Papasok na ang sasakyan ni Luis sa malaking gate ng mansyon. Ang gate na tinatanaw at tinitingala lang ni Angela noon ay mapapasok na niya. Mula sa gate ay mahabang daan pa papasok mismo sa mansyon ng mga de Silva. Manghang mangha siya sa kabuuan nito. Sa daan pa lang ay nagsisitayugang punong kahoy na ang madadaanan. Humigit kumulang na limang minuto na tinakbo ng sasakyan ni Luis papasok sa bandang harapan ng mansyon. Ilang metro na lang ay tanaw na tanaw na ni Angela ang malaking bahay. Sa pakiwari niya ay parang isangkastilyo ang bahay mismo. Nang makaratin sila ay hindi niya napigilan maamangha sa nakikita. "Ito na ang bahay niyo?" tanong niya kay Luis habang pinapatay nito ang makina ng sasakyan. "Oo kaya ayusin mo na 'yang sarili mo." sagot naman ni Luis. Naunang bumaba ang lalak

