"I know I've been harsh to you noong nahulog si Angelique sa kabayo. I'm sorry, I was just so worried about her. Minsan talaga ay napakatigas ng ulo niya," saad sakin ni Mr. Samaniego isang gabing mapag-isa kami sa patio sa harap ng mansion. Naisipan kong magpahangin sa baba dahil hindi ako makatulog. Naabutan ko siya na nauna nang nakaupo sa white bench. He offered me to sit down and have coffee with him. "Okey na 'yon. May kasalanan din naman ako." I replied while feeling the hotness of my coffee. "Am I allowed to ask you personal questions?" Heto na naman tayo. "Kung importante... Bakit hindi?" "Ahmm. Noong nandito pa si Angelique, have you been jealous of her?" I was caught awkward. "No" malumanay kong sagot. "Mmm. Then why are you avoiding me noong mga panahong nandito pa

