Chapter 27 | ST
Inaasikaso ko na ‘yung mga meetings ni Cadence ngayon. Tinitingnan ko lang ‘yung mga nag e-email para sa proposals. Busy lang ako nage-encode ng paperworks kasi tinambakan ako ni Cadence. Siguro dahil wala siyang sekretarya ng isang linggo kaya natambakan na.
Biglang tumunog ‘yung intercom ay mabilis ako napatingin doon. Hindi na talaga ako pinapansin ni Cadence. Parang hangin na lang ako sa kaniyang paningin. Napanguso ako kasi miss ko na ‘yung pagsasamahan namin. Minsan ako naman ‘yung nagnanakaw ng tingin sa kaniya whenever he’s busy.
“I want coffee,” he commanded.
Lamig ng pakikitungo niya sa akin kanina pa. Gusto sana ako kausapin ni Andy tungkol sa kaniya pero masyadong strikto si Cadence. He wants us to focus on our tasks. Huminga ako ng malalim at tumayo na para gawan siya ng kape sa pantry.
Napansin ko na nakasunod sa akin si Andy. Pasimple siya kumuha ng biscuit habang abala ako gawan si Cadence ng kape. He’s very cold and strict as a CEO in this company. I’ve never seen him that way, not until now. Iba kung paano niya ako tratuhin noon kaysa ngayon.
“Pwede ba ako magtanong?” tanong nito. Her tone is very hesitant if she should continue her question or not. “I know it’s his privacy but does he have a girlfriend? Sorry, I was just curious since pamangkin ka naman niya.”
“H-He’s single,” sagot ko.
Gusto kong mainis dahil masyadong halata kay Andy na may gusto siya kay Cadence. Nung kami ni Bj ay hindi naman ako selosa pero ngayon kay Cadence iba. Maraming mga babae na willing lumuhod sa kaniya. Sobrang daming babae na nakapila para mapansin lang sila ng isang Cadence Ryder Hamilton.
“G-Gusto ko kasi ‘yung Tito mo. Ilang taon na ako sa kumpanya na ito at masaya ako na nandito na ulit siya kasi nawala siya ng ilang buwan dahil sa business sa ibang bansa. Pwede mo ba ako tulungan?”
I sighed heavily. “I can’t. We are not that close.”
“Oh, sorry. I was just hoping that you could help me.”
Mabilis ko na siya tinalikuran. Baka lalo magalit si Cadence kapag nagtagal ako kasi paggawa pa lang ng kape. Pumasok na ako sa loob ng opisina niya. Kitang-kita ko kung gaano siya ka seryoso habang nagt-trabaho.
“This is your coffee, sir,” I beamed. Maingat ko nilapag ‘yung kape niya sa kaniyang office desk. But I didn't receive any response from him.
Wala na lang ako nagawa kundi umalis na lang sa kaniyang opisina. He treats me like I am some sort of air! Hindi dapat ako nagrereklamo ng ganito kasi ako rin naman nagsabi ‘yun sa kaniya pero hindi ko kaya ‘yung ganito. He seems persistent in avoiding me and not talking
to me.
Fine. I must roll with it. This is what he wants now, this is what I should have done now. I kept myself busy and I took some calls regarding reserving their time for the meeting with Cadence. Hanggang sa dumating na ‘yung lunch time. Lahat ng mga empleyado ay nagsitayuan na.
I am famished too. Kaya sumabay na rin ako pero bago ko pa balakin na umalis, tiningnan ko ‘yung opisina niya. Hindi ko siya masyado nakikitaan lumabas sa kaniyang opisina. Huminga ako ng malalim at pumasok ako. Nakita ko siya na pumipirma sa mga papeles.
I cleared my throat. “Are you hungry?”
Bigla siya napatigil sa kaniyang ginagawa. Nilapag niya ‘yung fountain pen sa lamesa at dahan-dahan siya tumingin sa akin. His gaze made my heart race inside my rib cage. I felt my stomach crumpled as his eyes remained on my face.
“Are you hungry? Do you want anything else?” I reiterated.
“Just choose any food for me. Thank you.”
Binalik niya na ulit ‘yung tingin niya sa mga papeles. Napanguso ako at wala sa sarili na lumapit pa lalo sa kaniya. Alam kong nilalabanan niyang huwag tumingin sa akin kasi ramdam ko naman ‘yun sa kaniya.
“I just want to say that the feelings are mutual. I-I am in love with you, too. I have reasons why I can’t acknowledge your love for me,” I said. Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. “I love you, Cadence Ryder Hamilton. You are not alone. You always have me.”
Tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa labas ng opisina niya. Ayaw ko kumain sa canteen dito sa kumpanya namin kasi wala naman ako kakilala at baka kulitin pa ako ni Andy tungkol kay Cadence. Nagpasya ako kumain sa Subway malapit sa kumpanya.
Nang pumasok ako, nakita ko na kumakain sa gilid si Kai. Nagliwanag naman ‘yung mukha ko at lumapit ako sa kaniya para kalibitin siya. He is wearing headphones while he’s studying. His hooded eyes landed on me with shock plastered on his face.
“Hi, Kai! Nandito ka pala,” I started. Tinanggal niya ‘yung headphones niya at tinabi sa lamesa. “Pwede ba ako makikain kasama ka?”
His lips twisted. “Sure, why not? Hindi ba magagalit si Kuya niyan?”
“Tsk! Hindi naman ako pinapansin no’n!”
“I’m sorry. It will not happen because of me approaching you last night.”
I rolled my eyes. “It’s not your fault. Talagang may hindi kami pagkakaunaawan ngayon. Gusto ko magsabi sa’yo para may mapaglabasan ako ng nararamdaman ko.”
“Sige, pero kumain ka muna para pwede tayo magkwentuhan habang nag-uusap tayo. Ako na lang mag-oorder para sa’yo. What do you want?” he offered. He c****d his head to read the menu.
“Veggie Patty na lang. I’m on diet.”
“Okay, ayun lang ba gusto mo?”
I pouted. “Si Cadence rin bibilhan kong food kasi ako sekretarya niya e.”
“Ano sa kaniya?”
“Isang sweet onion chicken teriyaki na lang para sa kaniya.”
Kapagkuwan ay masaya kaming nag-uusap ni Kai habang kumakagat ako ng pagkain ko. I was munching as I let him speak about his college journey. May isang babae raw na nanliligaw sa kaniyang sa isang prestige university sa Manila.
“That was wild! She confessed her feelings on the soccer field with a tarpaulin?” I commented. Hindi ko mapigilan matawa kasi ang priceless daw ng reaksyon niya.
“Yeah… ang unusual kapag babae ang gumawa no’n. Ang dami ng tao na nakapaligid sa amin dalawa kaya bumulong ako sa kaniya na mag-usap kami sa pribadong lugar. Kahit papaano ayaw ko siya mapahiya sa mga tao.”
“Kung sa ibang lalaki niya ginawa ‘yun ay mapapahiya talaga siya sa harap ng mga estudyante! Hindi ko kaya ‘yun sa isang lalaki kahit may gusto ako!”
He licked his lips. “Mabalik tayo tungkol sa’yo. Ano meron sa inyo ni Kuya?”
Nag-init ‘yung pisnge ko sa kaniyang tanong. Siguro naman hindi siya maw-weirduhan sa akin kasi kapatid niya naman si Cadence at alam niya naman na hindi ko talaga kadugo si Cadence. Ngumisi siya na makita ang reaksyon ko sa kaniyang tanong. Bakit kasi binibigla ako ni Kai sa ganiyang tanungan?
“Mukhang alam ko na. May something sa inyong dalawa ‘no? Kaya nagalit si Kuya sa akin kagabi dahil nagselos ‘yun sa akin,” he added. Hindi pa rin matanggal ‘yung ngisi sa labi tila inaasar niya ako.
“Okay lang sa’yo?” I asked.
“Na alin? Na may namamagitan sa inyo ni Kuya? Oo naman. Hindi mo naman talaga siya kamag-anak pero inampon na siya ng pamilya niyo e,” he responded.
Doon ako nalungkot sa kaniyang sinabi. Totoo naman kasi ‘yun. Okay lang naman pero parte na siya ng pamilya namin at ampon siya ni Lola Isabel. Magagalit sa amin ang pamilya namin kapag nalaman ‘yun at pandidirihan kami ng mga tao kapag nalaman ‘yun kasi sasabihin pinatos ‘yung kapwang pamilya.
I felt my phone beeped. My eyes widened when I got a message from Cadence. Nakalimutan ko na bigyan ng lunch si Cadence! Tsaka late na ako ng limang minuto sa kaniya. Mabilis ako tumayo sa inuupuan ko mukhang nalilito si Kai sa akin.
From: Cadence
Where are you? You’re late. Come back to the office.
“I’m freaking late!” I exclaimed.
Namilog mata niya. Kinuha niya na rin ‘yung mga gamit niya. Sabay na kami lumabas sa Subway. Naglalakad na kami pabalik sa kumpanya namin at nilingon ko si Kai.
“Thank you sa lunch! Sorry, bukas ulit? Baka magalit na naman sa akin si Cadence!”
He chuckled. “Go ahead. Baka patayin na ako ni Kuya. Sabihin mo ako may kasalanan para hindi siya magalit sa’yo.”
“Whatever! Mauna na ako, ah?”
He nodded his head. “Sige, ingat ka sa Kuya ko ah.”
Iniripan ko siya. Ngayon na alam niya na may nararamdaman ako sa Kuya niya kaya todo tukso na siya sa akin. Ang sarap pala maging kaibigan ni Kai. Hingal na hingal ako na makarating ako sa floor ko. Nakita ko si Andy na mukhang stress na sa tapat ng opisina ni Cadence.
“Thank goodness! Nandito ka na! Galit na galit si Mr. Hamilton kasi hinahanap ka niya,” si Andy na mukhang hindi na alam gagawin at natatakot kay Cadence ngayon. “Mabuti pa ay magpakita ka kay Sir! Ngayon na!”
“Hala sorry! I’m going inside now,” agap ko.
Kumatok muna ako sa pintuan bago ako pumasok sa kaniyang opisina. Nakita ko na nakatayo si Cadence at nakatanaw lang siya sa labas. Tumikhim ako para makuha ko ang kaniyang atensyon. Ngayon nilingon niya ako at nakita ko kung paano magsalubong ‘yung kilay niya.
“Saan ka galing?” he asked, exasperatedly.
“K-Kumain lang sa Subway. Dala ko ‘yung pagkain mo,” I replied. Kinakabahan ako kasi nagdidilim ‘yung mukha ni Cadence. Dahan-dahan siya naglakad sa gawi ko. Napatingala ako kasi sobrang tangkad ni Cadence. “S-Sorry na…”
“Who’s with you?”
It feels like I am trapped with him. A dangerous beast wants to punish me because I made him mad. His thick eyebrows meet as he darts his menacing eyes at me. Kaunti na lang parang mapapaluhod ako kasi nakakatakot ang ekspresyon niya ngayon!
“I am with your brother. I just saw him there and we ate together…”
He clenched his jaw. “From now on, your desk should be here inside my office. You will eat with me, Kyla. Do you understand?”
“W-Why? He’s kind and we’re friends.”
“I don’t care if he’s your friend! You are only mine!”
He pulled my nape and our lips touched. His hungry kisses sent an electricity throughout my veins. The way he kissed me is very wet and rough. I almost lost my breath but I managed to kiss him that long. He c****d his head as he opened his mouth wider for a kiss. Nalalasing ako sa kaniya. Napasabunot ako sa kaniyang buhok.
“C-Cadence…” I breathed.
We halted from our insatiable kisses while he was grazing his callus hand on my cheeks. His hawk eyes are in blazing fire as he watched me recollect myself from that mindblowing kiss we shared. Hingal na hingal ako. Nagulo ‘yung damit ko dahil nakahawak siya sa dibdib ko habang hinahalikan niya ako.
He drew heavy breath. “How dare you say your feelings for me when you’re with someone? I don’t f*****g anymore about your request. I will be with you twenty four hours and I claim you as mine!”
“I’m sorry…”
He cupped my face. “I love you, Kyla Adrianna. I have loved you my whole life. I don’t want any guy getting near you. Please be my girlfriend.”
“H-How? Paano si Lola Isabel?”
“Shhh…” he put his index finger on my lips. Kanina pa umaalon ang kaniyang lalamunan habang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. “I am willing to give up anything if it only means I can have you at the end. I will take all the risk to be with you, baby.”
“Daddy will get mad at you, Cadence!”
He huffed violently. “Let him be. Pananagutan kita, baby. Sa akin ka lang. Walang makakapigil sa akin mahalin ka, kahit pa sila. Mahal kita, baby ko.”
The tears of joy brimmed in my eyes. Niyakap ko siya. I laid my face on his chest. Sobrang miss ko na siya. Bakit kasi ang hirap magmahal? Kung kailan may isang lalaki na seryoso sa akin, mahal na mahal ako, ang isang lalaki na hindi ako kayang iwan ay nandito na sa harapan ko? Why does it have to be so difficult?
“I’ll ask some maintenance for all your stuff to move here in my office. I want to cuddle with you while I’m working, baby,” he whispered. He pushed my buttocks up as he only used his one hand to lift me up. Napakapit ako sa kaniyang leeg at pinaupo niya ako sa office desk niya. Binuka niya ‘yung binti ko at niyakap ako ng mahigpit habang ang mukha niya nasa dibdib ko. “f**k… I am finally embracing my world. I love you, baby.”