Ilang minuto pa ay nakarating din sila sa mansion.Pagkapasok pa lamang nila sa gate ay nagulat si Cheska dahil may dalawang armadong lalaki na lumapit sa kanila at marahas silang dinampot.
“Teka sino ka-----.” Hindi na naituloy ni Cheska ang sasabihin niya ng takpan ang bibig niya at lagyan ng piring ang mga mata niya.
Hindi rin naririnig ni Cheska ang boses ni Migs kung kayat wala siyang idea kung ano ang nangyayare ditto.Nagpupumiglas si Cheska subalit malakas ang mga ito at nagawa na siyang buhatin.
Sa kabila ng takip ng mga mata niya ay naroon ang pagtulo ng mga luha niya.Halo halong emosyon ang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon lalot hindi niya alam kung saan siya dadalin at ano ang gagawin sa kanya.Isa pa sa kanyang alalahanin ay si Miguel, ano na kaya ang nangyari ditto, kasama ba niya ito o hindi.
Hindi naman nagtagal ay naramdaman ni Cheska na ibinaba siya ng lalaki at pinaupo sa isang upuan.Hindi itinali ang mga kamay niya kaya dali dali niyang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata at takip sa bibig.
Ang takot na nararamdaman niya ay napalitan ng gulat at pagtataka.
“Teka garden naming to ah.Ano bang nangyayari?” naguguluhang sambit niya
Nilibot ni Cheska ang kanyang paningin at doon ay namangha siya sa nakitang ayos ng garden nila.Maraming ibat ibang mamahaling bulaklak ang sinadyang iayos sa ibat ibang bahagi ng ng garden,Mayroon ding mga petals ng rose na nakakalat sa Bermuda grass nila.Pati ang mini fountain na naroon ay may mga bulaklak din sa paligid maging sa tubig ay may mga petals din .
Dahil sa tuwa ay lumapit siya ditto at pinagmasdan ito.Dahil madilim narin ay isa isang nagsindihan ang mga ilaw na nilagay sa buong paligid ng garden.
“Wow beautiful.” Tanging sambit niya
Sobrang ganda at romantic talaga ng lugarat dahil ditto ay hindi man lang napansin ni Cheska na nag iisa na lamang siya at wala na ang mga lalaking kumuha sa kanya.Nawala na rin panandalian sa isipan niya nangyare sa kanina.Subalit ilang sandal pa ay bumalik ang pag aalala niya ng Makita si Miguel.
“Migs anong nangyare sayo,sinaktan kaba nila?”
Tatakbo sana papalapit kay Miguel si Cheska ngunit natigil ito ng senyasan siyang huwag gumalaw.
“Im okay don’t worry.”wika ni Miguel habang nanatiling nakatayo at dalawang dipa ang layo mula kay Cheska.
“Ano bang nangyayare?Kanina yung mga lalaki tapos ito…..” hindi na naituloy ni Cheska ang sinasabi ng magsimulang maglakad si Miguel papalapit sa kanya.
Nakangiti ito habang papalapit sa kanya at mula sa likod ay may inilabas itong pulang rosas.
“Ano na namang kalokohan to?” nakangiti ng tanong ni Cheska pagkalapit ni Miguel sa kanya.
Inilagay ni Miguel ang rosas sa tenga ni Cheska saka nagsalita.
“It’s a surprise for the special girl of my life.”
“Surprise?Dont tell me yung mga kumuha sa akin kanina is part of your surprise?” nakapamewang na tanong niya.
“Yeah, natakot kaba?”
Binatukan siya ni Cheska at mataray na nagtanong.
“Tingin moa no mararamdaman ko pag may bigla na lamang dumampot sa akin?”
“Well I think natakot ka nga, halatang naiyak ka.”
“Malamang, ni hindi ko alam ano na nagyare sayo, kababalik mo lang tas magkakahiwalay na naman tayo.” Inis niyang sabi
“Sorry for that,kaialangan ko pa kaseng magprepare for this.” Sincere niyang paliwanag
“For what?”
“Im sorry kung palagin na lang kitang pinapaiyak.Im sorry for those months na nadurog ko ang puso mo.Im sorry for breaking my promise na aalagaan kita at pasasayahin.”
Nagsimula ng maglandas ang mga luha ni Cheska ng maalala ang mga sakit na naranasan niya sa pagkawala ni Migs.
“Im sorry sa pag iwan ko sayo at sa paghihintay mo ng matagal kahit walang kasiguraduhan kung babalik pa ako.Im sorry kung hindi ko nagawa ang mga pinangako ko nung ghost pa ko.”
“Migs I understand.”
“Thank you for being understanding but I want you to know that ngayong tao na ko at hindi na multo, tutuparin ko na lahat ng pangako ko sayo.
“Cheska I want to grab this offortunity to asked you a very important thing.Sa harap ng mga taong nandito….” Saglit na huminto si Migs sa pagsasalita at kapwa nila tiningnan ang mmga pamilya nila , friends ni cheska at lahat ng mga tauhan ng villa.
“Oh my god, paanong andito silang lahat.” Gulat na sambit ni Cheska
“It’s me, dinala ko sila dito.Dahil sa harap nilang lahat …..I want to asked if…….
Would you be my girlfriend?”
Muli na namang naluha si Cheska dahil sa mga sinabi ni Migs.Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Migs sa harap ng maraming tao.Tiningnan lahat ni Cheska ang mga naroon at lahat ay masaya at kinikilig pa.
“Say the magic word first.” Sa wakas ay nawika niya
“I love you.” Nakangiting tugon ni Miguel
“Yes, from now on Im your girlfriend.I love you too.”
Sa sobrang tuwa ni Miguel ay niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa noo, sa ilong at sa labi.
“Thank you and I love you so much.”
Nagpalakpakan ang mga tao at lahat ay masayang masaya.Samantala walang mapaglagyan ng kaligayahang nadarama si Cheska ng mga oras na iyon.Hindi rin niya akalain na magpmamahal siya ng lubos at magiging masaya ng labis.Hiling niya na sana ay huwag ng matigil pa.
“Mahal na mahal kita Migs.”
Kring!! Kring!! Kring!!
Dali daling napabangon si Cheska sa pagkakahiga ng marinig ang tunog ng kaniyang alarm.Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto niya.
“Haist panaginip lang pala.”