidding me, Miss!" mukhang nandidiring galit na saad sa akin ng guwapong anak ni Dra. Samaniego. Sobrang sakit ng balakang ko dahil sa pagkakabagsak ko sa putikan. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng kanyang sasakyan. "I gotta go. I have a meeting to attend." Mabilis siyang sumakay sa kanyang Lambhorgini at pinaharurot ang kotse niya papalayo. Dahan dahan akong tumayo. Huwag din niyang sabihin sa 'kin na hindi niya ako kilala? Greg Samaniego will be always be Greg Samaniego. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Greg Samaniego. MASAMANG tao! Six years ago noong ipagkalat niya sa buong campus ang lihim kong pagkakagusto sa kanya. Umani ako ng kantiyaw. Araw araw na insulto dahil lantaran ko noon na sinasabi sa iba na hindi ko gusto si Greg. Iyon pala ay mapapabilang din daw ako sa mga babaeng nahuhumaling sa kaguwapuhan ni Greg Samaniego. Hanggang sa nagdesisyon akong lumipat na lang ng mapapasukang university. Dahil hindi ko na kaya. Pinatay ko sa puso ko ang lihim kong pagtingin sa kanya. Nag-isip ako noon kung pano ako makakaganti sa kanya. Pero lagi kong naiisip noon ang mga sinabi ni Paul. "Let KARMA do it." Nag-init ang ulo kong bumalik sa bahay. "O apo! Akala ko ba may meeting kayo together with your new client? Bakit bumalik ka?" takang tanong ni Lola nang makita niya akong papasok sa gate namin. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng kanyang mga halaman. "La. Nadumihan po ang suot ko. Magpapalit lang po ako!" patakbo kong tinahak ang loob ng bahay. Muntik ko ng makalimutan na ngayon pala darating ang bago naming kliyente. Nang dahil sa Greg na iyon! Habang nagbibihis ako ng panibagong corporate attire ay paulit-ulit naman na nagriring ang phone ko. Agh! Mabilis kong tinapos ang pagbihis ko at sinagot ang phone. "Hello, Sir. Im on my way." "Please be here in 30 minutes. Tumawag na ang bago nating client. He will arrive here in any minute. Natraffic lang daw," aniya sa kabilang linya. "Yes, Sir. I'll be there," sabi ko habang bumababa sa hagdanan. Riding a taxi this Monday morning is not in my plan pero wala na akong choice kundi doon sumakay. Binilinan ko si Manong driver na magshort cut na lang. Sumang-ayon naman sa akin ang panahon kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na agad ako sa aming opisina. "I know you just finished your latest project pero I highly appreciate your presence here, Ms. Martin," sabi ng boss ko habang nasa conference room kami. Hinihintay na lang namin ang pagdating ng new client namin. Pagtapos ng kolehiyo ay pumasa agad ako sa pagiging architect. Isa rin ako sa paborito ng mga kliyente namin kaya kapag may bagong proyekto ay napupunta sa team namin. "Oh! There he is!" Biglang tumayo si Boss para lapitan ang aming kliyente. Nagsipagtayuan na din ang tatlo pa naming kasama. Medyo may katangkaran si Mr. Dy, ang aking boss kaya hindi ko pa nakikita ang mukha ng aming kliyente. "It is an honor na kami ang napili mo para maitayo ang bago mong mansion, Mr. Samaniego," saad ni Boss. Samaniego. Samaniego. Samaniego. "It is also a pleasure, Sir," sagot ng baritonong tinig. Humarap na si Boss sa amin at tumambad sa amin ang kanyang kausap. Halos malunok ko ang aking dila. Of all people? I remain my composure. Ngumiti ako at isinilid sa utak ko ang inis na nararamdaman ko. Gigil na gigil ako pero anong magagawa ko? Kliyente ang kaharap namin. Bilyon ang worth ng proyektong ito. Hindi ko puwedeng pairalin ang pagiging maldita ko rito. Kailangan ko pa rin maging propesyonal. "Mr. Samaniego, please to meet Ms. Martin. My most intelligent architect," pagpapakilala ni Boss. Ngumiti sa akin si Samaniego. Plastik! Ako lang ba? O sadyang hindi siya nagulat na ako ang architect ng magiging mansion niya? Mabilis niyang inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya. "Ms. Martin is shaking," biro niya na hindi nakatakas sa pandinig ng mga kasama ko sa conference room. Hindi nila napigilan ang pagtawa. Para hindi mapahiya ay ngumiti na lang ako. "Maybe because of the aircon, masyadong mahangin. Ay. Este. Masyadong malamig," sagot ko. Hindi nakatakas sa akin ang lihim niya ngiti. Nagpatuloy na kami para pag-usapan ang ipapatayo niyang mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD