Chapter 11 | ST
We went back to our pad around 10 o'clock in the morning. Nandito ako sa pad ni Cadence at hanggang ngayon ay hindi siya umiimik at wala sa sarili. Nagsisimula na ako mag-alala sa kaniya. I cooked for our lunch today which is the japanese beef curry. Nakangiti ako sa kaniya habang nilalapag ko 'yung pagkain sa dining table.
"I hope you like it," I said in a soft tone. Kinagat niya 'yung ibabang labi niya hanggang sa naghila siya ng upuan at umupo rin. "It is called Japanese Beef Curry."
"Okay. For sure, masarap ito. Kain ka na kasama ako, Kyla," he said.
Mabilis ko inalis 'yung apron ko at umupo na ako sa tabi niya. Mabuti na lang ay natuto na ako magsaing ng bigas. Noon pa man nung bata pa lang ako ay lahat inasa na namin sa mga housemaid, ngayon natutunan ko na kung paano maging independent at kumilos mag-isa.
He was silently munching our lunch. May mga times din na ninanakawan niya ako ng sulyap at susubo ulit siya ng kain. Gusto ko malaman 'yung opinion niya sa niluto ko. Kasi dalawa beses ko pa lang siya naluluto at hindi pa ako sure kung masarap ba siya or kuhang-kuha ko 'yung lasa. Base naman sa pagkain ko sa luto ko ay masarap naman siya. It is sweet and savory. Lalo na favorite ko 'yung brocoli at beef.
"How was it?" I asked. "Does it taste good? Or what?"
"Hm-mm..." he crooned. Pinaglalaruan niya 'yung labi niya habang mataman na nakatingin sa akin. "It tastes good. You can be a good housewife for sure."
"Am I?"
I felt my cheeks heated profusely. Narinig ko 'yung mahina niyang tawa at inubos niya na 'yung niluto ko. Hanggang sa siya 'yung nagoffer na maghugas ng pinggan. Umupo ako sa gilid ng kama niya at tiningnan ko 'yung side table niya. Nandoon 'yung cutter kaya nagsalubong 'yung kilay ko.
"I'll throw your cutter, Cadence." kinuha ko 'yun at tinapon ko na sa trash bin. Napatitig siya sa akin at nilapitan niya ako. "You are not going to cut yourself."
"Fine, brat."
Hinatak ko siya para yakapin ko. Gusto ko sana itanong kung ano nangyari sa kaniya kagabi. He was just crying like a child. I patted his head on my chest and hugged him so tightly. He needs me now. Ayaw ko na malungkot siya at makagawa siya ng masamang bagay. I really care for him so much.
"Pwede mo na sabihin sa akin ngayon. What happened?" I probed.
"I-I don't want to talk about it," he responded.
Napanguso ako sa sagot niya. But I understand if he doesn't want to voice it out yet. Until now I am curious on how my grandmother adopted him. Saang pamilya siya nanggaling at paano siya napadpad kay Lola.
"Ayos lang. Basta tandaan mo nandito rin ako palagi sa'yo, okay?"
He nodded his head. "Thank you, Kyla. I love you."
It is already Saturday in November. Sobrang sarap ng gising ko. Medyo lumalamig na kasi malapit na ang december. Nag-unat muna ako bago tumayo sa kama. Dumiretsyo na ako ng banyo para maligo. Hindi ko alam kung ano ang plano ngayon pero wala akong pasok. Maganda 'yung mood ko ngayon habang pumipito ako sa shower room.
After that, nag skin care muna ako sa harap ng vanity table ko. There's a huge mirror with it and I am sitting on the comfortable vanity chair. Sobrang halaga sa akin ang skin care kaysa ang make up. I only wear heavy makeup occasionally.
Nagsuot na ako ng baby blue blouse at jeans. Pinatungan ko ng sweater jacket habang pinagmamasdan ko 'yung sarili ko sa mirror length. Tapos nagring 'yung phone ko at nakikita ko na tumatawag si Mommy. Sinagot ko naman agad 'yun. Sumalubong sa akin sila Mommy, Daddy, and Kylo.
I waved at them. Parang nagtubig 'yung mata ko na makitako si Kylo na malaki na. He really looks like my brother. Sobrang pogi rin na bata.
"Tita Kyla!" si Kylo. Kumaway siya sa akin habang may malaking ngiti sa kaniyang mukha. "I miss you, Tita Kyla!"
I pouted. "I miss you too, Kylo. You grew up so fast."
"Naku! Miss ka na namin, Kyla. Umuwi ka na, please?' si Mommy. "We miss you here!"
"Come home to us, Kyla," si Daddy habang karga-karga niya si Kylo sa bisig niya. Naririnig ko 'yung bungisngis ni Kylo. "Where is my brother? Is he there?"
"Oh! Nandoon ata siya sa unit niya."
"What are your plans, Kyla?" Mommy asked. Kumunot noo ko sa kaniyang tanong. Uhm... balak ko lang magshopping?
"I don't know," I replied.
"Tommorow is Tita Kyla's birthday!" pumalakpak si Kylo mukhang siya pa mas excited. Ngayon ko lang narealize na bukas na 'yung birthday ko pala. My birthday is November 22.
"I... forgot my birthday."
"Naku! Na saan ba iyang si Ryder? Dapat paghandaan niya 'yung kaarawan mo!"
"Don't worry. Baka busy din siya sa work niya, Mommy."
Marami pa kami napagkuwentuhan nila Mommy at Daddy. Kinuwento nila ano nangyari sa kanila sa Pilipinas. Kung kamusta na sila at kung masaya na ba sila. Tapos madalas ang topic namin about kay Kylo. Nag-aaral na siya sa elementary school at kasali lagi siya sa top. I am very proud of Kylo.
Kinatok ko ngayon si Cadence sa pad niya. Mga ilang minuto muna lumipas bago niya ako pagbuksan ng pintuan. He was wearing a blue polo shirt and dark jeans. Parang pogi niya ngayon sobra. Mukhang makakaagaw na naman siya ng atensyon ng mga babae.
"Where are you going?" I asked.
"Going with you," he replied. He showed me a lopsided smile. "Where do you want to go? Hmm?"
"Anywhere..."
Pinagsiklop niya 'yung daliri namin dalawa. Ngumisi siya habang pinagmamasdan ko 'yung kamay natin. Sabay kami pumunta sa basement parking lot. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero masaya na ako as long as kasama naman siya. Tiningnan ko 'yung phone ko at karamihan sa mga messages ko ay si Bj.
From: Bj
I miss you, babe. Call me please?
I rolled my eyes. Ano ba kasi nangyari kay Bj bakit bigla na lang siya naging gano'n sa akin tila nag-ihip ng masamang hangin doon si Bj. Cold na ako magreply ngayon kay Bj kasi ayaw ko naman maging easy to get sa kaniya. Mabilis ko siya agad pinatawad last time at inulit niya na naman so hindi na. Lalo na kapag nagr-request siya na mag Facetime kaming dalawa ay tumatanggi ako. Sinasabi ko na busy ako sa work ko.
Habang tahimik akong nakatanaw sa binatana ay nakikita ko sa peripheral vision ko na sinusulyapan niya ako habang gamit niya ang isang kamay sa pagmaneho ng 812 GTS niya. He was just maneuvering the wheels cooly.
"I know you like shopping so I rented the whole mall nearby," he began.
Biglang namilog 'yung mata ko sa narinig ko. He did what?!
"You can get all the things you want, it is under my name. Call it an advance gift for you," he continued. Napalunok ako ng ilang beses na ningisihan niya ako sa reaksyon ko. Alam ko naman na marami siyang pero aanhin ko ang buong mall?! "Are you excited, brat?"
"You're crazy!" I spat.
"I like to be crazy so I could provide anything you like when it comes to you."
I felt my heart pound so hard. Iniwas ko 'yung tingin ko sa kaniya. Nakarating na kami sa isang sikat na mall dito sa Florida. Walang tao na nasa paligid hudyat na totoo nga 'yung sinasabi ni Cadence. May isang guard na lumapit sa kaniya at kinausap siya ni Cadence.
"Proceed to the parking lot, sir," the guard said.
"Thanks."
Naramdaman ko 'yung pagvibrate ng phone ko mula sa purse ko. Nakita ko agad 'yung text messages sa akin ni Zora. Siguro nalaman niya na nakauwi na kami dahil nandoon na si Miss La Farell.
From: Zora
Where are you? Magshopping na tayong dalawa!
To: Zora
Actually I am with Cadence right now. He freaking rented the whole mall for me!
From: Zora
Wow! Can I join? Damn I would love him to rent a mall for me, too!
To: Zora
Sure. I'll tell him you'll join us today.
Since libre naman na ni Cadence ang lahat kaya pwede ko rin bitbitin 'yung bestfriend ko na kunin din ang gusto niya. Para na rin may quality time silang dalawa. Kasi alam ko na gustong-gusto niya talaga si Cadence at nakikita ko 'yun sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakita na naging ganito si Zora sa isang lalaki.
Nandito na kami sa loob ng mall at hindi ako sanay na kami lang mag-isa sa mall. However there are still staff who would operate on each store for us. Nakangiti ang ilan sa amin naghihintay na lapitan ko sila. Nakapamulsa lamang si Cadence habang may ngisi sa kaniyang labi.
"Don't stare at it, get everything you want," he urged.
I arched my eyebrow. "Are you sure? Hindi ka ba mauubusan ng pera dahil sa akin?"
"I would never lose my money. I will work hard to earn my own money and give the whole world to you."
"Sinabi ko kay Zora na sumama siya sa atin. I hope you don't mind."
He tightened his jaw. "Hmm. Okay. If that is what you want."
"I'm helping you, Cadence. So... I'll grab some pretzels. Gusto mo?"
Pinaikutan niya lang ako ng mata at hindi pinansin. Mukhang masama ng loob na isasama ko 'yung bestfriend ko. Natutuwa ako makita siya na nagsusungit ng ganito! Damn!
Kumakain ako ng pretzels habang may nadadaanan kami mga store. Halos magningning 'yung mata ko dahil pwede ko lang siya kunin kasi si Cadence na bahala doon. Kaya hindi ako pwede maging mahirap kasi buong buhay ko ay palagi ako iniispoil ni Daddy. Now Cadence is spoiling me everything I want. Great!
Hanggang sa namataan ko na may naglalakad na isang guard at tabi nito ay si Zora. Kumakaway siya sa gawi namin at tumakbo na siya palapit sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap. Pinanood lang kami ni Cadence at kinausap lang ni Cadence 'yung guard.
"Grabe! Hindi ako sanay na walang tao rito sa mall. Pwedeng pwede ako sumigaw dito e!" Zora exclaimed. Tapos nilingon niya si Cadence at kagat labi niya ito nilapitan. Napalunok ako na dinampian nito ng halik sa labi sa harapan ko. "I miss you so much, Ryder."
His face remained stoic. "Let's go and get whatever you want."
Tinalikuran niya kaming dalawa ni Zora. Humaba 'yung nguso ni Zora tila nasaktan sa inakto ni Cadence. Sa totoo lang ay kanina pa nagsusungit si Cadence nung sinabi ko dadating si Zora. Dapat pala nagpaalam muna ako sa kaniya para hindi siya mawalan sa mood.
"I'm sorry about that, Zora," I said sincerely.
She sighed. "It's fine. Nagpapakipot lang sa akin si Ryder kung tutuusin ay nagrereply naman siya sa mga messages ko."
"Uhm... nagm-message kayong dalawa?"
"Oo naman! Kaya lang masyadong tipid 'yung reply niya pero ayos lang 'yun!"
Nagkibit balikat na lang ako at pumunta kami sa Chanel. We picked some handbags, clothes, and heels. Different stores, we almost bought some products. Kahit ba puro signature brand mga pinagkukuha ko ay ayos lang kasi libre naman ito ni Cadence.
Meanwhile, Cadence was just patiently waiting for us to pick what we wanted. He was sitting on the sofa everytime we went to the fitting room. His lips remained in thin line throughout our shopping. Tapos si Cadence lang naman 'yung nagbibitbit ng mga pinili namin kahit sobrang dami na no'n.
I wore the latest design from Gucci, a sheer pink dress that could see my bareback. Naglakad ako sa gawi niya at umikot pa ako para mapakita sa kaniya 'yung nagustuhan kong dress! I like it so much!
"What can you say about the dress?" I asked.
"Very beautiful," he responded. Umalon ng ilang beses ang kaniyang lalamunan nang igala ng mata niya yung buong katawan ko. I don't know if he is really checking the dress. "Go back to the fitting room, Kyla Adrianna. Men are looking at you!"
I rolled my eyes. "You are overreacting! It was just a salesman!"
"They are still men," he stated. Sinapo niya 'yung noo niya mukhang naiinis kasi nakatitig nga sa akin 'yung salesman. I stomped my feet on the marble floor. Kainis talaga si Cadence!
Pumasok na ako sa fitting room at nakita ko na lumabas si Zora. Mukhang ipapakita rin kay Cadence kung ano 'yung suot niya. Naging suplado ulit 'yung ekspresyon niya. Bahagyang sumilip pa ako para mapanood sila. I'm freaking curious on how Cadence treat her.
"Gusto mo ba? I could wear this on our date," ani Zora. Yumuko si Zora para magpantay 'yung mukha nila. Kumunot ang noo ko na mapansin ko dumapo 'yung mata ni Cadence sa dibdib ni Zora. s**t! Bakit bigla ako nainis? "So... maganda rin ba?"
"It's fine," he replied coldly.
Zora pouted. "Hmm.. I know you like it. Tsaka lalo na pagtitinginan din ako ng salesman!"
"Let them be, it is their job to watch their product."
"What?!"
"Zora, don't waste my time, will you?"
Nagdabog si Zora at nakasimangot na si Zora pabalik sa fitting room. Bumalik ako sa cubicle ko at halos tumalon na 'yung puso ko. Ngayon ko lang narealize na iba nga 'yung trato niya sa akin sa ibang babae. It makes me feel special when he treats me like a princess.
I cannot describe how happy my heart was. But it makes me sad at the same time to hear Zora's cries from the other cubicle. Bigla ako na guilty kasi masaya pa ako na iba ang trato sa kaniya ni Cadence. Damn it.