"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong lahat na huwag na huwag ninyong hahayaang gamitin ni Angelique ang mga kabayo ng wala ako o si Rigor!" galit na galit na turan ni Mr. Samaniego.
Dinig sa buong living hall ang boses niya. Mula sa mahabang sofa kung saan nakaupo si Angelique na may band-aids sa kamay at tuhod ay makikita mo si Mr. Samaniego na galit na galit ang anyo. Salubong ang kilay at namumula ang mukha.
Halos manginig naman sa takot ang lahat ng mga katiwala nilang nakatayo sa harapan.
May dumaan na asong gala mula sa tinatahak naming daan noong pauwi na kami ni Angelique kaya nagkakakawag ang kabayo.
Hindi nakahawak si Angelique sa tali ng kabayo kaya siya lang ang nahulog.
"Ano ka ba, Greg... Konting galos lang naman 'tong kamay at tuhod ko. 'Yong balakang ko, ayos na. Hindi na masakit. Huwag ka nang magalit sa kanila," masuyo niyang sabi kay Mr. Samaniego.
Matalim na tinitigan ng lalake si Angelique. "You are so stubborn, baby Angelique."
Baby Angelique.
"And you, Miss Martin!"
Napapitlag ako nang marinig ko ang aking pangalan.
"You can't handle horses pero sumunod ka pa rin kay Angelique?" Salubong ang kilay niyang tumingin sa akin. He even put his hands on his waist.
Nakita kong hinawakan ni Angelique ang braso ni Mr. Samaniego. Maybe, to calm him down.
"I'm sorry, Mr. Samaniego." I bow my head down to suppress my tears. Agh! Not now. Bakit ba ako biglang naging emotional? Dahil ba sa unang beses, may nagtaas sa akin ng boses?
"You shouldn't be blaming Nica, Greg. Pinilit ko lang siya kanina. And besides, she carried me all the way here," pagtatanggol ni Angelique sa akin.
"I won't tolerate this, Angelique. No more horses!" maawtoridad niyang pahayag.
Pinabalik na ni Mr. Samaniego ang mga katiwala sa kani-kanilang gawain. Sumunod naman agad ako sa kanila.
Si Mang Leroy at ang limang katiwala sa hacienda ay nagtungo sa labas. Ang mga babaeng katiwala naman ay walang imik na nagtungo sa kusina.
Tulala akong naglakad papunta sa left wing part ng mansion.
I still couldn't contain my trauma kanina. Sobra-sobra ang kaba ko habang karga ko sa likod si Angelique.
"Are you okey?" tanong ni Architect Ricafort nang makasalubong ko siya sa hardin. Mula roon ay natatanaw kong nagkakasayahan ang mga katrabaho ko.
Wala silang ideya sa nangyari.
Tumango ako, still suppressing my tears.
Nagtama ang mga paningin namin. Maybe, I wasn't good at hiding my emotions kaya He enveloped his arms around me.
I silently cried on his chest. Hindi ko mabilang kung ilang minuto kaming nasa ganoong kalagayan.
He carressed my back. Inilabas niya mula sa bulsa ang panyo at iniabot sa akin.
"Are you feeling fine now?" alalang tanong niya. "What happened?"
"Pagod lang siguro 'to. 'Tsaka namimiss ko na si lola. Dalawang buwan na akong hindi umuuwi," pagsisinungaling ko.
Tumaas ang kilay niya. "Hindi kita pipiliting magkuwento." Inakbayan niya ako at iginiya sa mga kasama namin.
"Cheer up. O baka gusto mong giyerahin ng buong tropa si Sir Greg?" bulong niya at tumawa.
How did he know?
Maang akong napatingin sa kanya. He patted my head at ginulo niya ang buhok ko.
"Tara na nga!"
"Apo! Mabuti naman at umuwi ka! Naku... Mis na mis ka ni lola!" masayang bungad ni lola sa akin mula sa gate ng aming bahay.
Mahigpit niya akong niyakap pagkatapos kong magmano.
Natatawa at naiiling naman si Manang Maring habang kinukuha ang binili kong pasalubong para sa kanila.
"Nakow! Mabuti at umuwi ka, Nica. Aba'y hindi sapat ang tawag mo sa lola mo. Gusto'y makita ka ng personal. Pumasok muna kayo sa loob at doon na kayo magkamustahan." Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Huwag mo munang papuntahin si Paul dito para naman masolo kita, apo," lambing ni lola sa akin.
Mula sa kusina'y dinig iyon marahil ni Manang Maring kaya sabay kaming tumawa.
"Opo, 'La" natatawa kong sagot.
Niyakap ako ni Lola. She's all I have right now.
Kapapasa ko pa lang mula sa board exam nang pumanaw ang aking mga magulang. They were excited upon hearing my success kaya nagpabook agad sila ng ticket pauwi ng Pilipinas. There was a extreme turbulence noong nasa himpapawid na ang eroplanong sinakyan nila. The airplane crushed at lahat ng taong lulan niyon ay dead on the spot.
Lola was emotional at that time kaya nagpakatatag ako para sa kanya. I didn't shed any tears. Kinimkim ko iyon. Ayaw kong magpakita ng kahinaan.
"O! Bigla kang nawalan ng imik diyan," puna ni lola. Titig na titig siya sa akin.
"La? Ah. Wala po. Napagod lang po ako sa biyahe."
Tumayo siya at nagtungo sa kusina.
"Halika dito. Mabuting tikman mo ang luto ni Maring. Naramdaman daw niyang uuwi ka kaya iniluto niya ang paborito mong chicken parmesan," saad niya.
Pagdating ko sa kusina'y nakalapag na ang tinutukoy ni lola.
"Sabay-sabay na po tayo," yaya ko sa kanila.
Nagsimula kaming kumain.
"Kumusta nga pala yung project mo, Apo? Napapabilib na naman marahil ang kliyente mo"
"Maayos naman po. 'La"
"Guwapo ba ang kliyente mo, apo?"
Naubo ako sa sinabi ni Lola. Mabilis naman siyang umabot ng table napkin at ibinigay sa akin.
"La naman!"
"Tinatanong ko lang kung guwapo, apo," mahina siyang tumawa.
"Opo, 'La. Pero uunahan ko na po kayo. May fiancée na po yun. At para sa magiging asawa niya yung mansion na tinatayo namin."
Para namang nawalan ng pag-asa ang mukha ni Lola. Samantalang wala namang komento si Manang Maring habang abalang inilalagay sa mga containers ang mga pasalubong ko. Espasol, uraro at kesong puti ang mga iyon.
Uminom ako ng tubig.
"Maalala ko pala, apo. Ano nga ba ulit iyong pangalan nong crush mo noong nasa kolehiyo ka? Tanda ko'y may malaki pa siya noong litrato sa kuwarto mo."
Nasamid ulit ako. Sunod-sunod ang pag-ubo ko.
Nagsalin ng tubig si Manang Maring sa basong nasa harap ko.
"Ate Aseana, kung anu-ano kasing tinatanong mo sa apo mo," natatawang saad ni Manang Maring.
"Aba'y nagtatanong lang naman ako, apo. Galit na galit ka nga noon habang itinatapon mo sa basurahan iyong malaking portrait nong lalakeng iyon."
Nawalan ako ng imik. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
"Ke guwapo ng batang 'yon. Malamang ay lumaking makisig na ginoo," dugtong pa niya.
"At wag ka, ate Aseana. Iniyakan pa niya si ano nga bang pangalan non, Nica?" Dumagdag pa si Manang Maring.
Sabay silang nagtawanan at nag-apir sa harap ko.
Natawa na din ako sa kanila.
"Nakalimutan ko na po ang pangalan non... Ang sarap po ng chicken parmesan, Manang Maring." Pag-iiba ko ng kuwento.
"Kung magbabago ang isip mo apo, nasa kuwarto ko ang malaking kuwadrado ng binatang iyon. Pumunta ka roon at pakatitigan mo ang mukha, baka maalala mo kung anong pangalan niya. Malay mo, kayo pala ang soulmates!" Mahabang turan ni lola na lihim kong ikinagulat.
Yung portrait na itinapon ko. Tinago niya?
"Apo! Matagal ka pa ba riyan? Kanina pa may tawag ng tawag sayo!"
Sigaw ni Lola mula sa labas ng banyo ang narinig ko. Kasalukuyan pa lang akong nagsasabon.
"Pakisagot na lang po, 'La. Naliligo po ako!" sigaw ko pabalik.
Um-okey naman si Lola kaya ipinapatuloy ko na ang paliligo.
Halos trenta minutos ako sa banyo kaya feeling ko ay fresh na fresh na ulit ako. Tinulungan na ako ni Manang Maring kanina na ihanda ang mga gamit ko pabalik ng Laguna.
Alas singko y media pa lang ng umaga kaya hindi pa ako matatraffic sa SLEX. Makakaabot pa ako.
Mabilis akong lumabas sa aking kuwarto dala ang aking malaking backpack.
"O! Tapos na pala ang apo ko, Greg," dinig kong sabi ni Lola noong nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan.
Dahan-dahan akong bumaba.
Nag-uunahan na tumakbo ang mga kabayo sa puso ko.
Nakita kong tumayo mula sa pagkakaupo si Mr. Samaniego nang makita ako. Napatingin ako kay Lola habang itinuturo ang bisita.
"Siya yung tumatawag kanina. Aniya'y isasabay ka na lang daw niya pabalik ng Laguna kaya pumayag na ako, apo. Medyo madilim pa, coding ang sasakyan mo kaya hindi mo ulit magagamit," ani lola.
"Good morning, Ms. Martin," bati ni Mr. Samaniego.
"Morning...." Gumanti din ako ng bati sa kanya.
"O, siya... Lumakad na kayo at baka abutan kayo ng traffic sa daan," si Lola. Itinulak pa ako ng bahagya palapit kay Mr. Samaniego.
"Salamat po, Lola Aseana." Nagmano si Mr. Samaniego kay Lola. Nagmano na din ako kay Lola bilang pamamaalam.
"Siya iyong nasa kuwadrado, apo?" mahinang bulong ni lola ng halikan ko siya sa pisngi. Nagsimulang mangamatis ang aking mukha. Binundol ng kaba ang aking dibdib.
Nilingon ko si Greg. Mabuti nasa driveway na siya at hindi narinig si lola.
"Your grandma is a very jolly person. I didn't feel any dull moments with her kaninang nasa kuwarto ka pa," saad ni Mr. Samaniego nang lulan na kami ng kanyang sasakyan.
"Yeah. Masayahin talaga siya."
"Your parents? Parang hindi ko sila nakita?"
Those words suddenly pricked my heart. Nawalan ako ng imik.
"Did I say something wrong?" Nakafocus siya sa daan ngunit alalang lumingon sa akin.
"None. They passed away a few years ago."
"Oh! Im sorry for bringing it up," very apologetic niyang sabi.
"It's fine."
Biglang tumahimik ang loob ng kotse.
"Mind if I play music?"
"Go on."
"You can sleep if you want. Malayo pa naman tayo."
"That's kinda rude kung tutulugan kita. Ako na nga tong nakikisabay."
"It's alright." Ipinara niya sa gilid ang sasakyan at may kinuha siyang neck cushion sa likuran ng kanyang kotse at inabot sa akin.
"Thank you," I said. Siya pa ang naglagay niyon sa batok ko. Naamoy ko tuloy ang kaaya-aya niyang pabango, amoy mamahalin.
He then tuned in to Campus FM.
Nagsimula ko nang ipikit ang aking mga mata.
Sa kanyang mga mata
di mo makita na mahal ka niya
Dahil sa pagkakamali nagawa
Nung kayoy magkaeskwela pa
Umubo siya to clear his throat.
Pati ba naman kanta may hugot?
Sabi niya ikaw lang ang mahal
Seryoso siya sa lahat ng pangako sinta
Ikaw lang ang hinihintay maghapon
hanggang mag uwian na