Inabot ni Jolina ang tray kay Rose na nabingi sa sinabi nito at nagpatuloy sa paglalakad. Inilapag niya ang mga beer at pagkain sa mesa, saka umupo sa tabi ni Erik at bumulong. "Hey, nakalimutan ko ang bayad Erik. Magagalit sa akin si Madam kapag hindi ko kinuha!" "Hoy... bakit hindi mo kausapin si Tom? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Siya ang bahalang magbayad?" Bulong ni Erik kay Rose. "Ano bang pinag-aawayan niyong dalawa?" tanong ni Tom na uminom ng beer niya. "Paki-share kung ano ang pinagkakaabalahan ninyong dalawa?" Kinurot ni Rose si Erik sa bewang niya. Saka niya sinagot ang tanong ni Tom. "Actually, bayad muna tayo bago inom. Yan ang sabi sa amin ni tita Minda." Kinuha ni Tom ang kanyang wallet at kumuha ng 1 thousand at ibinigay kay Rose. "Sapat na ba yan?" "Pwede na

