Dalawang araw nang pinag-iisipan ni Angela ang sinabi ni Luis. Kung hindi siya papayag sa kasal ay magbabayad siya ng doble sa ibinigay sa kanya ng lalake. Naramdaman ng ina nito ang pagkatulala niya. "May problema ka ba anak? Kanina ka pa nakatulala diyan ah?" tanong ng ina nang makalapit siya dito. "Wala po Ma, may iniisip lang ako." tanggi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nasasabi ang ina tungkol sa pakikipagkasundo niya kay Luis. "Sigurado ka anak?" "Opo Ma, Huwag niyo po ako alalahanin. Kayo po? Kamusta ang therapy ninyo?" iba niya sa usapan. "Sa awa naman ng diyos anak medyo nag-iimprove ang katawan ko. Baka ilang session na lang okay na itong paglakad. Kailanganko na din kasing makalakad ng husto." "Mas maigi na 'yung unti-unti Ma, huwag ninyo madaliin kung nahihirapan n

