"Architect Martin, may naghahanap po sa inyo." Imporma ng isa sa mga construction helper.
Kasalukuyan kong tsini-check ang blueprint ng ilang parts ng ipinapatayong mansion. I lifted my head upon hearing the construction helper.
Behind him is a georgeous lady. She's wearing a baby pink sundress and a pair of silver stillettos.
She smiled at me showing her deep holed dimples. "Ikaw ba ang architect ng mansion?"
"Yes? What can I do for you, Ma'am?" magalang kong tugon. Isinilid ko sa attache case ni Levy ang blueprint.
Then I assisted her outside the site.
"Will it be built within three months?" tanong niya noong bumiyahe na kami papunta sa mansion ng mga Samaniego. Malapit lang naman ang mansion pero dahil may kotse siya ay sumakay na lang kami.
"As far as I oversee the construction, ma'am, yes. Matatapos ho namin ang mansion within the specified time frame."
"Oh! I'm sorry. How rude of me. I forgot to introduce myself. I'm Angelique Caballero." She smiled sweetly sabay abot ng kamay. Nakipagkamay naman agad ako. This lady is so gorgeous. "I haven't met Greg. Is he at the mansion?"
"Yes, Ma'am. Hindi ko po napansing dumaan ang sasakyan niya sa site kaya sigurado akong nandoon siya."
"How long have you been working here?"
"About 1 and a half months, ma'am."
Ni wala siyang kaarte-arte. Hindi gaya nung sexy'ng babaeng laging pumupunta sa mansion.
Teka? Eto na ba yung fiancée ni Mr. Samaniego?
Biglang parang may kumurot sa puso ko. Stop it, Nicasia. Kastigo ko sa sarili ko.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang mansion.
"Maiiwan ko na ho kayo dito, Ma'am Caballero."
"Oh, Please! Angelique na lang." She laughed. Ano nga bang laban ko dito, eh pati pagtawa'y napakagraceful.
"Okay, Angelique. Mr. Samaniego's inside. Maiiwan na kita dito. I have to go back sa site."
"It was nice meeting you, Architect Nicasia Martin." She winked at me and headed toward the front of the mansion.
"Same here, Angelique." Hindi pa man ako tumatalikod para maglakad na ay nakita kong lumabas na ng mansion si Mr. Samaniego.
"Baby!" sigaw niya.
"Greg! Oh my gosh!" Tumakbo siya palapit kay Greg. Itinapon niya ang sarili niya papunta sa nakabukas na mga bisig ni Greg.
My heart suddenly felt a pain.
"You didn't tell me that you were coming. Dapat nasundo kita." Hinawakan niya sa kamay si Angelique.
"Duh? It wouln't be a surprise anymore, GREG!" tawa niya.
I begun walking to the south. Leaving the painful scene behind.
There's a secret passage at the left wing part of the family's mansion papunta sa room ko kaya doon na ako dumadaan simula ng dumating si Angelique.
Ayaw ko kasing makita ang lambingan nila sa living hall na unang nadaanan ko noong unang araw na dumating ang bisita ni Mr. Samaniego.
They were currently playing computer games at the time. Xbox, to be specific.
"Nica, you should join us here. Andaya ni Greg." Tawag sa akin ni Angelique habang abala si Greg sa game controller. Kumaway siya sa akin.
Tinapunan lang ako ng tingin ni Greg at bumalik siya ulit sa ginagawa.
Umiling ako. "Thanks, Angelique. Gusto ko man pero inaantok na kasi ako," pagsisinungaling ko.
Naniwala naman yata siya sa palusot ko kaya hindi na niya ako pinilit.
Sinulyapan ko pa sila noong malapit na ako sa hagdanan. Angelique rested her head at Mr. Samaniego's shoulder.
Umakyat na ako ng staircase at padapa akong sumalampak sa kama pagdating ko sa kuwarto.
Inis na sinabunutan ko ang aking sarili.
Why are you acting like a jealous girlfriend, Nicasia? pinagalitan ko ang sarili ko.
Since then hindi ko na inulit na dumaan sa living hall. Kay Rigor ko nalaman ang secret passage papunta sa ikalawang palapag ng mansion.
"I haven't seen Architect Martin for a week." Dinig kong sabi ni Mr. Samaniego habang kausap si Engr. Levy.
Siya kasi ang lagi kong inaatasan para magreport kay Mr. Samaniego.
I hid under one of the acacia trees outside.
"Iniiwasan niya ba ako?" tanong niya.
"Naku, Sir! Hindi ho," maagap na sagot ni Levy. "Masyado lang pong busy sa site kaya ako na ang nagdala ng folder."
"I better check the construction myself." Nagsimula siyang maglakad patungong site.
Sumunod naman agad si Levy sa kanya.
I dialled Levy's number.
"Architect..." mahinang bulong niya. Nakita kong napalingon si Mr. Samaniego.
"Give me the phone." Dominanteng utos ni Mr. Samaniego.
Walang pag-aatubiling ipinasa ni Levy ang phone sa katabi niya.
"Miss Martin. Where are you?" pagalit na sabi niya.
Pano ba 'to? Kung sasabihin kong nasa site ako, mas mauuna silang darating doon. Kung sasabihin ko namang nasa mansion ako, magmumukhang sinungaling si Levy dahil sa pagtatakip niya sa akin.
"Are you still there?" malumanay na niyang tanong.
Nicasia! Think!
"Nasa bayan ako." Lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.
"Who are you with? Padilim na, a."
"I'm alone."
"Ha! Anong ginagawa mo riyan? Don't tell me nalipat na ang site kaya andiyan ka?" sarkastiko niyang sabi.
"I'm just buying personal things. Wala na naman akong gagawin sa site kaya naisipan kong pumunta sa bayan."
"Stay there. I will pick you." may bahid ng inis mula sa boses niya.
"No. No. Pauwi na naman ako e."
"Just follow my order, Ms. Martin," diin niya sa apelyido ko.
"Pero Mr. Samaniego. 'Eto na pasakay na ako."
"Stubborn." Mahinang sabi niya mula sa kabilang linya.
Naglalakad na ako noon sa likod ng mansion.
I know there's a way there para magmukhang galing nga ako sa bayan.
Teka? What am I doing this alibi?
Bahala na nga!
"There you are!"
Halos mabitawan ko ang hawak kong fork and spoon dahil sa gulat nang mabungaran ako ni Mr. Samaniego sa dining quarter ng team ko.
Kami na lang ni Roxx ang kumakain.
"Maiwan ko muna kayo, Sir. Kain ho kayo." Anyaya ni Roxx. Lumabas agad siya ng dining quarter pagtapos niyang ilagay sa sink ang pinagkainan niya.
Wait? Hindi pa siya tapos kumain, a?
Walanghiya ka talaga Roxx!
"I have this feeling na iniiwasan mo ako." Itinukod niya ang kamay sa harap ng lamesang kinakainan ko.
"Bakit naman kita iniiwasan?" My brows curled at him.
"I have no idea. Maybe, I did something wrong. Pero sa pagkakaalala ko, wala naman."
"Masyado lang tayong busy kaya hindi tayo nagkakasalubong." Sinikap kong maging normal ang tono ko. Sinikap kong titigan siya sa mata kahit hindi ko kaya.
"I miss your presence," sabi niya. Kumuha siya ng plato, fork and spoon sa cup board at umupo sa harap ko.
Hindi ako umimik. Nagkunwari akong walang narinig.
"I also miss this."
Napaangat akong muli ng tingin sa kanya.
"I miss dining with you." He smiled. Magana siyang naglagay ng pagkain sa kanyang plate.
Yeah! We're food buddies. Tantiya ko nga!
"Hindi ba magagalit si Angelique na narito ka?" tanong ko.
"Nope..." sagot niya popping the long 'p'.
My baby, Angelique, is so lucky. You are calling her by first name pero ako... I never heard you call my name. Puro Mr. Samaniego"
Baby Angelique.
Tumatango-tango ako. Why does an angel trust this womanizer?
"I'm not a womanizer." Humalakhak siya.
Did I say it loudly?
"Yes," sagot niya.
"Ha?"
"You were asking yourself if you said it loudly." And I answered you, yes!" He responded. Magana pa din siyang kumain.
"Are you a mind-reader? If yes, you are wrong. Mali ang nababasa mo sa utak ko."
"Na ah." He lifted his shoulder.
Why does this person easily annoy me?
"Kelan mo kaya ulit ako tatawagin sa pangalan ko?"
"I am calling you, Mr. Samaniego, for formalities."
"The last time I heard you calling my name was the moment you told the world that you had a huge crush on me." He smirked.
"Excuse me. Ikaw na mismo ang nagsabing I had a crush on you. Past na iyon. Move forward, Mr. Samaniego." Umangat ang puwetan ko sa upuan.
"You're blushing big time, Nica." He laughed again.
Agh! I really hate this guy!
I stormed off the dining room.
Hindi nakatakas sa aking pandinig ang patuloy na pagtawa niya ng malutong habang papalayo ako sa kanya.
"Nica! Come on, join me here!" Maaliwalas ang mukha ni Angelique habang kumakaway sa akin. Kasalukuyan siyang nakasakay sa isang puting kabayo.
I haven't ridden one since birth.
Naalala ko tuloy si Paul. Nang dahil sa kanya ay nagka-phobia ako sa mga kabayo. Nahulog siya noong napagkatuwaan naming sumakay sa tagaytay. Mula noon, hindi na ako muling sumakay.
"'Yan na ang paborito niyang sakyan mula pagkabata," anas ni Aling Marie.
So she and Mr. Samaniego have known each other since childhood?
Pinalakad ni Angelique ang kabayo papunta sa gawi namin.
Nagtago ako sa likod ni Aling Marie nang dumating na siya sa aming kinatatayuan.
Tumawa si Angelique. Malayang sumusunod sa sariwang hangin ang mahaba ngunit kulot niyang buhok. Napakaganda talaga niya. Para siyang isang prinsesa. Napakaganda pa ng kanyang kutis, maputi at agaw-pansin ang malalim niyang biloy sa pisngi tuwing ngumingiti o kahit na nagsasalita.
"Are you afraid of horses?" tanong niya. Bumaba siya ng kabayo. Ni hindi siya nagpatulong sa mga tauhan na naroon. Masuyo niyang hinaplos ang ulo ng kabayo.
"Come on. Touch her. "Her name's Olivia," yakag niya sakin.
Umiling ako kaya nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya sa ulunan ng kabayo. "Touch her. Mabait siya."
May pag-aatubili ako ng ilang segundo but she smiled at me. Hinaplos ko nga ang buhok ng kabayo.
"Wanna ride her?"
"Oh, no! Wag na, Angelique. May phobia kasi ako sa mga kabayo." I honestly said.
Tumango-tango naman siya.
"Nanay Marie, please call Mang Leroy to assist us," utos ni Angelique. Umalis naman agad ang matanda at hinanap ang isa pang katiwala nila.
"I love horses mula pagkabata. I even treat them as my best friends. Greg, on the other hand, doesn't want me to hold them. Baka daw masaktan ako kapag nahulog ako."
"They can drop you."
"Nah! They will drop once you hurt them. Or once they feel threatened. Parang tao din sila, nakararamdam din sila kung sasaktan mo o hindi."
Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na si Mang Leroy.
Kumuha siya ng bangko para tuntungan ko para makasampa sa kabayo. Sumunod naman na sumakay si Angelique sa likod ko nang walang kahirap-hirap.
"I want to use Greg or Rigor's horse pero huwag na. Baka magalit lang 'yong dalawa sa akin." She giggled. She let me handle the horse.
"Parang nagdadrive ka lang din. You have to do it smoothly," turo niya.
Tumango ako.
Maya-maya pa'y gamay ko na kung paano patakbuhin si Olivia.
"Wow! I'm enjoying Olivia now," bulalas ko.
Sabay kaming tumawa. She's really an angel. Ni wala akong masamang tinapay sa kanya. She's so kind.
"Wooh!" sigaw ni Angelique. On my peripheral vision ay itinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"Igawi mo doon!" turo niya sa kabilang bakod ng malawak na hacienda.
"Ha? Hindi ba 'to trespassing?"
"Nah! It's Greg's property!"
Iginiya ko nga ang kabayo patungo sa kabilang bakod. Maayos na tinalon ng kabayo ang bakod. Parehas kaming humiyaw ni Angelique.
"This is fun, Nica! Let's do this again pag may time ka! Yahoo! She cheered joyfully at my back.
Tumango ako.
Then I realized I'm befriending my crush' fiancée.