Talaga po bang maraming engkanto dito ?” tanong ni Cheska isang araw sa isang kasambahay nilang si Rina
“Senyorita sa lahat po ng probinsya possible na may engkanto , pero hindi ko po alam kung marami ditto.” Rina
“Kung ganon possible ngang engkanto yung nararamdaman ko.” Bulong ni Cheska
“Po, ano po yung senyorita?”
“Ah wala po ate Rina.Sige po maiwan ko na muna kayo.”
Umalis na si Cheska at hinanap si Yaya Celia.Habang naglalakad ay iniisip parin niya yung nilalang na nararamdaman niya.
“Beauty hindi ako engkanto,ghost ako, multo.”
“Malamang siya yung gumagawa ng mga kakaibang naangyayari sa akin.”
“Oo ako nga yon.” Sagot ni multo kahit pa hindi siya narirnig nito
“Siya ang lagi kong nararamdaman na nagmamasid sa akin simula pa noong dumating ako ditto sa villa.”
“Tama ulit, ako nga iyon.”
“Siya nga, ang engkanto.”
“Tama ulit ako nga ang eng--. Teka hindi nga sabi Beauty, ghost nga ako.Pag hindi ka tumigil sa kaka engkanto mo hahalikan kita.”
“Hindi pwede!” biglang sigaw ni Cheska
“Aray naman, dahil ba ghost ako ayaw---.”
“Hindi pwedeng hindi ko makilala at Makita ang engkantong iyon.Dapat makausap ko siya.” Desididong wika ni Cheska dahilan upang matigil sa kadadaldal si Cheska
Dahil sa sinabi ni Cheska ay nagulat at natulala ang makulit na multo.Hindi niya nagawang sundan si Cheska nng tuluyan na itong umalis.
“Hoy engkanto, magpakita ka sa akin.” Wika ni Cheska
Naroon siya ngayon sa kwarto niya at pilit na tinatawag ang engkanto.
“Kahit gustuhin ko man hindi ko magagawa.”sagot naman ni Multo habang nakaupo sa kama at nakatingin sa nakatayong si Cheska
“Hindi ako natatakot sayo, kaya magpakita ka.” Wika muli ni Cheska subalit wala paring nagpapakita
“Beauty tama na, kahit anong sabihin mo hindi ko kaya.”
“Kung hinid mo kaya pwes ako ang gagawa ng paraan upang Makita ka.” Buo ang loob na turan ni Cheska
Kinagulat ito ni multo dahilan upang lapitan niya si Cheska
“Gustong gusto kong Makita mo ko,pero paano?”
“Magko concentrate ako para Makita kita.”
Pumikit si Cheska at taimtim na nagdasal.Hiniling niya sa Panginoon na sana ay pahintulutan na Makita niya ang inaakalang engkanto.Hinawakan naman siya ni multo sa muka at pumikit kasabay nito ang paghiling din n asana ay magawa na niyang magpakita.
Matapos ang taimtim nilang paghiling ay sabay nilang minulat ang mga mata.Kapwa sila nagkatinginan at parehong nagulat.
“Nakikita mo na ako?” tanong ni multo
“Mul-to ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Cheska matapos matapos makita ang multo
“Kung ganon nakikita mo na nga ako?” tuwang tuwang sambit ni multo
“At kinakausap mo pa ako?” sabi ni Cheska at pagkatapos ay bigla na lamang nawalan ng malay.
Nagulat man ay nagawa paring saluhin ni multo si Cheska at binuhat ito papuntang kama.Inihiga niya ito at sinubukang gisingin.
“Cheska, cheska gising.Hoy beauty gumising ka.” Sambit ni multo habng sinasampal sampal ng mahina si Cheska.Halos yugyugin na nga niya ito upang magising lang.Makalipas ang ilang minute ay nagising na rin ito sa wakas.
“Cheska okay ka lang ba?” nag aalalang tanong ni multo pagkadilat ni Cheska
Napabangon naman bigla si Cheska at lumayo mula kay multo.
“Wag kang lalapit sa akin.” Natatakot n autos ni Cheska
“Wag kang matakot hindi naman kita sasaktan.”
“Basta wag kang lalapit sa akin.”
“ Hindi naman ako masamang multo no, good ghost ako.”
“Kung good ghost ka bakit mo ko tinatakot?”
“Grabe ka naman hindi naman nakakatakot itsura ko ah.Ang cute ko ngang ghost eh.” Wika ng makulit na multo habang nagpapacute pa sa harap ni Cheska
“Ayos ah,pati pala sa mga multo uso ang mahangin.” Bulong ni Cheska
“Hoy hindi ah, Im just telling the truth.”
“Wow ghost na English speaking, astig.”
“Ganon talaga ang buhay kahit ghost na ako may alam din ako no.”
“Ah ganon ,sorry ha, akala ko wala kayong alam gawin kung di ang manakot tilad ng ginawa mo sa akin.” Sarkastikong wika niya
“Pasensya na hindi ko naman intensyon na takutin ka, hindi lahat ng multo ay intensyong manakot, minsan may mga gusto lang kaming gawin na hindi naming sinasadya pero nakakapaghatid pala ng takot sa inyong mga buhay pa.”
Lumayo it okay Cheska at naupo patalikod sa kama.Medyo nakaramdam naman ng pagkakonsensya si Cheska ng makita ang pagkalungkot ng mga mata nito.
“Kung totoo ang sinasabi mo bakit ka lagging nagpaparamdam sa akin?
“Dahil gusto kitang alaga---. Ang ibig kong sabihin dahil gusto kong hanggang nandito pa ko ay may magawa man lang akong mabuti,kaya naisip kong bantayan ka at subukang pasayahin ka.”
“Bantayan?Ibig mong sabihin lagi ka sa tabi ko?”
“Oo simula nung dumating ka ditto, binabantayan na kita at lagi ako sa tabi mo.”
“So ibig sabihin ikaw yung lagi kong nararamdaman,ikaw yung gumagawa ng mga kakaibang nangyayari sa akin?Ikaw na ghost at hindi isang engkanto?” hindi makapaniwalang tanong niya
“Oo ako nga, ako ang nagdala ng food mo, ng gatas, ng chico, nagkumot sayo, lahat ako.”
“Eh yung sa hardin, ikaw din?”
“Ah oo ako nga, naisip ko kase nab aka mapangiti kita pag binigyan kita ng bulaklak.” Sagot ni multo na kinangiti naman ni Cheska.
“Actually nagawa mo naman akong pangitiin noon, thank you.”
Kakaibang saya naman ang naramdaman ni multo ng makita ang ngiti sa mga labi ni Cheska.
“Teka muna yung sa hardin nga pala, may naramdaman ako sa pisngi ko, ano yun?” biglang tanong ni Cheska na kinabigla naman nito.
“Ah may dahon kaseng nalaglag sa muka mo kata tinanggap ko lang.” pagsisinungaling pa nito
“Ah okay.”
“Okay?Ibig sabihin tanggap mo na ko?”
“Ahmm oo tanggap ko na, na ghost ka at ikaw ay ghost ghos.”
“Eh bilang kaibigan matatanggap mo ba ako?”
“Pwede naman.” Nakangiting sagot ni Cheska
“Talaga? Salamat ah.”
Sa katuwaan ay nayakap ni multo si Cheska na kinagulat naman nito.
“Ah sorry natuwa lang ako.” Hinging paumanhin ni multo
“Nahahawakan mo ko?”
“Ah oo nahahawakan na kita.”
“Ghost na nakakahawak, okay ah.”
“Ang totoo hindi lahat ng bagay o tao nahahawakan ko.”
“Ganon, eh teka ano palang pangalan mo?” curious na tanong ni Cheska
“Wala, wala akong pangalan.”
“Ha?Bakit naman?” gulat na tanong ulit niya
“Hindi ko kase alam kung sino ako, wala akong matandaan.”
“Ganon kawawa ka naman pala,gusto mo bigyan kita ng name?”
“Talaga?Sige gusto ko yan beauty.” Excited na sagot ni Multo
“Beauty?”
“Ah yun kase tawag ko sayo ang ganda ganda mo kase.”
“Ikaw na.Ikaw na ang makulit at bolerong multo.
Kapwa natawa sina Cheska at ang makulit na ghost.Kasalukuyan silang nagtatawanan ng biglang kumatok si yaya Celia at pumasok sa loob.
“Iha pasensya kana pumasok nako narinig ko kase nagsasalita ka na parang may kausap ka.Sino bay un?” tanong ni Yaya Celia
“Naku narinig ka pala ng yaya mo.” Ghost
“Ah yaya si Louisa poi yon,tumawag po kase kanina.”
“Ha? Eh bakit may narinig akong sabi mo ghost?”
“Naku pata.” Ghost
“Eh ano po, kase po …. Ah paano daw po kung maging ghost siya. Opo yun po.”
Ha?” naguguluhang tanong ni Yaya Celia
“Naku yaya kalimutan niyo na lang po iyon. Wala lang poi yon.”
“Opo tama yaya Celia wala lang poi yon, kumakausap lang naman po ng ghost ang alaga mo.” Wika ni gusto dahilan upang senyasan siya ni Cheska na tumigil.
Napansin naman ito ni Yaya Celia na pinagtaka nito.
“Iha bakit ano iyon?”
“Wala po.”
“Beauty hindi naman ako nakakita at narirnig ni yaya Celia.”ghost
“Kulet talaga.” Bulong ni Cheska
“Ha?Anong sabi mo iha?” Yaya Celia
“Wala po iyon yaya.Teka may kailangan po ba kayo?” Cheska
“Wala naman, tatawagin lang sana kita para magmeryenda.”
“Ano po bang ginawa nyong meryenda?”
“Gumawa ako ng papaya shake saka hot cake.”
“Wow sarap ah,yaya Celia penge ako ah.” Ghost
“Sige po pakihanda sa garden,susunod nap o ako.” Nakangiting sagot ni Cheska
“Oh sige.” Wika ni Yaya celia at lumabas nan g kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ni Yaya Celia ay nakapamewang na hinarap ni Cheska ang makulit na multo na nakaupo sa kama.
“Hoy makulit na ghost,pag tayong dalawa lang pwede kang dumaldal pero pag may ibang tao manahimik ka.”
“Bakit naman?Ikaw lang naman nakakakita at nakakarinig sa akin.”
“Kahit na, mahirap na no, kailangan nating mag ingat, isa kang ghost.”
“Oo na po.”
“Good.Sige magmemeryenda muna ko.” Sabi ni Cheska saka lumabas
“Teka sama ko.” Sabi ni ghost at tumayo na upang sumunod.
“Nagpunta na sina Cheska at ghost sa jardin at habang papunta ay nangungulit si multo.
“Sabi mo bibigyan mo ko ng pangalan, ano na?” himutok nito
“Teka wala pa akong naiisip, pakainin mo muna ko.”
“Pagkakain mo bibigyan mo na ko ng pangalan?”
“Oo nga.”
“Eh tara bilisan na natin.” Wika ni multo at pagkatapos ay hinila na patakbo si Cheska
Mabilis na nakarating ang dalawa sa hardin at pagkadating na pagkadating nila ay pinakain na agad ni ghost si Cheska.
“Oh ano na?” tanong ni Ghost pagkatapos kumain
“Okay simula sa araw na to ,ikaw na si Migs.” Sagot ni Cheska
“Yun na yon?”
“Oo para medaling bigkasin.Bakit ayaw mo ba, sige ikaw bahala.”
“Migs? Ah sige yon na lang.”
“Hindi naman halatang napipilitan ka lang no?”
“Hindi naman masyado.”tumatawang sagot ni ghost
“Ewan ko sayo dyan ka na nga.” Sambit ni Cheska
“Oh saan ka pupunta?” huy beauty.” Tanong ni ghost Migs pero hindi naman siya pinansin ni Cheska.
Nagpunta na sa kwarto niya si Cheska at sumunod naman doon si MIgs.Naligo na muna si Cheska bago naghapunan at pagkatapos ay nagbasa na lamang sa kanyang silid.
“Matutulog na ko.”Wika ni Cheska kay Migs na nakadapa sa tabi niya at nagbabasa rin.
“Edi matulog kana ,hindi naman ako natutulog kaya hindi kita pwedeng sabayan.” Sagot ni Migs na patuloy sa pagbabasa.
“Matutulog habang nandito ka?Yun ba nag ibig mong sabihin?”
“Hindi ka lang pala maganda no beauty matalino kappa.” Natutuwang sambit nito
“Hoys Migs na multo,hindi ako nakikipaglokohan sayo ah.Hindi ka pwede ditto kapag matutulog nako.”
“Eh bakit naman?Wala naming malisya no.FYI ghost po ako kaya wala akong magagawa na gaya ng iniisip mo.”
“Kahit pa sabihing ghost ka, lalaki ka parin kaya tumayo ka na dyan at lumabas kana ng kwarto ko.” Utos ni Cheska
Hinila na ni Cheska ang kamay ni Migs upang tumayo ito at pinagtulakan na itong lumabas ng kwarto niya at nahiga na.
“Grabeng multo yon,sobrang kulet, nagbabasa pa ah.” Wika ni cheska habang nakahiga
Dahil hindi pa makatulog ay pabiling biling siya sa kanyang pagbiling ay isang nakangiting multo ang nakita niya.
“Hi beauty.” Wika ni Migs sa nagulat na si Cheska at magkaharap sila.
“Anong ginagawa mo dit, paano ka nakapasok?” tanong ni Cheska pagkatapos bumangon.
“Nakalimutan mo na ba ghost ako, kaya kong lumusot kahit saan.” Sagot ni Migs at bumangon na rin
“Ah ganon, magaling kang multo.Diba sabi ko bawal ka ditto.” Mataray na sabi ni Cheska na nginitian lang ni Migs
“Beauty naman wag kang ganyan.Wala akong permanenteng place dagil nga ghost ako.Alam mo namang ikaw lang nakakakita at nakaka kausap sa akin.Kaya dito lang ako nagpupunta lage sayo.”
“Oh ngayon ano gusto mong sabihin?”
“Baka naman pwedeng ditto na lang ako.Promise wala akong gagawin.” Wika ni MIgs at hinawakan pa talaga ang kamay ni Cheska
“Try mo lumayo ng konte at bitawan ang kamay ko.”
“Ay sorry.” Sagot nito na natawa pa, lumayo naman ito ng bahagya “Uy beauty pumayag kana sige na.”
“Hay nako oo na nga.”
“Talaga salamat.” Tuwang tuwang sambit ni Migs
“Oo na, hindi mo rin naman ako titigilan, don kana sa sopa.” Utos ni Cheska na nakapagpasimangot kay Migs
“Dito nalang ako sa tabi mo please.”
“Ayaw.”
“Please, please, pretty please.”
“My god, papatayin ko na tong multong to.”
“Patay na ko,ghost na nga eh.”
“Tatahimik kaba dyan o don ka sa sopa.” Taas kilay na tanong ni Cheska
“Tara tulog na tayo.” Sagot nito at nahiga na
Nahiga na lamang si Cheska kahit pa naiilang siya at hindi sanay na may katabing lalaki at isa pang multo.Binantayan naman siya magdamag ng mukulit na multo na ngayon ay Migs na.