Chapter 28 | ST It’s already Saturday in December. Maaga ako gumising kasi kinausap ako kagabi ni Lola Isabel na magtulong kaming apat sa christmas tree. Lola Isabel bought a white christmas tree, magsasabit na lang kami ng mga decorations bilang pamilya. “Good morning, hija. Mag-almusal ka muna kasama si Cadence,” si Lola Isabel habang tinitingnan ‘yung mga dekorasyon para sa pasko. I smiled. “Good morning po. Kain na po ako para matulungan ko na kayo. “ “Mabuti pa nga, hija. Si Ronaldo ay ayaw na ayaw mga ganito pero kailangan ko siya pilitin! Kaya kumain na kayo roon baka tumakas na naman si Ronaldo para sa paglalaro ng bilyar.” May bahid na inis sa ekspresyon ni Lola Isabel tuwing pinag-uusapan namin si Lolo Ronaldo. Magaling kasi na manlalaro ng bilyar si Lolo noong binata ba it

