~Cheska~
Malungkot at tamad na tamad akong tumayo patungo sa banyo upang malilgo.Nakakainis panaginip lang pala, sana ay hindi na ako nagising.Ang buong akala ko ay nagbalik na si Migs.Ganon ko ba siya kasamiss at pati sa panaginip ay nangangarap ako.Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo ay nakita ko pa ang mga bagaye na inayos naming ni Yaya Celia para sa aming pang alis.Uuwe nga pala kami sa Villa, kaya siguro nanaginip ako ng ganon.
Mahigit isang oras din ng lumabas ako ng kwarto ko at nakapag ayos na ako para sa aming pag alis.Inabutan ko sina mama at papa sa sala habang nagkakape.
“Good morning ma, pa.” bati ko sa kanila
“Good morning iha.” Bati naman sa akin ng papa ko
“Good morning anak, your so pretty today.” Wika naman ng mama ko
“Thanks ma.By the way anong oras po tayo aalis?” tanong ko matapos ako umupo sa sopa na malapit kay mama.
“Anong aalis?” gulat na tanong ng mama ko habang napakunot naman ng noon ang papa ko.
“Papa, mama don’t tell me hindi kayo tutupad sa pangako nyo sa akin.”
“Pangako?” sabay na tanong ng mama at papa ko na kinakunot ko ng noo.
Hindi ko gusto ang tono ng tanong nila, bakit parang wala sa isip nila ang pag alis namin.
“Papa, mama ayan na naman kayo,diba po ngayon tayo uuwe sa villa to celebrate Christmas.You both promise me.” Maktol kong pahayag
“Pero anak we already celebrated Christmas at the villa and today was Dec.30.” naguguluhang sagot ng papa ko na syang kinagulo rin ng isip ko
“Kakauwe lang natin kagabi, hindi mo pa nga naayos ang mga bagahe mo.” Wika naman ng mama ko na lalong nagpa confuse sa isipan ko.
Pinagtagpi tagpi ko ang sinabi ng papa at mama ko kayat ganon na lamang ang reaksyon ko ng mapagtangto ang mga sinabi nila
“You mean?”
“Nananaginip ka na naman ba?Hanggang ngayon ba hindi ka parin makapaniwalang buhay na ko and Im not a ghost anymore.”
Kasabay ng pagkagulat at paglingon ko sa nagsalita ay paggunita ng mga nangyare.Ang pamamasyal ko sa villa kasama ang pamilya, kaibigan at lalaking mahal ko.Ang pagcelebrate ng most happy Christmas kasama ang mama at papa ko at syempre ni
“Miguel.” Naluluha kong sambit
“Yes hon?” wika ni Migs habang papalapit sa akin.Tila huminto ang mundo ko at tanging sya lang ang nakikita ko habang papalapit sa sakin.Pinunasan niya ang luha ko habang ako ay nakatitig lamang sa knya.Nakangiti niyang inabot ang bulaklak na dala niya.
“Ibig sabihin hindi lang iyon basta panaginig?Totoong nagbalik kana,totoong tao kana at hindi na ghost?” wika ko habang hinahaplos ang muka niya.Ngumiti siya at winika
“And Im not leavin anymore.”
Niyakap ko ng mhigpit si Miguel at patuloy lamang sa pagluha.Salamat po narito na nga sya.Salamat po at binalik nyo ang mahal ko.
“Wag ka ng umiyak,ang ganda ganda mo pa naman, may date pa tayo.”
“Date?” takang tanong ko
“Oo diba niyaya mo kong magdate kagabe.” Sagot ni Migs na kinabigla ko.Ano ba itong nangyayare sakin bakit di ko alam ang mga pinaggagwa ko.Nababaliw na naman ata ako
“Hoy muka mo!” bigla kong sigaw na nagging dahilan para magtawanan silang lahat.
“Iha totoo yon,narinig ko kagabe.” Singit naman ni yaya
“Yaya naman eh.:’ muli na naman silang nagtawanan dahil sa sinabi ko
“Sige na umalis na nga kayo magdate na kayo.”Sabi ng mama ko
“Sige po tita,tito ,yaya aalis nap o kami.” Natatawang paaalam ni Miguel at inakay na ako palabas.
Umalis na nga kmk at habang nasa byahe ay nakatingin lamang ako kay Migs.Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakabalik na talaga siya.Dinala ako niya ko kung saan saan, at ito ang pinakasa masayang date ko,simple lang naman kung tutuusin pero ang makasama sya ay sapat na.Nagiging special basta andyan sya.Ngayon ay narito kami sa isang park, nagpapahinga habang pinapanuod ang mga batang naglalaro.Nakatingin lamang ako sa mga kamay naming magkamak.Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kilig.
“Mahal na mahal kita Cheska.” Sambit niya na lalo nagpangiti sa akin.Ngayon at nakatingin na siya sa akin habang patuloy na hawak ang aking kamay.
“Mahal na mahal din kita.”Sagot ko naman.
Napapikit ako ng lumapit sa akin si Migs at hinalikan ako sa noo.Ramdam ko ang pagmamahal niya at napakasarap sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking iniibig mo ng sobra.
“Hon I have a question.” Pukaw ni Miguel sa atensyon ko
“Yes hon?” sagot ko matapos kong sumandal sa kanyang balikat
“Bakit Migs ang binigay mong pangalan sa akin noon?”
Napangiti ako sa tanong niya.Wala namang mabigat na dahilan.Gusto ko kase talaga ang pangalan na iyon.
“Gusto ko kase ang pangalang iyon.Actually pangalan yon ng isang taong unti unting nagkaroon ng puwang sa puso ko noon.” Nakangiti kong sagot
Ramdam ko ang saglit niyang pagkagulat subalit wala akong naramdamang inis sa kanya na tila lalo pa syang nacurious.
“What do you mean?”
“Migs was the name of my secret admirer.He always gave me love letter, dati nako konirihan ako pero nag magtagal I find it sweet.Every messages na laman ng letter niya ay nagbibigay ng ngiti sa akin.Hindi ko siya kilala pero it seems that he really know me.The way he gave me advice if Im sad.He knows eveytime na masaya o malungkot ako.and he always there if need ko ng karamay.”paliwanag ko at nanatili lamang na nakikinig si Migs kaya nagpatuloy ako
“Years had past,hindi pa rin siya nagpapakilala pero okay lang sa akin.Masaya na mo sag anon, nakakausap ko naman siya sa letter.And I know mabuti siyang tao.And then one day I found my self starting to like him.”
“Then what happen?” tanong niya na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko
“Sinabi ko sa sarili ko na kung kami talaga edi kami.Hihintayin ko siyang magtapat sa akin in person.Never naman kase siyang nagsabi sa sulat na mahal niya ako.”
“Pero ramdam mo bang mahal ka niya?”
“Oo, he always care for me at ramdam ko iyon sa mga letters niya.But anyway hindi na iyon importante,dahil you came in to my life.And I really love you.” Masaya kong sambit
Hinawakan ko ang kamay niya saka ako ngumiti.Gusto kong wag niyang isipin na may higit sa kanya sa puso ko.
“Pero lagi ko namang pinaparamdam na mahal kita hindi mo lang ako pinapansin dahil lagging nakay Nathan ang atensyon mo.” Nagulat ako sa sinabi niya at natawa
“Nagseselos ka na naman kay Nathan.” Tumatawa kong sambit kahit medyo nawiwirduhan na ko sa sinasabi niya.
“Oo matagal na, palagi nalang siya.Lagi ko naman sinasabing mahal kita,hindi mo nga lang naririnig dahil wala akong lakas ng loob lapitan ka upang sabihin ng harapan.Dahil kahit isang sulyap hindi mo maibigay sa akin kaya nakontento na lamang ako sa mga letters.”Pahayag niya na sobrang nagpagulat sa akin.
“Hon anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong
“Hindi mo ba talaga ko namumukaan man lang?”
Pinagmasdan kong mabuti si Miguel.Ang maamo niyang muka, ang magaganda niyang mata at ang nakakahawa niyang ngiti.Doon ay tila bigla kong narealiza na parang pamilyar siya sa akin.
“We first met nung nagtransfer ako nung 2nd year highschool tayo.Nabangga kita at doon ko unang nakita ang mga ngiti mo.” Nakangiti niyang wika na tila napala special ng tagpong iyon
Bigla ko naalala ang tagpong iyon.Oh my god,siya nga ang lalaking may magandang mga mata.
“Simula noon lagi na kitang pinagmamasdan sa malayo.May time na pasimple kitang binabangga para mapansin mo ko.I even put flowers to your locker everyday.”
“Ang favorite flowers ko,red rose.” Wika ko
“Two years na akong nagpapapansin sayo.Two years na rin kitang sinusulatan.Two years na rin kitang minamahal ng patago.”pagtatapat niya
Grabe wala akong masabi sa mga rebelasyon niya.Sino nag aakalang ang Migs na tinatangi ko noon ay ang lalaking iniibig ko ngayon.
“Sino ang mag aakalang kahit ghost na ako ay ikaw parin ang talagang mahal ko.” Nakangiti niyang sambit.
Kaya pala ang bilis naging palagay ng loob ko s kanya ay dahil matagal ko na siyang kilala.Kaya pala hindi ko makalimutan ang mga ngiti niya na tila noon ko pa nakita.
“Ang Migs na secret admirer ko ay ang ghost na protector ko pala.”
Kaya pala pakiramdam ko lagi akong ligtas kapag nandyan sya,matagal na pala niya kong pinoprotektahan.
“Ang babaeng akala ko noon ay hindi man lang ako mapapansin ngayon ay mahal na ako.” Kita ko ang pagpatak ng luha niya,pero hindi dahil sa lungkot kundi sa saya.
Ang lalaking akala ko noon ay hindi man lang ako kilala,iniibig pala ako ng palihim.
“Matagal mo nang nakuha hindi lang ang atensyon ko,kundi pati ang puso ko.Ang tanga ko lang,kinailangan mo pang maging multo bago ko yon marealize.” Naluha narin ako sa panghihinayang sa mga oras na sinayang ko at sa tuwa dahil binigyan pa ako ng pagkakataon.
“Hindi mo alam kung gaano ako naging masaya nung nalaman kong ang babaeng matagl ko ng mahal ay ang babaeng nakasama pala ng kaluluwa ko.” Sincere niyang wika at ramdam na ramdam ko iyon.
Napaswerte ko naman talaga.Paulit ulit kong hinahaplos ang muka niya.Hinawakan naman niya ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan ito.
“Masaya rin ako na ang crush ko pala noon ay ang secret admirer ko pala.May bonus pa,ikaw din pala ang ghost na minahal ko at mamahalin habang buhay,”
“I think we are destined.” Nakangiti niyang wika
“Destined noon pa man.” Sagot ko naman
Yumakap ako sa kanya at niyakap din niya ako pabalik.Nanatili kaming nakaupo habang magkayakap at pinagmasdan ang mga batang naglalaro.
“Maraming kalungkutan ang dumating sa buhay ko at dahil sa pagdating ng makulit na multong si Migs nagbago ang lahat, or rather nang dahil sa pagdating ng isang Miguel Sandoval sa buhay ko nagging masaya ang malungkot kong buhay noon.Mamahalin kita Migs sa kahit ano pang panahon.” Bulong ko sa isip ko.
Naramdaman ko ang isang mabining halik mula sa aking noon matapos akong hawakan sa kamay.Hindi sapat ang mga salita upang maipahayag naming ang saying nadarama naming ngayon.Isa lang ang mahalaga magkasama na kami at sana ay hindi na magkahiwalay pa.Alam kong walang sigurado sa mundo pero sisikapin naming maging masaya at walang sasayangin na kahit ano mang oras.
………………….WAKAS……………….