Bahagyang nagtaas ng boses si Rose. "What the hell? Ayaw kong makipag s*x sa dalawang tao," umapela siya. "Kailangan mo ng mas maraming pera, tama?" tanong ni Minda. "Totoo po yan Madam," sagot ni Rose. "Pero mas mahalaga ang dignidad ko kaysa sa pera. Hindi mo ako mapipilit na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ko. Mataas ang respeto ko sa iyo pero at the same time, hindi ko masusunod ang gusto mong mangyari." Nakaramdam ng pagkayamot si Minda at tinuro niya ang pinto. "The door is wide open b***h! Kung hindi mo kayang sikmurain ang sistemang ipinapatupad ko, umalis ka sa bar kong punyeta ka! Syempre, ikaw lang ang pinapayagan kong umalis. Bawal umalis iyong mga gwapong hinila mo dito... marami pang pokpok rito at hindi lang ikaw!" Tumingin si Jolina kay Rose na parang tulala.

