Kabanata 3

1981 Words
"I'm sorry but I have a site to visit, Sir," sagot ko kay Boss. They're inviting me over a lunch dahil sa successful signing of contract with Mr. Samaniego. "Come on, Ms. Martin. I'll call architect Yuson para siya na ang bahala sa project na yun," yaya pa niya. "Sir. Mr. Samaniego is waiting," putol sa amin ng secretary niya. Nakatayo siya sa bungad ng pinto. Nasa labas na si Samaniego dahil sa phone call niya kanina pagtapos magpirmahan. "Nakakahiya kay Mr. Samaniego if you'll take down his invitation, Ms. Martin," dugtong pa niya habang lumalabas ng opisina ko. Napakamot na lang ako sa ulo. Actually, alibi ko lang 'yong site na bibisitahin ko. Hindi naman ako kailangan ngayon doon. Pero dahil boss ko na ang nakiusap. Napilitan na lang akong sumama sa lunch. "Alam mo Mr. Samaniego, Ms. Martin is really one of my brightest architect in the firm. She graduated as a cumlaude in Nicholastica University. She's also at the top nung board exam nila. In-demand din siya sa mga clients namin." Pambibuild-up sakin ni Mr. Dy habang kumakain na kami sa isang well-known exclusive restaurant. Napapailing na lang ako. Tatlo na lang kaming nagtanghalian dahil may urgent calls sa tatlo naming kasama kanina sa conference room. "Nicholastica? I thought, you were in Berkinston University, Ms. Martin?" takang tanong ni Greg. Nasamid ako pagkatapos ko siyang marinig. Mabilis naman niya akong inabutan ng table napkin. Naguguluhang napatingin sa amin ang boss ko. "You knew each other?" tanong niya. Tumango si Mr. Samaniego. "Yes." "In fact, we've been schoolmates before." Lihim pa siyang napangiti pagtapos niyang banggitin ang salitang schoolmates. "Oh! Small world, isn't it?!" bulalas ni Boss. "So how are you, Nicasia?" si Greg. Napaubo ulit ako. Agh! I really hate my name. Ngayon ko lang ulit narinig ang buong pangalan ko. "I'm fine, sir Samaniego," sagot ko. His lips curled upward. Hindi ko na lang pinansin. Napunta ang usapan sa ibat-ibang proyekto na natapos na namin kaya nagpapasalamat ako kay Boss dahil nailiko sa iba ang topic. Inabot din kami ng halos isang oras sa pagkain dahil napasarap ang usapan nila. 'Tsaka lang ako nasasali sa usapan kapag may sasabihin si Mr. Samaniego about his plans for his mansion. "So, I'll be expecting you in a week, Ms. Martin. You and your team are welcome in my kingdom," sabi ni Mr. Samaniego nang ihatid na namin siya sa parking lot. "Thank you for trusting our firm, Sir." Sabay lahad ng kamay ko para makipagkamay na agad naman niyang tinanggap. Nakipagshake hands din siya at nagpasalamat ng husto kay Boss at nagpaalam na. "You know what, Ms. Martin?" napapangiting saad ni Boss. "You are really my charm." "Naku, boss. Kaya lumalaki ang ulo ko dahil sa mga papuri mo,” biro kong saad. Sinabi niyang nagsasabi raw siya ng totoo. At para patunayan iyon at hinatid pa ako sa aming bahay. Naroon na si Paul nang makarating ako roon. "Is this fate?" tili ni Paul habang ikinukwento ko sa kanya ang nangyaring eksena kanina sa firm. "Oh, my God!" When I decided to trasfer to another university, sumama siya sakin. And right there, I noticed na unti-unti na niyang ipinapakita ang tunay niyang PAGKABABAENG-PUSO! "Ano bakla? Guwapo pa din ba? Macho na ba? Yummy pa din ba ang katawan? Oh my Yumminess!" yugyog niya sa magkabilang balikat ko. Natatawang inilapag ni Manang Maring ang merienda namin sa coffee table habang tinititigan kaming dalawa. "Magmerienda muna kayo. Paula! Este Paul! Wag mong masyadong alugin yung alaga ko," saway niya at nagpaalam dahil may iniutos pa daw sa kanya si lola. "Oh my God talaga, Nicas—Nica!" lupasay niya sa sahig. "Ang suwerte mo, nakita mo ulit siya." "Tumigil ka na diyan, Paul. OA na yan, ha?" natatawa ko siyang hinampas ng heart-shaped throw pillow na nasa tabi ko lang. "Uyy! Namumula! Blushing... O! O!" turo niya sa pisngi ko. Nag-init iyon. "Ano? Crush mo pa rin, no? Umamin ka," saad ulit niya. "Hay, Greggy ko?" sabay yakap niya sa throw pillow na ibinato ko sa kanya kanina. Nag dreamy eyes pa siya kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Enough of Mr. Samaniego, Paul." "Uy... Namumulang parang strawberry!" Pinamulahan ako lalo ng mukha. "Ano ba? Paul.. Isa!" "Pangarap kong maging girlfriend ni Greg Samaniego" yakap ulit niya sa throw pillow while mimmicking my voice, six years ago. "Ah! Ganyanan ha?" tumayo ako at akmang lalapit na sa sahig nang tumakbo siya sa hagdanan. Hinabol ko siya pero sa dulo ng hagdan ay naroon si lola. "Naghaharutan na naman kayong dalawa. Kaya minsan ay napagkakamalan kayong magkasintahan dahil sa sobrang closeness niyo." Napa-EWW naman agad si Paul. Hindi alam ng pamilya ni Paul ang tungkol sa kanyang pagiging pusong babae. His father has a heart failure kaya ayaw niyang ipaalam sa kanyang pamilya. Ako, si Manang Maring at Lola ang tanging nakakaalam sa kanyang tunay na katauhan. "Like Y-U-C-K-S My Fairy Lola! Never!" tikwas ng mga daliri ni Paul. "O, siya! Umakyat na kayo sa taas at baka mahulog pa kayo rito," saway niya sa amin. Para lang kasi kaming mga pasaway na bata. "Ano na? Make kuwento naman, Nica!" kulit ulit niya nang makapasok na kami sa kuwarto ko. Binuksan ko ang sliding door sa balcony para makapasok ang preskong hangin sa loob ng kuwarto at pasalampak na humiga sa aking kama. "Wala akong ikukuwento, Paul." "Please... Ano? Kelan kayo magkikita? Sisteret! I want to meet him, too?" sabi niya habang pinagdidiskitihan naman ngayon ang buhok ko. He lay down beside me. "Ano na?" "Next week." "Oh my GOD! Really?" "Sa Laguna." "That far? Bat ang layo? Don't tell me, doon ipatatayo 'yong mansion niya? "Far ba 'yong 2-3hours drive?" tawa ko at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. "Anong 2-3 hours drive ka riyan. Didn't you calculate the traffic ek-ek na yan?" "Oh!" napatampal ako sa noo ko. "But, we'll be staying there while building his mansion. Kaya hindi rin problema ang traffic." "Really!? Even your whole team?" halos bumilog pa ang singkit niyang mata noong tiningala ko siya. "Yeah. This isn't my first time working afar naman. Parang hindi ka na nasanay. Eh, ikaw din naman. Nadestino ka na nga din sa Mindanao." "Oh, sisteret! Never mention my experience there again!" maarte niyang sabi. "Ano nga ulit yung nangyari sa 'yo roon?" natatawa kong tanong sa kanya. Biglang umasim ang mukha niya at patakbong dumuwal sa aking banyo. He was seduced by a girl. At bumigay siya. "These will be your quarters," saad ng assistant ni Mr. Samaniego nang makarating kami sa Laguna. He's not here pagdating namin ng team ko. Nalululang iginala namin ang paningin namin sa buong paligid. Indeed! Welcome to his KINGDOM. Sa baba ng kanilang malawak na bahay sa left wing ay may labindalawang kuwarto na siyang tutulugan ng aming team. Everything is set into perfection. The vast green sorrounding is perfect. Napapaligiran ng ibat-ibang klaseng puno ng narra, acacia, ilang-ilang, at matatayog na puno ng niyog ang kanyang hacienda. Pagpasok pa lang sa kanyang kaharian ay nakaukit na isang arko ang salitang SAMANIEGO's KINGDOM. Bibilang ka ng limang minuto bago marating ang napakalaking mansion ng mga Samaniego. I knew that he is rich when we were studying pero hindi ko akalain na ganito sila kayaman. Sa Maynila kasi kami naging magka-schoolmate noon. "This is a perfect place!" bulalas ni Phillip, isa sa kateam ko. "Magpahinga muna kayo. You will meet Sir Samaniego by lunchtime dahil marami pa siyang inaasikaso sa bayan," ngumiti sa amin ang kanyang assistant. "Miss Martin, please follow me para maituro ko na rin sa 'yo ang magiging kuwarto mo," sabi ni Rigor,' 'yong assistant niya. "Ha? Pwede na ako dito," maang na sabi ko. "Mr. Samaniego has set his instructions at ako ang mapapagalitan kung hindi 'yon masusunod, Miss." Mahigit 60 kami na nasa team ko. Napakalawak na ng left wing na parte ng bahay nila. Mukha ngang aalog pa kami dito sa sobrang laki ng mga kuwarto. Napatingin ako sa mga kasama ko. "Go on, Miss Architect," taboy nila sa akin. Natatawa pa ang iba kong kasama. "Ikaw talaga, Ms. Martin. Napakalaki ng tiwala mo sa amin to think na ikaw lang ang nag-iisang babae sa team na 'to," natatawang saad ng pinakamatandang kasama namin. "One of the boys, e." Tumawa si Phillip. Ngumuso ako. Totoong one of the boys ako at comfortable naman ako na kasama sila. Nagpaalam na ako sa kanila at sumunod kay Rigor. Habang tinatahak namin ang center island ng malaking bahay ay hindi ko mapigilang mamangha sa architect ng kanilang bahay. Sa tantiya ko, it was built in Spanish time. Kung may nabago man ay konting restoration lang. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang napakalaking family painting ng mga Samaniego sa malawak nilang living hall. Maang na napatingin ako sa likuran ni Rigor. Nauuna na siyang naglalakad sa akin. Nasa family painting siya! How can I forget Greg's feature? Kaya pala kanina ay parang hawig siya kay Greg? Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa umakyat siya sa ikalawang palapag using their grand mahogany staircase. "Magandang araw, Senyorita," bati sa akin ng isa sa kanilang kasambahay. Tantiya ko ay kaedaran siya ng aking yaya. "Call her Marie, Ms. Martin. She can run your errands while staying here," saad ni Rigor. Nagpasalamat ako ng iwan na niya ako sa aking magiging kuwarto. Napakalawak nito. Triple ang laki kaysa sa room ko. Gaya ng kuwarto ko sa Maynila ay meron din itong balcony. "Maaari n'yo pong pindutin ang intercom sa gilid ng inyong kama kapag may iuutos kayo sa akin, Senyorita." Magalang na saad ni aling Marie habang tinutulungan ako sa aking bagahe. "Nica na lang po ang itawag mo sa akin," tugon ko. Ngumiti siya. "Aba'y makakagalitan ako ni Señorito kung maririnig niya akong tinatawag kitang ganun, Senyorita," sagot niya at tumawa pa na parang kinikilig. "Ako po 'yong architect na siyang magtatayo ng mansion sa kabilang bahagi ng lupain nila Mr. Samaniego, Aling Marie kaya no need to call me, Senyorita." "Aba'y akala ko ngayon darating ang babaeng..." napatutop si Aling Marie sa kanyang bibig. "Pagpasensiyahan mo na ang aking kadaldalan, Nica kung ganoon." "Wala po iyon," sagot ko. Nangangati akong itanong kung sino ang babaeng darating na tinutukoy niya pero hindi na lang ako nagtanong. Mabilis kaming natapos sa aming ginagawa kaya nagpaalam na din siya at siya na mismo ang nagsara ng pintuan. Pagod akong humilata sa kama. The bed is inviting. Kaya hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagising ako na parang may taong nakatunghay sa aking mukha kaya napabalikwas ako ng bangon. "I'm sorry. Did I scare you? Kanina ka pa kasi kinakatok ni Manang Marie. Napasarap yata ang tulog mo." Nakapamulsa at seryosong saad ni Mr. Samaniego. Napatingin ako sa orasan sa bed table. 2:30 na ng hapon? "Pasensiya na. Napasarap ako ng tulog," sabi ko at mabilis na nagtungo sa banyo ng naturang kuwarto. "I already brought your lunch here." Rinig kong sigaw niya mula sa labas ng banyo. "Thank you!" sigaw ko pabalik habang naghihilamos ng mukha. "Maganda ka na, Ms. Martin," sabi niya na natatawa. I spent 20 minutes doing my routine inside kaya inasahan ko nang wala na si Mr. Samaniego sa aking kuwarto. Pero lumaki ang mga mata ko noong mabungaran ko siya paglabas ko. "You can rest throughout this day, but if you want, you can join your team outside. They are having fun." Palihim ko siyang sinuyod ng tingin. He is just wearing a blue casual shirt and a faded jeans pero napakalakas pa rin ng dating niya. "Are you done checking on me, Ms. Martin?" Nakausli ang labi niya. Hindi ko napigilang taasan siya ng kilay. "Excuse me?" He raised both of his hands. "Woah.. woah! Alright. Lalabas na ako. You can check your team outside." He winked at me and then stormed out of the room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD