Matapos ng isang linggo ng Mama ni Angela sa ospital ay nilabas na nila. Hindi pa siya tuluyang nakarecover pero mas mabuti na ngayon ang lagay niya. Kailangan lang niyang ipagpatuloy ang kanyang therapy dahil naapektuhan ng bahagya ang kanyang kanang bahagi ng katawan sa pagkakaatake. Sabi ng doktor ay babalik din iyon basta ipagpatuloy lang ang pagte-therapy sa kanya. Nang maka-uwi sla sa bahay ay sobrang galang siyang sinalubong nina Alfred at Arman. Ilang linggo din kasing hindi nakita ng dalawa ang ina dahil iniwas ni Angela na makita ang tunay na kalagayn ng kanilang ina. "Kamusta ka na Mama? Miss na miss ka namin ni Arman." yakap sa kanya ni Alfred, ang pangalawang kapatid ni Angela. "Okay naman na ako anak. Miss na miss ko din kayo. Halikayo nga dito yakapin ninyo si Mama." sabi

